CHAPTER 16

153 5 0
                                    

IRIS AMPHITRITE'S

Naririnig ko nagmumura si Jovanni kaya nagising ako.

"Putangina talaga nun!" Napakunot noo ko. Anyare dito?

"Jovanni?" Tawag ko sakanya kaya Napatingin siya sakin.

"salamat naman at gumising ka" sabi niya. Napatingin ako sa paligid wala kami sa condo niya.

"Nasan tayo? San to?" Tanong ko.

"Nasa hospital tayo nahimatay ka kanina grabe pag aalala ko sayo babae ka" sabi pa niya.

"Bakit ako nahimatay? Sinabi ba ng doctor sayo?" Tanong ko at dahan dahan umupo.

Umiwas siya ng tingin at huminga ng malalim.

"you are 4 weeks pregnant Amphitrite yun ang sabi ng doctor" sabi niya kaya napatulala ako.

Buntis ako.

"bakit buntis ako?" tumingin ako kay Jovanni.

"Tangina malay ko kung pano ka binuntis bat sakin mo tinatanong?!" sabi pa niya.

"eh bat naninigaw ka" naiiyak na sabi ko.

"May binili ako na fried chicken dyan" sabi niya kaya napangiti ako.

"Talaga?! Thank you!" sabi ko at kinuha yung paper bag na nasa tabi ko.

"Moody na buntis" bulong pa niya.

"So ano plano mo dyan? Hindi pala pinutok ni dash labas magkakaroon na ng unang apo si tito gabriel" sabi pa ni Jovanni kaya napatigil ako sa pagkain.

"Iniisip ko si papa pag nalaman niya buntis ako baka saktan niya ako lalo dahil dun." Panigurado magagalit si papa pag nalaman niya talaga to.

"Eh si dash" Napangiti ako ng marinig ko ang pangalan ni dash.

"Si dash? Panigurado ako tatanggapin niya yung anak namin! Si cookie nga tinanggap niya eh sa tagal namin nagkakilala ni dash alam ko na matatanggap niya ang baby ko dahil mabuting tao siya" nakangiti na sabi ko.

"Wow siguradong sigurado ka na tatanggapin ni dash ah. Pano kung hindi niya tanggapin ang bata?" sabi ni Jovanni kaya napa isip din ako.

"ewan. Pero sigurado naman ako tatanggapin niya" sabi ko at tumingin kay Jovanni.

"sige naniniwala ako dyan sa paniniwala mo" sabi pa ni Jovanni kaya ngumiti ako sakanya at kumain ng manok.

"Pag inuwi kita sa bahay niyo ingatan mo ang sarili mo Amphitrite" sabi pa niya kaya tumango tango ako.

"ako pa! Kaya ko yung mga yun!" sabi ko.

"iba ngayon Amphitrite buntis ka may buhay ng bata na nakasalalay kaya mag ingat ka" sabi niya kaya tumango lang ulit ako.



"OH kapal ng mukha mo tumawag ka pa talaga diba nakikipag date ka sa lalake mo" bungad sakin ni dash. Pag uwi ko kasi dito sa bahay tinawagan ko siya sa messenger naka video call kami.

"grabe ka! Hindi ako nanlalake kaibigan ko lang yun!" sabi ko pa at inirapan siya. Cute niya pag nakasimangot hihi

"nagtatampo sayo ang anak natin naghahanap ka na daw agad ng stepfather niya kapal daw mukha mo" natatawa ako sa mga sinasabi ni dash.

"nasan ang baby cookie ko! Patingin! Okay lang ba siya?" tanong ko.

"Ayaw niya kausap ka nagtatampo siya! Maawa ka sa anak mo di mo man lang dinalaw ngayon" sabi pa niya.

"Gago ngayong araw ko lang naman siya di nadalaw eh!" sigaw ko sakanya.

"yeah whatever"

"Sus baka ikaw nagtatampo! Ikaw ha type mo na siguro ako! Nagseselos ka dun sa kaibigan ko kanina ka pa eh" sabi ko pa.

"assuming to! Baka ikaw may gusto sakin!" sabi pa niya.

"Ano ngayon kung may gusto ako sayo?" wala sa sarili na sabi ko. Nakita ko na nanlalaki ang mata niya mukhang nagulat sa sinabi ko. Meski ako nagulat sa sinabi ko at pinatayan siya ng tawag.

Shit! Ano yung nasabi ko! Tangina!




NANDITO ako sa dining area kasama ko kumain si papa tahimik kami parehas. Lagi naman.

"amphitrite malapit na bumalik si mico ayusin mo ha sayang yung ibabayad nila para sayo" sabi ni papa kaya napayuko ako.

Habang nakain kami nakaramdam ako na parang nasusuka ako kaya napatayo ako at pumunta sa kusina para sumuka sa lababo. Nagulat yung mga kasambahay namin dahil sa pagpasok ko sa kusina.

"naku maam ayos ka lang ba?" Sabi ng isang kasambahay pero di ko sinasagot dahil nagsusuka pa ako.

"maam ilang araw ka na ganyan ah naririnig kita sa kwarto mo tuwing umaga nagsusuka ka" sabi pa niya.

"Buntis ka ba maam?" tanong niya kaya Napatingin ako sakanya.

"BUNTIS KA?!" nanlalaki mata ko ng makita ko si papa malapit sakin. Hinawakan niya ako sa braso at kinaladkad papuntang sala namin at tinulak niya ako papunta sa sofa.

"PUTANGINA ANO BA KABOBOHAN TO AMPHITRITE HA?! PURO KAHIHIYAN NA LANG BA IBIBIGAY MO?! ANO NAGPABUNTIS KA KUNG KANINONG LALAKE?!" sigaw niya sakin.

"P-Papa" umiiyak na tawag ko sakanya.

"wag mo ko mapapa papa! Putangina napaka landi mo! Ipaglaglag mo yang bata ngayon din Amphitrite" sabi niya.

Agad akong umiling at niyakap ko ang sarili ko.

"Papa wag ganon papa apo mo to! Wag natin ipalaglag papa wag po" umiiyak na sabi ko. Nakatikim ako ng sampal.

"walang bibili sayo pag buntis ka! Kailangan mo ipalaglag yan bago dumating sina mico!" sabi pa niya kaya lalo ako naiyak.

"wag papa ayaw ko siya ipalaglag" umiiyak na sabi ko. Kinaladkad niya ako palabas ng bahay.

"Ipalaglag mo yan o bukas na bukas ako magdadala sayo dun at ipapalaglag ko yan! Hala lumayas ka! Ipaglaglag mo yan!" sigaw niya at sinarahan ako ng gate ng bahay.

ME:
Jovanni gusto ni papa ipalaglag ko ang bata

JOVANNI:
What?! Nasan ka?! Pumunta ka muna dito sa condo ko! Wag ka na umuwi dyan!

ME:
Sige

Habang nasa byahe ako papunta ng condo ni jovanni naisip ko na puntahan na lang muna si dash gusto ko na sabihin Sakanya na buntis ako gusto ko tulungan niya din ako para di ipalaglag ni papa ang baby namin.

ME:
Jovanni may dadaanan lang muna ako bago ako pumunta sa condo mo

Yun ang sabi ko sakanya at okay lang sagot niya at mag ingat daw ako.

"Manong dyan lang po salamat" sabi ko sa taxi driver at nagbayad bago bumaba. Iisa lang condo ni dash at jovanni pero yung kay dash 5th floor lang yung kay Jovanni pang anim na floor naman.

Habang nasa elevator ako kinakabahan ako kung pano ko sasabihin sakanya.

Pagdating ko ng condo niya nag doorbell muna ako. Maya maya ay binuksan na niya ang pinto.

"wow cookie nandito na ang nanay mo. Hoy sustento mo sa anak natin! Teka- umiiyak ka ba?!" Sabi niya at hinila ako papunta sa sala niya nakita ko pa si cookie tumakbo papasok sa kwarto ni dash.

"ano nangyari sayo? Ayos ka lang? Ano nangyari?!" sunod sunod na tanong niya.

"k-kase.."

"Kase ano?! Kinakabahan ako! May nanakit ba sayo?! Ano?!" sigaw niya kaya lalo ako naiyak.

"Buntis ako!" nakita ko na natigilan siya sa narinig niya.

NO MORE HIDINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon