IRIS AMPHITRITE’S
Pagdating ko ng bahay diretso kwarto agad ako at umupo sa gilid ng higaan.
Napatingin ako sa cellphone ko nang mag vibrate yun. Si dale.
‘hello’
‘himala ilang araw ka na hindi nanggugulo wag mo sabihin focus ka na kay dash? Sabi na eh si dash lang katapat—’
‘putangina mo tigilan mo ko’ alam niya kung gano ko kagusto si dash eh
‘so ano makikipag hiwalay ka na ba? Ayaw mo nun pag naghiwalay tayo masaya na kapatid mo masaya ka na din. Parehas na kayo masaya’ sabi niya kaya natigilan ako. Ito na nga yung panahon na yung sariling kasiyahan ko naman pansinin ko?
Napahinga ako ng malalim.
‘sige tangina panalo ka ingatan mo kapatid ko siya na lang pamilya ko dito’ sabi ko
‘ingatan mo din kakambal ko mas mabait sakin yan’ sabi niya.
‘oo gago alam ko bye’ sabi ko at pinatayan siya ng call.
Sakto pagpatay ng call bigla may kumatok sa pinto ko.
“Maam Amphitrite nandito po ang tito xandro niyo” pagkarinig ko ng pangalan na yun bigla akong natakot bumaba. Pero sasaktan ako ni papa pag hindi ako bumaba sasabihin niya wala akong gala sa tito xandro hindi naman talaga ginagalang ang tulad niya!
“s-sige po yaya sabihin mo bababa na ako” tumango naman yung kasambahay. Bago ako bumaba nag pajama at nag jacket ako mabuti na sigurado.
“Oh ito na pala ang paborito kong pamangkin” narinig ko pa lang boses niya nandidiri na ako.
“Mag mano ka sa tito mo wag kang bastos” sabi ni papa kaya kahit ayaw ko siya hawakan hinawakan ko pa din para mag mano.
“Mano po TITO” sabi ko sabay bitaw sa kamay niya.
“dalagang dalaga ka na talaga ano pwede na” sabi niya at tinidnan ako mula ulo hanggang paa. Lagi niya ginagawa yan nakakadiri.
“sige na umakyat ka na lang dun! Kunin mo itong pagkain mo may pag uusapan kami ng tito xandro mo!” sabi ni papa kaya kinuha ko yung pagkain para sakin.
“teka pwede naman siya dito. Dito sa tabi ko” rinig ko pa na sabi ni tito xandro.
“hindi pwede tungkol to sa pera nung isa kong anak na hindi pa din natin nakikita” napalingon ako nung marinig ko yun.
“ano chismosa ka?! Umakyat ka na dun!” Nagulat ako sa sigaw ni papa kaya dali dali ako umakyat sa kwarto at nag lock. Triple lock to ginawa ko simula nung gusto ako pasukin ni tito sa kwarto ko dati bumili agad ako ng mga pan lock para kahit sino hindi basta makakapasok.
Napatingin ako sa phone ko dahil umiilaw siya. May tumatawag.
‘hello iris—’
‘tangina jovanni!’ pabulong na sigaw ko.
‘bakit? May nangyari ba? Bakit ka bumubulong? Fuck nasa malayong lugar ako! Ano okay ka lang dyan?! Gusto mo may papuntahin ako dyan para itakas ka? Ano?!’ sunod sunod na sabi niya.
‘okay lang ako. Pero kasi si tito xandro nandito natatakot ako' naiiyak na sabi ko. Natatakot ako baka mapasok niya ako sa kwarto ko ngayon.
‘huminahon ka. Ganto mag video call tayo okay? Wag mo papatayin babantayan kita tapos yung mga tauhan namin papabatayin ko sa labas ng bahay niyo yung hindi sila makikita para kung sakali man may mangyari nandyan sila habang wala ako okay?’ sabi niya tumango tango ako kahit di niya kita
Pinatay ko yung call at lumipat kami sa Instagram para dun mag video call. Ayaw niya daw sa messenger eh.
‘oh sige na matulog ka na babantayan kita’ sabi niya at nilagay ang cellphone niya sa tabi kung saan makikita ko siya. Huminga ako ng malalim bago natulog.
Pag gising ko lowbatt na cellphone ko hindi ko nacharge. Nag ayos na ako para bumaba. Sumuot ulit ako ng pajama at jacket baka nandun nanaman si tito xandro.
“Magandang umaga po maam Amphitrite. Handa na po breakfast niyo sa dining area” sabi ng kasambahay na nakasalubong ko. Tumango na lang ako.
Pagdating ko sa dining area nagulat ako ng si mico ang naabutan ko dun.
“Oh good morning Amphitrite!” masaya bati niya habang nakain siya. Kapal ha dito pa kumain.
“morning din” sabi ko at umupo sa katapat niya na upuan.
“kain ka na kanina pa kita inaantay eh may date tayo ngayon utos ni dad lagi naman” sabi niya at tumawa. Ngumiti lang din ako.
“Lamig na lamig ka ah naka jacket at pajama ka” sabi niya. Ngumiti na lang ako at kumain ng tahimik.
Mukhang si mico makakasama ko buong araw.
BINABASA MO ANG
NO MORE HIDING
RomanceTREVINO SERIES #2 "They don't like me. Even my own parents don't like me. nobody likes me."