IRIS AMPHITRITE’S
“tito vanni wala si mommy sa room nasan siya?” Narinig ko boses ni salacia.
“Hindi ko alam sa mommy mo na yun mababaliw na daw siya eh” rinig ko na sabi ni Jovanni. Tangina mo Jovanni makalabas lang ako sa cr na to masasapak kita!
“Po?”
“Wala hanapin mo na lang mommy mo nandyan lang yan tidnan mo sa guest room natin baka nagtatago— este may hinahanap ata yun” sabi ni Jovanni.
“Maiba nga tayo bat kayo nandito?” Tanong ni Jovanni sa kambal.
“Eh itong baliw na kapatid ko nagdala pala ng aso sa room niya eh bawal aso sa hotel na tinirahan namin kaya kung pwede sana dito kami muna panandalian” sabi ni dale
Tangina mo dale planado mo talaga to!
“Hindi ko alam pero kaya niyo ba dito? Walang aircon ang guest room dahil wala naman kami bisita” sabi ni Jovanni.
“Alam ko na kung nasan si mommy!” hindi ko napansin yung sinabi ni salacia dahil nakikinig ako sa usapan ng magpinsan.
Nagulat ako ng bumukas ang cr! Tangina hindi ko ba nalock?!
“Mommy naman kanina pa kita tinatawag hindi ka nasagot Nandito ka lang pala” sabi niya sakin habang ko nakatulala sakanya.
Nakatago ako sa gilid para hindi makita ang mukha ko.
“oh nandyan pala ang mommy ni salacia” rinig ko na sabi ni dale.
“mommy lumabas ka na dadalhin daw nila tayo sa mall may tatlo na akong daddy tara naaaa” sabi ni salacia at hinila ako palabas sa sobrang kaba ko hindi ko napansin nahila na ako ni salacia palabas ng cr!
“mommy ayun oh si tito dash at tito dale! Tito ito po mommy kong pretty!” sabi ni salacia habang ako nakatingin kay dash na unti unting nawala ang Ngiti niya habang nakatingin sakin.
“Iris…” nagulat ako nung tinawag niya ako sa first name ko.
“kilala mo mommy ko? Friend kayo tito dash?” tanong ni salacia kaya napaiwas ako ng tingin kay dash.
“Salacia gusto mo ba makita yung dog ni tito dash nasa labas siya” yaya ni dale.
Si cookie ba yun?
Tumingin sakin si salacia.
“Mommy titidnan ko lang yung dog ha” paalam ni salacia sakin. Tumingin ako kay Jovanni tinaasan niya lang ako ng kilay.
Tumango ako kay salacia.
“sige wag ka lalayo ha” sabi ko kaya tuwang tuwa na sumama si salacia kay dale.
Lumapit sakin si Jovanni at hinalikan ako sa noo.
“Alis muna ako balik na lang ako mamaya” sabi ni Jovanni at umalis din kaya naiwan kami ni dash sa loob ng bahay.
“Bat nagpanggap ka na patay na? Bakit ka nagtago? Hindi mo ba alam kung gaano kalungkot si aphrodite nung nawala ka?!” inis na sabi niya sakin. Aphrodite nanaman. Lumipas na ang ilang taon puro aphrodite pa din sila.
“Mas mabuti na nawala ako sa buhay ni aphrodite hindi ba ako ang pahamak kay aphrodite? Kung hindi dahil sakin edi sana hindi siya napahamak noon” sabi ko pa.
“May anak tayo… Hinayaan mo lumaki yung bata na walang ama iris!” sigaw niya sakin nakita ko na naiiyak na siya
“May anak ka? May anak tayo? Ang pagkakaalala ko ayaw mo sa anak ko ayaw mo sa anak natin dahil puro si aphrodite ang iniisip mo!” sigaw ko din sakanya.
“Nabigla lang ako nun pero wala akong sinabi na ayaw ko sa bata!”
“Pero yun ang pinaramdam mo sakin nung araw na sinabi ko sayo na buntis ako at ikaw ang ama! Parehas kayo ni papa sinaktan niyo ko nung araw na yun! Parehas kayo na ayaw sakin dahil buntis ako! Parehas kayo…” umiiyak na sabi ko at umupo na sa sahig.
Lumapit sakin si dash at niyakap ako.
“gusto niya ipalaglag ang baby natin nun ibebenta niya ako kailangan walang sabit kaya gusto niya ipalaglag si salacia nun! Ipinaglaban ko si salacia kasi alam ko kaya mo kami protektahan kay papa kung sakali may balak siya na masama samin ng baby. Pero.. pati ikaw ayaw mo samin nun” humigpit ang yakap ni dash sakin.
“Sorry Iris. Sorry kasi sinaktan kita. Sorry kung iniisip mo na inayawan ko kayo” sabi niya.
“Hindi naman ako galit sayo matagal na kita napatawad kasalanan ko din naman lahat kung kaya nangyari sakin yun” umiiyak na sabi ko.
“Sorry Iris. Sorry alam ko wala na magagawa yung sorry ko dahil matagal na nangyari yun pero sorry dahil hindi ko kayo naligtas ni baby nung nasa panganib kayo” sabi pa niya
Ngumiti lang ako at tinapik ang balikat niya bago tumayo.
“Wala na yun ang importante naligtas kami ni Jovanni bago pa may mangyari na masama sakin. Tumayo ka na dyan!” sabi ko at hinila siya patayo.
“Pwede tayo maging magkaibigan para sa anak natin ipapakilala kita sakanya tutal may karapatan ka din naman sakanya” sabi ko at tinidnan siya nagpupunas ng luha pa.
“Hindi kaya magalit siya sakin? Matagal ako nawala tapos magpapakita bigla—”
“Mabait si salacia maiintindihan niya pag pina intindi mo sakanya ang isang bagay pero medyo maldita lang siya pero mabait siya” Tumango tango siya na parang wala sa sarili.
Sana maayos ang pagtira ni dash dito.
BINABASA MO ANG
NO MORE HIDING
RomanceTREVINO SERIES #2 "They don't like me. Even my own parents don't like me. nobody likes me."