CHAPTER 34

255 6 0
                                    

IRIS AMPHITRITE’S


“Putangina mo dale ang pangit mo lumayo ka nga shaken!” Napairap na lang ako habang tinitidnan si dash na sobrang lasing. Hindi nga ako nalasing pero siya naman sobrang lasing.

“Gago magkamukha tayo kung pangit ako mas pangit ka!” At ayun nga nagsakalan na ang dalawa.

“Hoy! Tama na yan matulog na nga tayo grabe! Di ko akalain simula tanghali hanggang 9 pm nag inom tayo!” sabi ni venus.

“Si Jovanni nga tumba na sa sofa oh sarap ng tulog sana ol” sabi ni Jaxson.

“May Guest room naman kayo diba?” Tanong ni Kuya Jupi habang inaalalayan si Jaxson na parang tutumba pa.

“May limang guest room wait tulungan ko kayo—”

“No, it’s fine Amphitrite kaya na namin ni kuya Jupi to si Dash dalhin mo na sa kwarto niyo” sabi ni Venus.

“Kuya Jupi nagalaw yung house may earthquake ba?” tanong pa ni Jaxson.

“Lets go Jaxson lasing ka na talaga” sabi ni kuya Jupi.

“Hoy Daley baby halika na lasing ka na din tangina to lalasing lasing tapos di kaya tumayo” reklamo ni aphrodite.

“Dash? Dash halika na punta na tayo sa kwarto natin” sabi ko kay dash di naman siya nagsalita pero sumunod naman siya sakin.

“mommy? Okay lang po ba si daddy?” tanong ni salacia. Nakasilip siya mula sa kwarto niya.

“yes baby lasing lang si daddy. Sleep ka na dyan good night” sabi ko. Ngumiti naman si salacia.

“good night mommy love you po” sabi niya at sinarado ang pinto niya.

Pagpasok namin sa kwarto nilapag ko si dash sa kama.

“Wait lang dash ha kukuha ako pantulog mo” sabi ko ar umalis para kumuha ng pantulog ni dash. t-shirt lang naman gusto niya at boxer. Eh naka short naman siya ngayon okay na yun.

“dash. Huy dash papalitan kita ha para kompurtable ka sa pagtulog mo” sabi ko. Nakita ko dumilat si dash.

“Ang ganda mo naman miss” sabi niya kaya napakunot ang noo ko.

“kamukha mo yung crush ko hihi. Yung crush ko parang dyosa yun!” nakangiti na sabi pa niya sakin at nakatitig pa sakin ang mapungay niyang mata.

“Lasing ka lang dash matulog ka na” sabi ko

“Teka miss nagkukwento pa ako eh. Ayun nga nililigawan ko na siya ngayon pero girlfriend ko na siya! Pero gusto ko pa din siya ligawan. Akalain mo yun miss yung crush ko girlfriend ko na! May anak din kami kamukhang kamukha niya anak namin.” Kwento niya

“alam mo ba ang tanga ko dati kasi huli ko na narealize na gusto ko pala talaga siya nung wala na siya? Pero bumalik siya! Kaso galit siya sakin pero bati na kami! Alam mo ba miss pag hindi siya natingin tinititigan ko siya. Ang sarap niya kasi titigan” sabi ni dash kaya napangiti ako.

“talaga masarap ako titigan?” nakangiti na sabi ko.

Sumimangot si dash.

“miss ang sabi ko yung girlfriend ko yung masarap titigan hindi ikaw oo kamukha mo siya pero hindi ka si Iris Amphitrite! Kaya chupi! bat ka ba nandito sa kwarto namin?” inis na sabi pa niya kaya natawa ako.

“gago ka dash. Si Amphitrite ako gago hindi lang ako basta kamukha ng GIRLFRIEND mo dahil ako talaga siya” natatawa na sabi ko.

“weh ikaw si ganda? Pano ako maniniwala?” sabi pa niya. Pansin ko inaantok na siya pero nilalabanan niya pa.

“antok ka na dash bukas na tayo mag usap” sabi ko at papalitan sana siya kaso pinigilan niya ako.

“Kung ikaw nga si Iris ko sabihin mo nga I love you sakin!” sabi pa niya.

Ngumiti naman ako sakanya.

“I love you Dash” sabi ko. Umirap siya sakin tapos namula.

“H-Hindi nakakakilig ha.” Sabi pa niya.

“Magpalit ka na Dash magpahinga ka na” sabi ko hinayaan naman niya ako hubadin ang t-shirt na suot niya pero nakatitig naman siya sakin.

“Ang ganda mo.” Biglang sabi niya kaya namula ako.

“Uy kilig ka ha hihi kiss nga ganda” sabi niya at kiniss ako sa kamay.

“che! Tigilan mo ko dash. Matulog na tayo” sabi ko at inayos siya ng higa.

“hmm.. tabi ka sakin ganda dito ka oh tapos yayakapin kita bilis ganda pwesto ka na dito” sabi niya at tinapik tapik niya ang tabi niya.

“wow bango bango naman hmm! Kagigil!” sabi niya at pinaggigilan ako.

“ano ba dash matulog ka na ang kulit mo!” natatawa na sabi ko.

“okay po. Good night, Ganda. I love you. Never forget that” sabi pa niya at tuluyan nang natulog.

“I love you too, Dash” sabi ko at hinalikan siya sa noo. Pinikit ko na din ang mata ko naramdaman ko pa na humigpit ang yakap niya sakin.

NO MORE HIDINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon