CHAPTER 9

156 4 1
                                    

IRIS AMPHITRITE’S

Ilang buwan na din ang nakalipas at Habang tumatagal nagiging close kami ni dash. Ewan ko lapit nang lapit si dash sakin. At dahil sa pagiging malapit namin hindi ko na gaano nakakausap si dale.

Mapayapa akong natakbo dahil umaga kaya nag jogging ako dito sa paborito ko na park sa labas ng village namin to malayo layo konti pero malapit to sa dalawang elementary school dito.

“Uyy ganda!” Napatingin ako sa nagsalita. Si dash nanaman.

“Hindi ka pa rin nakaka move on sa tawag mo sakin na yan ano?” Sabi ko at tumigil sa pagtakbo.

“bakit bagay naman sayo ah. Simula nung hindi ka na naglalagay ng make up sa mukha lalo ka naging mukhang dyosa alam mo na yun?” sabi pa niya at umupo sa bench na nasa tabi namin.

Inirapan ko na lang siya.

“Ano ginagawa mo dito? Bakit dito ka nag jogging? Hindi ka naman taga dito eh” sabi ko at umupo din sa tabi niya at nagpunas ng pawis.

“Bakit ikaw taga dito ka? Bakit dito ka nag jogging eh hindi ka rin naman taga dito” sabi niya.

“meron kasi ako nagustuhan dito nung bata ako kaso isang beses lang kami nagkita tapos hindi na kami nagkita minsan na lang kasi ako pumunta dito nun tapos siya hindi na ata pumupunta nun dito” sabi ko napatingin ako kay dash. Napakunot noo ko ng nakatingin siya sa dibdib ko kaya hinampas ko sakanya yung towel na dala ko.

“Putangina mo dash yang mata mo kung saan saan napupunta!” inis na sabi ko kaya napaiwas ng tingin si dash at namula pa.

“G-Gago assuming ka! Tinitidnan ko nunal mo sa may bandang dibdib nuh!” sabi niya at tumingin sa ibang direksyon.

“gagi ang init woah!” sabi pa niya at nagpapay ng sarili

“Tangina mo m@nyak” sabi ko at hinampas ulit siya ng towel bago nag umpisa ulit tumakbo.

“Hoy! Hindi naman eh! Yung nunal mo kasi ang cute!” napailing na lang ako sa excuse niya.

“tangina bilis mo tumakbo!” napairap ako ng marinig ko siya sa likod ko. Dapat talaga nilalayuan ko to si dash dahil nasakanya na lagi atensyon ko!

“Uy may kwek kwek dun oh!” sabi niya at may tinuro.

“ano gagawin ko?” sabi ko kaya inirapan niya ako. Sige mag irapan tayo.

“Ganda ganda mo pero slow ka! Tara samahan mo ko kakain tayo” sabi niya at hinila ako.

“Teka kaka jogging ko lang kakain agad! Tataba ako niyan” inis na sabi ko.

“wag ka mag alala tutulungan kita mag exercise para di ka tumaba pero para sakin okay lang kung chubby ka cute mo pa siguro nun” sabi niya at parang babae na humagikhik.

“Kuya ito nga po kwek kwek yan tapos fishball yan thank you po” napatingin ako ng tumabi siya sakin.

“oh kain ka na ganda” sabi niya kaya wala na ako nagawa kundi kumain kahit tumanggi naman ako pipilitin niya ako kumain eh.

“Masarap diba? Sabihin mo masarap bilis” sabi pa niya

“oo na masarap” napipilitan na sabi ko.

“pagkatapos natin kumain uuwi na ako ha baka hinahanap na ako sa bahay” kung hahanapin nila ako. Hahanapin lang naman ako pag may kailangan sila.

“Sige sige hatid pa kita gusto mo?” agad ako umiling.

“Hindi na. Papasundo ako sa driver namin eh bibili pa kami pagkain ni cookie” sabi ko.

“Ay kamusta na pala anak natin si cookie? Pinapakain mo ba yun mabuti? Wala naman sakit? Malusog ba si cookie?” tinidnan ko siya ng masama

“anak KO wag mo sabihin NATIN ako nakapulot ayaw mo pa nga sakanya dati eh” sabi ko naalala ko kung ano reaksyon niya ng ipangalan ko sa aso ay cookie.

ano ipapangalan mo dyan sa aso na yan?” tanong niya habang nandito kami sa sala nila at pinapakain yung aso.

“Cookie”

“Cookie?! Ginawa mo naman pagkain yang aso! Dapat browny na lang bat cookie pa!” maka react to kala mo sakanya ko pinangalan.

“ang pangit ng browny dash ang pangit. sayo ko kaya ipangalan yung browny!” inis na sabi ko.

“Eh kung sayo ko din kaya ipangalan yung cookie?! Cookie achuchu abunjing bunjing. Gusto mo ganun?!” inis na sabi niya. Minsan di ko alam kung seryoso ba usapan namin ko hindi dahil sa kagaguhan niya.

“Ayun ready na siya mambuntis ng aso” sabi ko.

“Gago lalake si cookie?! Tapos pinangalan mo cookie?! Sabi sayo browny na lang e!” sabi niya.

“edi sana ikaw umampon tapos pinangalan mo sana siya ng browny bwiset ka” sabi ko

“Oh san ka pupunta?!” inis pa rin siya sa buhay niya.

“uuwi baka wala na pagkain ang anak ko!” sigaw ko sakanya.

“ikamusta mo ko kay browny ha” sabi niya.

“BWISET KA! COOKIE NGA! COOKIE!!” sabi ko at umalis dun pero rinig ko pa din tawa niya.








NO MORE HIDINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon