CHAPTER 17

178 4 0
                                    

IRIS AMPHITRITE’S

“Buntis ako!” nakita ko na natigilan siya sa narinig niya.

“A-Ano? Bingi ata ako”

“Buntis ako. 4 weeks pregnant at ikaw ang ama dash malamang” sabi ko habang nakayuko.

“T-Teka hindi kasama yun sa plinano ko” napatingin ako sakanya. Parang namomoblema siya.

“Anong plano?” tanong ko.

Biglang nagseryoso ang mukha niya. Parang hindi siya si dash.

“Dapat haharutin lang kita dahil gusto ko sakin mapunta ang atensyon mo para layuan mo si dale at aphrodite! Pero fuck! Nakabuntis pa talaga ako!” Base sa narinig ko sakanya hindi niya kami tanggap. Pati baby ko ayaw nila?

“A-Ano? Palabas lang lahat ng pinakita mo sakin? Yung pagkakaibigan natin?” hindi ko na kinakaya yung sobra sobrang sakit na pati siya ayaw samin.

“Ayaw ko naman talaga sayo eh sinasaktan mo si aphrodite. Nakipag kaibigan ako sayo dahil kay aphrodite. Nilandi kita dahil kay aphrodite. Para kay aphrodite lahat ng ginagawa ko! Ganun ko kamahal si aphrodite kahit kuya ang tingin niya sakin!” sinampal ko siya. Puro aphrodite na Lang!

“Napaka kapal ng mukha mo para saktan ako!” Sigaw ko sakanya.

“Dapat nga sayo yan eh!” sigaw niya din.

“S-So hindi mo tanggap ang anak natin?” mahinang tanong ko pero sapat para marinig niya. Matagal bago siya sumagot.

“Pero pano si aphrodite..” aphrodite ulit. Ngumiti ako ng malungkot sakanya.

“Dash hindi ka gusto ni aphrodite! Ako! Gusto kita kami na lang ng anak mo ang pagtuonan mo ng pansinin dash” pagmamakaawa ko sakanya.

“Pero hindi ikaw ang gusto ko isabella!” sigaw niya. Ang sakit.

“p-pero pano kami ni b-baby natin?” naiiyak na sabi ko.

“Hindi ko alam..” bulong niya.

“A-Ayaw mo din ba kay baby?” tanong ko pero Hindi siya sumagot

“ Silence means yes right? Ang sakit dash! Pati ba naman ikaw ayaw sakin. Bakit ba  ayaw niyo sakin?” yun lang sabi ko at lumabas ng condo niya. Ang sakit.

Puro aphrodite sila. Aphrodite ganto aphrodite ganyan. Lagi na lang! Mas mahal nila si aphrodite kaysa sakin lagi na lang talaga!

Sa inis ko tinext ko si dale. At tinanong kung nasan siya sabi niya papunta sila ni aphrodite sa restaurant. Akala niya siguro ayos na kami pero hindi. Naiinis ako kay aphrodite lagi na lang siya.

ME:
Lumabas ka ng restaurant may sasabihin ako

Hindi niya pinansin kaya tinawagan ko siya hanggang mapalabas siya.

“ano kailangan mo?! Istorbo ka” inis na sabi niya.

“buntis ako” yun lang sabi ko. Kumunot noo niya.

“pake ko? Tapos na tayo diba bat sakin mo sinasabi yan di naman kita nabuntis” inis na sabi niya.

“Sabihin mo kay aphrodite na nabuntis mo ko” kita ko na nanlalaki ang mata niya. Sa gantong paraan alam ko masasaktan si aphrodite pag nalaman niya yun.

“Gago ka ba?! Hindi ko naman anak yan bat ko sasabihin sakanya nabuntis kita?!” sigaw niya sakin

“Sabihin mo o sasabihin ko kay papa na nasa inyo si aphrodite” pananakot ko sakanya. Biglang tumalim ang mata niya.

“Tangina naman eh” inis na sabi niya.

“Madali lang naman gagawin mo sabihin mo na planado yung pagiging malapit niyo. Sabihin mo na ako nagplano! Sabihin mo nilapitan mo lang siya dahil utos ko! At sabihin mo sakanya na buntis ako!” Sigaw ko.

“Eh hindi naman totoo—”

“Niloloko niyo ko?” napatingin kay aphrodite na nagtatago pala.

“At para sa kaalaman mo, bata. Kaya galit sayo si dale dati. Dahil sinalba ka ng nanay niya mula sa baril tinamaan sa ulo, puso at sa may bandang tagiliran ang nanay niya dahil sayo sinalo niya ang bala para sayo. Kaya naghihiganti si dale galit siya sayo!” sabi ko pa kaya sinamaan ako ng tingin ni dale.

“Shut up isabella! Alam natin na hindi totoo yan!” Sigaw ni dale.

“Aphrodite makinig ka—”

“Nilapitan mo ko dahil utos niya? Tapos galit ka din sakin dahil sinalo ng mommy mo yung bala para sakin? Dale kung may isip ako nun siguro ihaharang ko sarili ko para lang hindi mamamatay mommy mo.” Umiiyak na sabi aphrodite

“Aphrodite—”

“ANG SAMA SAMA MO! WALA NAMAN AKO IBANG GINAWA KUNDI MAHALIN KA LANG EH! PANO MO NAGAWA TO!! GAGO KA!!!” sigaw ni aphrodite at tumakbo. Hahabulin sana ni dale si aphrodite kaso pinigilan ko.

“Dale—”

“Putangina isabella wag mo ko hawakan! Sana masaya ka na nasaktan si aphrodite!” Sigaw niya.

“Deserve niya yun—” laban ko pa.

“ Deserve niya? Deserve ni aphrodite maging masaya! Kaya wala nagmamahal sayo dahil dyan sa ugali mo! Sarili mong kapatid sasaktan mo?! Dahil ano?! Inggit ka?! Tanga mo” sigaw niya sakin kaya sinampal ko siya

“Oo na! Inggit ako sakanya! Nakatakas siya sa impyernong bahay na yun dahil natakas siya ng papa mo! Nakatakas siya sa kamay ni papa! Pero ako? Hanggang ngayon sunod sunuran sakanya!” Sigaw ko din.

“At ano yung sinasabi mo na buntis ka eh wala naman nangyari satin! Bobo ka ba!” Inis na sabi niya

“Akala ko ba tapos na! Akala ko ba okay na?! Kaya ka nakipag hiwalay diba! Bakit mo naman ako sinisiraan kay aphrodite?!” sabi niya.

“Dahil naiinis ako kay aphrodite!” Sigaw ko.

“Tangina na dahilan yan!” Sigaw niya din

“Naiinggit ako! Naiinggit ako dahil kahit wala siya gawin siya pa din ang priority ni dash!” Sigaw ko at naalala ko si dash. Yung mga palabas niya na pinaniwalaan ko.

“Mahal ko yung kapatid mo Amphitrite ano ba. Bat sinasaktan mo siya.” Umiiyak na sabi niya. Bigla ako natigilan.

“Hindi mo ba alam kung gano kasabik ang kapatid mo sa tunay niya na pamilya? Nakalimot siya nung nangyari sakanya nung 8 years old siya! Dahil sa takot at trauma ng kapatid mo pinilit kalimutan ng utak niya yung mga nangyari na yun! Hindi ka niya kinalimutan! Nakalimutan ka niya dahil sa trauma dyan sa tanginang ama mo! Ang sabi ni daddy kita daw ng dalawang mata ni aphrodite kung pano pinatay sa harap niya ang mama niya!” Sabi niya.

Nakalimot siya dahil sa trauma? Hindi niya ako kinalimutan?

Napatigil kami sa pag aaway ng mag ring ang phone ni dash.

“Hello?”

Kita ko kumunot ang noo ni dale.

“Magpatulong ka sa mga pinsan ko hanapin ang location. Yung mga tauhan kumuha ka. Kunin niyo si Alejandro Makris ako mismo papatay sakanya” sabi niya at tumingin sakin bigla niya ako sinakal.

“Kinidnap si aphrodite at sigurado ako na ama mo ang may pakana neto kasabwat ka diba? Lumayo layo ka na bago kita isunod sa ama mo pag napahamak si aphrodite wag ka magpapakita sakin” sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Iniwan niya ako mag isa dun na umuubo dahil sa sakal niya.

Naalala ko yung sinabi ni dale kanina. Hindi ginusto ni aphrodite na malimutan ako. Dahil lang sa trauma kaya siya nagkaganon. Kailangan ko iligtas ang kapatid ko.

NO MORE HIDINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon