IRIS AMPHITRITE'S
Limang araw. Limang araw na akong naiwas kay dash! Kahapon lang din namin sinabi kay salacia na si dash ang tatay niya.
"ano po? Si tito dash totoong daddy ko?" Tanong ni salacia habang naka upo siya sa hita ko.
"Oo" sabi ko at tumingin kay dash na nakatingin kay salacia.
"Parang hindi naman po" napatingin ako kay salacia nung sinabi niya yun.
"Ano ibig mong sabihin?"
"Pangit niya po-"
"Salacia!" inis na sabi ko kaya ngumiti naman si salacia. Kamukha niya si dash pag ngumingiti.
"Joke mommy!"
"diba iniwan niya tayo bat nandito siya mommy?" nagtataray nanaman si salacia.
"hindi niya tayo iniwan nagtago lang tayo dahil nasa danger tayo tinago tayo ni daddy sa bad guys" paliwanag ko habang si dash nakatingin kay salacia pa din.
"ah so iniwan pala natin mag isa si daddy kasama ang bad guys?!" gulat na sabi niya.
"Nilabanan niya ang bad guys para protektahan tayo" sabi ko.
"So superhero pala ang daddy ko?!" sabi ni salacia at tuwang tuwa na lumapit kay dash na tulala. Parang gago nakakabwisit mukha niya.
Ayun nagkasundo sila iniisip pa din niya na superhero ang tatay niya nasa labas sila nakikipaglaro kay cookie. Ang laki ni cookie nung una niya akong nakita ayaw niya humiwalay sakin. Hindi ko akalain inaalagaan talaga siya ng mabuti ni dash may damit pa si cookie may bag din kung saan ang mga kailangan niya alagang alaga kulang na lang yaya eh.
Habang naglalaro sila sa labas napatingin si dash sakin kaya napaiwas ako ng tingin at pumasok sa kusina para ihanda ang meryenda ng mag ama. Wala si dale at Jovanni. Si Jovanni ang kasama ni dale sa pag aayos ng kung ano man yun.
"Iris" nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko.
"Nakakagulat ka naman! Bakit? Hinahanap ba ako ni salacia? Nagugutom na ba kayo? Teka malapit na to matapos-" kinabahan ako ng dahan dahan lumalapit sakin si dash. Bat ako kakabahan?!
"iniiwasan mo ba ako? Akala ko ba okay na tayo?" tanong niya at dahan dahan nalapit sakin.
"h-hindi kita iniiwasan! Ikaw naman kung ano ano iniisip mo masyado kang assuming" sabi ko at kunyari busy sa meryenda na hinahanda ko.
"sige nga kung hindi ka umiiwas tumingin ka sa mata ko" pang hahamon niya at hinawakan ako sa braso.
"Dash baka hinahanap ka na ni salacia saka bat mo iniwan si salacia sa labas baka mawala-"
"Nasa kwarto siya kasama ni cookie. Wag mo ibahin ang usapan akala ko ba ayos na tayo? Bat iniiwasan mo ko?" tanong niya at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sakin.
"hindi nga kita iniiwasan-"
"wag mo ko utuin halata naman eh!" sigaw niya kaya nagulat ako.
"Oo na iniiwasan na kita! Pag nakikita kita naalala ko kung pano mo ko tanggihan noon kung kailan kailangan kita! Pag nakikita kita naalala ko yung pang gagamit mo sakin! Napatawad na kita pero hindi ko malilimutan yun dash dahil ang sakit nung araw na yun para sakin parang ang dali dali kasi sayo na basta ako ipagtabuyan" umiiyak na sabi ko.
"Wag kayo mag sigawan gusto niyo ba marinig ng anak niyo na nagsisigawan kayo?" napatingin ako sa kaliwa ko nang makita ko si Jovanni palapit sakin.
"Jovanni" tawag ko sakanya at niyakap siya.
"saka na ulit kayo mag usap dash" sabi ni Jovanni at hinila ako papunta sa kwarto. Hindi ko na nilingon si dash.
DASH
Nandito ako sa may bakuran nainom ng alak naiinis ako dahil si Jovanni malayang mahawakan si Iris habang ako hindi. Gusto ko din naman mahawakan si Iris kaso hindi ko alam kung pano.
"hayaan mo muna si Amphitrite" napatingin ako sa likod ko.
"ano ba meron sainyo ni iris? Bakit ganon kayo lagi? Lagi kayo magkadikit kala ko ba magkaibigan lang kayo? May gusto ka ba sakanya?" inis na sabi ko.
"Magkaibigan lang kami. Wala akong gusto sakanya. Isa lang ang mahal ko dash at parang kapatid na tingin ko kay Amphitrite sadyang sobrang close lang namin" sabi niya pero wala man lang emosyon ang mukha niya. Nakakabwisit
"kung nagtataka ka pa rin. Ako lang ang tinuturing ni Amphitrite na pamilya kaya kompurtable siya sakin. Eh ikaw ano ba ginawa mo? Minsan lang magtiwala si Amphitrite sa tao dahil natatakot siya pagtabuyan nila pag nagtagal pero ano ginawa mo? Ginawa mo yung kinakatakutan niya. Binigyan mo ng malalang trauma si Amphitrite parehas kayo ng tinuring niya ama amahan na si Alejandro makris" sabi ni Jovanni.
"Alam ko mali yung ginawa ko magsosorry naman sana ako kung hindi lang nagka problema nung araw na yun. Kailangan ako ni aphrodite nung araw na yun-"
"pero mas kailangan ka ni Amphitrite. Alam mo ba na balak patayin ng ama amahan niya yung dinadalang bata ni Amphitrite dati dahil ibebenta niya si Amphitrite sa isang mayamang pamilya pero pinaglaban ni Amphitrite yung bata dahil naniniwala siya na mapoprotektahan mo sila ng anak niya. Pero ano ginawa mo? Pinagsabihan mo siya ng mga masasakit na salita. Tumatak sa isip ni Amphitrite yun si Amphitrite yung tao na nagpapatawad pero hindi nakakalimot" habang nagsasalita si Jovanni Di ko napansin nakakuyom na ang kamao ko dahil naiinis ako kay Jovanni.
Nasasaktan ako dahil kung kailan kailangan ako ni Iris may iba akong niligtas imbes silang mag ina ko ang iniligtas ko.
Gagawa ako ng paraan para hindi na ako iwasan ni Iris. Gagawin ko lahat para lang tidnan niya ako sa mata. Gusto ko makita yung mataray na babae na nakilala ko dati.
Ibabalik ko si Iris sakin.
BINABASA MO ANG
NO MORE HIDING
RomanceTREVINO SERIES #2 "They don't like me. Even my own parents don't like me. nobody likes me."