CHAPTER 19

179 4 0
                                    

IRIS AMPHITRITE'S


Akmang kukunin na ako ng dalawang tauhan na iniwan ni papa para dalhin ako bigla sila tumumba sa harap ko.

Napatili ako dahil putok ng baril dahil namatay ang dalawang tauhan ni papa.

“Tumayo ka na dyan ilalayo na kita” napatingin ako sa nagsalita. Naiyak ako ng makita ko si jovanni. Siya yung pumatay sa dalawang tauhan ni papa.

“Jovanni ayaw nila sakin. Ayaw niya sa baby ko. Niloloko ako ni dash, Jovanni ayaw ko na. Pagod na ako ipilit sarili ko sa mga may ayaw sakin” umiiyak na sabi ko. Huminga ng malalim si Jovanni at binuhat ako yung pa-bridal style at naglakad siya.

“sabi ko naman sayo eh. Ako. Never kita inayawan wag ka na malungkot kung ayaw nila sayo nandito ako! Saka yang baby sa tyan mo. Magpahinga ka na Amphitrite alam ko pagod ka sa lahat ng nangyari ngayon” sabi niya kaya pumikit ako.

“Sobrang pagod” sabi ko.

Nilagay na ako ni Jovanni sa kotse niya. Habang nasa byahe kami naalala ko yung mga sinasabi nila sakin.

Tangina na bata to! Dito ka na nga sa ama mo! Ayaw ko na nga sayo diba!


Tidnan mo sarili mong nanay ayaw sayo.

Wala kang kwenta! Bobo!

Sino magmamahal sa kagaya mo?!

Ayaw ko naman talaga sayo eh sinasaktan mo si aphrodite.

Kaya wala nagmamahal sayo dahil dyan sa ugali mo!


“Arghhh!!” umiiyak na sigaw ko mukhang nagulat si Jovanni at bigla niya ginilid ang sasakyan.

“amphitrite! Wag mo saktan sarili mo ano ba!” sigaw niya habang hawak ang kamay ko na sinasabunot ko sa sarili ko kanina.

“Ayaw nila sakin eh! Deserve ko tong nangyayari sakin! Ayaw nila sakin kasi masama ako. Masama ako ayaw nila sakin! Jovanni ang sakit kasi naalala ko mga sinasabi nila! Deserve ko ba talaga to?! Deserve ko ba na lokohin?! Jovanni hindi ko man aminin sa sarili ko alam ko napamahal na ako kay dash dahil sa mga pinakita niya na mabuti sakin pero palabas lang pala yun! Jovanni sobrang sama ko ba kaya niloloko ako?!” umiiyak na sabi ko. Niyakap ako ni Jovanni.

“Iiyak mo lang Amphitrite nandito ako diba hindi kita inayawan kita mo diba kahit inaaway mo si aphrodite nasa tabi mo ko nandito ako pati baby mo. At si dash? Hayaan mo Ang gago na yun” sabi niya sakin kaya lalo ako naiyak.


“Ayaw ko na sakanila. Layo tayo dito wala naman maghahanap pag umalis ako dito eh” umiiyak na sabi ko. Naramdaman ko tumango siya.

“oo ilalayo kita. Ilalayo ko kayo ng baby mo. Sige na wag ka na umiyak magpahinga ka na lalayo tayo maghahanda lang tayo ng gamit lalayo tayo” sabi niya kaya tumango ako bago umayos ng upo sa kotse niya. Hanggang sa makatulog ako.






JOVANNI’S



“ano gagawin natin dito sa katawan ng babae na to?” tanong sakin tony habang nakatingin kami sa bangkay ng babae na nakuha namin sa morgue dahil wala naman nag claim.

“Sunugin mo ilagay mo dun sa bahay na pinuntahan natin yung sumabog sigurado ako hahanapin nila si Amphitrite” sabi ko

“Eh pano pag pina DNA nila yung katawan netong babae?” tanong pa niya.

“di ako tanga para di maisip yun ako na bahala dun madali dayain ang DNA ng patay” sabi ko kaya tumango si tony. Iniwan ko siya dun may kailangan ako kausapin.

Pagpasok ko sa isang café shop nakita ko kaagad ang kakausapin ko.

“Mr. Ortega” tawag ko dito kaya bigla ito napatayo at tumingin sa likod ko. Akala niya kasama ko ang gusto niya makita.

“Mr. Trevino kasama mo ba siya?” Base sa boses niya sabik niya makita ito.

“sorry Mr. Ortega pero hindi. Masyadong madami nangyari sakanya ngayong araw pwede po ba pag handa na si Amphitrite? Sobra sobra na kasi ang stress na natanggap niya ngayon tapos pag nalaman pa niya na ikaw ang totoong ama niya baka di niya kayanin buntis ho ang anak niyo” sabi ko nakita ko na nalungkot ang mukha niya.

“ang prinsesa ko. Anong ginawa nila sa anak ko. Alagaan mo siyang mabuti Mr. Trevino pag ayos na lahat magpapakilala ako sakanya dahan dahan” sabi niya kaya tumango ako. Mabuti nga yung dahan dahan dahil baka mabigla naman yung isa.

Nahanap ko ang ina ni Amphitrite nasa ibang bansa at mayaman siya may asawa na din pero wala sila anak. Kinausap ko siya tinanong ko kung sino ang totoong ama ni Amphitrite.


“ano kailangan mo?” mataray na tanong niya at umiinom pa ng tea.

“info. i need an information about Amphitrite’s real father” sabi ko. Nanlalaki mata niya sa sinabi ko.

A-Ano? Kaano ano ka ba ni Amphitrite?! Saka binigay ko siya totoo niyang ama nandun na siya! Masaya na siya dun!” sabi pa niya.

“kaibigan ako ni Amphitrite. At yung ama amahan niya ngayon? Hindi niya totoong ama diba? Napa DNA ko na sila at dun napatunayan na walang dugo na makris si Amphitrite” sabi ko kaya agad siya umiling.

h-hindi! Si Alejandro talaga ang ama niya! Kaya nga dun ko siya binigay eh!” sa inis ko hinampas ko ang lamesa na nasa gitna namin.

“Ayaw ko sa lahat yung huli na nga nagsisinungaling pa. Sabihin mo na lang kung sino ang tunay na ama ni Amphitrite tapos ang usapan!” inis na sabi ko.

“Hindi! Hindi ako payag na makita ng totoong tatay ni Amphitrite siya! Manloloko ang ama ni Amphitrite” sabi pa niya.

“Sasabihin mo o bukas pupulutin na lang kayo sa basurahan? Pwede ko kayo mapalayas sa magandang bahay niyo na to” sabi ko kaya natakot siya.

“Hindi mo magagawa yan! Bata ka lang!” sabi pa niya.

“bata nga ako pero Trevino ako” sabi ko kaya nanlalaki ang mata niya.

S-Si Frederick Ortega siya ang ama ni Amphitrite” sabi niya kaya agad ako tumayo at umalis dali dali lang diba nagtatanong ako pinatagal pa.




NO MORE HIDINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon