CHAPTER 4

245 6 0
                                    

IRIS AMPHITRITE’S

“Amphitrite susunduin ka ni Mico mamaya siya maghahatid sundo sayo  Mula ngayon. Anak siya ng isa sa mga business partner ko gusto ka daw makilala. Ayusin  mo ang pag kausap sakanya Amphitrite para naman may silbi ka” sabi ni papa habang nakain kami.

Nakakawalang gana kumain…

“akala ko po may nag offer sainyo ng 5 million para sakin pero bakit may ganto pa din papa?” Tanong ko.

“Hindi tayo sigurado dun kaya naghahanap pa ako ng ibang pagbebentahan sayo lalo na naghihirap ako ngayon kailangan ko na agad ng pera” sabi ni papa. Ganun lang yun? Ipamimigay niya lang ako kapalit pera?

“naiintindihan mo ba ako Amphitrite?!” Sigaw niya kaya nagulat ako.

“O-Opo” yun lang sabi ko. Wala naman ako magagawa eh. Siya masusunod eh.

“sir may bisita daw po kayo mico daw po pangalan susunduin daw po si maam Amphitrite” pota naman oh.

“oh Amphitrite lumabas ka na wag mo pag antayin yung tao bilis!” sabi niya at pinagmadali ako. Bwisit naman oh hindi ko pa tapos kinakain ko eh.

“hi Amphitrite” sabi nung mico. Ngumiti naman ako sakanya. Ano pa ba magagawa ko diba kaysa saktan ako ni papa pag di ko siya sinunod.

“totoo nga sabi ni tito Alejandro ang ganda Mo” ngumiti lang ako sa sinabi niya. Gwapo netong mico pero mas gwapo si das— hindi! Hindi gwapo yung babaero na yun!

“Ahm tara hatid na kita sa school mo?” tumango ako sakanya at hinawakan niya ako sa siko para alalayan habang naglalakad. Hindi naman ako pilay para alalayan.

“So ilang taon ka na Amphitrite?” sabi niya habang nagdadrive.

“18. You?”

“19. Isang taon lang tanda ko sayo” sabi pa niya at ngumiti. Mukhang mabait to kaysa dun sa ibang nireto ni papa sakin.

“Parehas ba tayo na nireto lang din?” tanong niya kaya Napatingin ako sakanya.

“Nireto lang din ako ng magulang mo sayo?” tanong ko. Tumango tango siya habang nakangiti.

“ayaw mo din sa ganto right? Yung mukha mo kasi kanina una natin pagkikita walang gana mukha mo” natatawa na sabi niya kaya napangiti ako. Mabait nga itong mico.

“Yeah. Ayaw ko talaga sa mga reto reto na ganto! Pero magagalit si papa pag hindi ko siya sinunod” sabi ko.

“oh same magagalit din si dad sakin pag hindi ako sumunod. Mukhang magkakasundo tayo dalawa” natatawa na sabi niya.

“mukha nga” sabi ko lang din.

“ano oras ba umpisa klase mo?” tanong niya kaya Napatingin ako sa phone ko. 6:30 pa lang ng umaga.

“8 pa naman pasok ko”

“Kain muna tayo sa restaurant ng kaibigan ko? Libre ko syempre” sabi niya. Maaga pa naman saka gutom din ako. Tumango ako sakanya.

“Basta libre mo ha” pang aasar ko pa sakanya.

“oo nga” natatawa na sabi niya.



YUN lang order mo? Mag order ka pa wag ka mahiya” sabi niya kaya agad ako umiling.

“okay na yun mabubusog na ako dun salamat sa libre ha” sabi ko at ininom ang tubig na nasa tabi ko habang inaantay ang pagkain namin.

“amphitrite pwede ba tayo maging magkaibigan? Kung want mo lang naman.” Sabi pa niya. Mukhang mabait naman siya. Why not diba. Para hindi lang si jovanni ang kaibigan ko.

“oo naman! Ayos nga yun eh may kaibigan na ako” nakangiti na sabi ko.

“Bakit wala ka ba kaibigan? Ang bait bait mo wala ka kaibigan?” nagtataka na sabi niya.

“may mga gusto makipag kaibigan sakin pero mga plastic naman kaya mas mabuti na mag isa lang ako. Mas mabuti na walang kaibigan kaysa naman may kaibigan nga ako peke naman diba” sabi ko.

Napatingin kami sa waiter na naglalagay ng pagkain namin.

“Well tama ka nga naman mas mabuti na walang kaibigan kung peke naman” sabi din niya habang tinutulungan si kuya waiter na ilagay ang pagkain namin sa lamesa.

“Thanks kuya. Para sayo” sabi ni mico at nag bigay ng 1000 dun sa waiter.

“Ang laking tip po nito sir”

“sige na itago mo na Salamat sa paghatid ng pagkain” sabi ni mico kaya sobrang tuwa nung waiter. Wow bait ha.



HINATID ako ni mico sa tapat ng school namin. Ito nanaman ang mga chismosa sa school nakatingin sa kotse ni mico. Napatingin din sila kay mico na bumaba  para pagbuksan ako ng pinto ng kotse.

‘ano yan bagong lalake nanaman ni isabella?’’
‘grabe talaga yan. Sabi may jowa na yan pero ito may ibang lalake nanaman ang kasama’
‘baka yan yung jowa'
Mga tangina na chismosa.

“Salamat sa paghatid mico bye” sabi ko tumango lang siya at nagpaalam din at umalis.

Pagpasok ko ng classroom ko kita ko nanaman mga kaklase ko na tinitidnan ako. Malamang hinuhusgahan nanaman ako. Yung iba dyan kinaibigan pa ako pero mga plastic kaya di ko na pinansin.

Napailing na lang ako at umupo sa dulong upuan sa likod yung wala ako katabi. Nabubwisit ako sakanila lahat eh.

Pagdating ng lunch dali dali ako lumabas para bumili ng pagkain napatingin ako sa paligid dahil kalat ang grade 10 students. Baka may meeting mga teacher nila.

Napatingin din ako sa kaliwa nakita ko si dale dun nakasimangot.

“Ginagawa mo dito?” tanong ko paglapit ko sakanya.

Napatingin siya sakin

“pinupuntahan ka malamang” wow sungit.

“wag na tayo maglokohan kaya ka nandito Sa school dahil pinuntahan mo nanaman si aphrodite. Diba sabi ko sayo lumayo ka sakanya gusto mo ba talaga malaman ni papa na nasa inyo pa rin si aphrodite!” inis na sabi ko.

“tangina mo sinilip ko lang naman. Tangina halika na sumama ka na sakin baka mamaya makita nun hindi kita kasama isipin pa nun siya talaga pinunta ko” inis na sabi niya at iniwan ako.

Gago si aphrodite naman talaga pinunta niya..








PAVOTEEEEE THANK YOUUUU!

NO MORE HIDINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon