CHAPTER 31

206 8 0
                                    

IRIS AMPHITRITE’S

“Dash umusod ka nga ang init!” Inis na sabi ko. Sumimangot naman si dash at kinuha yung remote ng aircon at nilakasan lalo.

“Ayan malamig lalo payakap na ganda” sabi niya at hinalikan ako sa noo at niyakap ako ng mahigpit.

Nagising na lang ako na may nakayakap sakin na unggoy— este tao si dash pala.

“Lumabas ka nga sa kwarto ko baka mamaya makita pa tayo ni salacia magkasama!” Inis na sabi ko.

Ilang buwan na din ang nakalipas maayos na ang lahat si dash hanggang ngayon nanliligaw pa din. Lumipat na din kami dito sa bagong bahay na binili niya para samin.

“Mas lalong matutuwa anak natin pag nakita niya na magkasama tayo hanggang ngayon nga nanghihingi ng kapatid yun eh” sabi ni dash kaya napairap ako

Habang hinaharot ako ni dash biglang may kumatok sa kwarto ko.

“mommy! Nandito si tito Vanni! Ginising ko din si daddy kaso di nasagot baka tulog pa” rinig kong sigaw ni salacia.

“sige baby sabihin mo kay tito wait lang kamo” sabi ko at tumayo.

“Ganda dito ka lang! Hayaan mo yung pangit na Jovanni na yun” inis na sabi ni dash.

Ewan ko ba dito bat ang init ng dugo kay Jovanni eh wala naman ginagawa sakanya yung tao.

“Ano ka ba pinsan mo yun lumabas ka dun bilis! Mag aayos lang ako” sabi ko.

“Bat ka mag aayos si Jovanni lang yun! Okay na yan ang ganda mo sa paningin ko eh” sabi pa niya kaya napairap ako.

“Dash wala akong bra papalabasin mo akong ganto? Okay sige lalabas ako—ay!” lalabas sana ako kunyari pero nagulat ako nang binuhat ako ni dash papasok sa cr.

“Ako lang makakakita dapat niyan Iris! Hala magbihis ka dun bilis bababa na ako!” inis na sabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay.

“sinisigawan mo ko Vin Dash?” mataray na sabi ko kaya bigla siya napaayos siya bigla ng tayo.

“Hindi Ganda nagpapaliwanag lang sige na magbihis ka na dyan bababa lang ako love you bye!” napairap ako ng bigla siya tumakbo palabas.

Pagbaba ko narinig ang boses ni aphrodite hindi ko alam kasama siya?

“Ikaw dash ang init init ng ulo mo kay Jovanni eh wala naman ginagawa sayo yung tao! Pigilan mo ko daley baby baka masapak ko tong kambal mo. Saka bat ang tagal ni ate Amphitrite?” rinig ko na sabi ni Aphrodite.

“Bat kasi di niyo na lang tinext sakin ang sasabihin niyo?! Bat pa kayo pumunta dito? Ano silbi ng mga cellphone niyo jusme. Lalo ka na Jovanni ang pangit mo” rinig ko na sabi ni dash.

NO MORE HIDINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon