IRIS AMPHITRITE’S
Nag aayos ako para sa date namin ni Dash. Bat kasi gabi makikipag date pwede naman umaga.
Habang nag aayos ako ng mukha nakarinig ako ng busina mula sa labas ng bahay. Nandito na sila.
Bigla ako kinabahan at nagmadali mag ayos.
Ano kaya mukha ni aphrodite ngayon? Siguro ang ganda niya.
“kaninong bahay to?! Sayo? Eh may condo naman regalo satin bat dito mo natripan tumira? May binabahay ka na ba?! Nako lagot ka kay tita at tito niyan Kasal ka na ata di mo pa sinasabi—” natawa ako ng marinig ko ang boses ni aphrodite. Hindi pa din siya nagbabago madaldal pa din.
“Aphrodite sa tingin mo masasagot ko lahat ng tanong mo kung sunod sunod ang tanong mo?” ramdam ko ang inis ni Jovanni habang nagsasalita.
“Oh kaninong anak to?! Kamukhang kamukha mo dale ah tangina may naanakan ka ba dito?! Ibig sabihin hindi kay Jovanni bahay to? Sa mag ina mo talaga to dale?! Sumagot ka! May anak ka sa ibang babae?! Sumagot ka!” rinig ko na sigaw ni aphrodite.
“anak ko yan aphrodite tumigil ka nga sigaw ka nang sigaw eh ang lapit-lapit ng kausap mo saka wag ka magmura sa harap ng bata!” sabi ni dash.
“h-ha? Anak mo? Bukod sa ate Amphitrite ko may iba ka pang naanakan? Mas babaero ka pala kay jaxson eh nako dash tsk tsk multuhin ka sana ni ate dahil sa pagiging babaero mo! Nagkakalat ka ba ng sperm cell mo dito sa bansa natin ha?!” sigaw ni aphrodite.
Makalabas na nga baka si dash naman ang awayin nun.
Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng kwarto napatingin silang lahat sakin meski si aphrodite na nagdadaldal napanganga nung nakita ako.
“gagi! Ito na sinasabi ko! Minumulto na tayo ni ate! Kasalanan mo to dash babaero ka bwiset!” sigaw ni aphrodite at binato si dash ng unan.
“tito ninong ano sagot dito?” rinig ko na sabi ni salacia mukhang busy maglaro sa cellphone nanaman ni Jovanni.
“ Helium” sagot ni Jovanni.
“Shit talaga! Ang ganda ni ate para siyang hindi patay! Nakikita niyo ba nakikita ko ha?! Bat di kayo nagrereact?! Bat nakangiti lang kayo?! Except kay Jovanni na pinaglihi ata sa sama ng loob di nangiti” sabi pa ni aphrodite.
“aphrodite” nakangiti na tawag ko sakanya.
Bigla natulala si aphrodite nang magsalita ako.
“T-Teka. Totoo ka? Hindi ka multo? Baka joke lang to ha” sabi niya pero naiiyak na siya.
“Totoo ako gusto mo yakapin mo ko para malaman mo” pagkasabi ko nun tumakbo palapit sakin si aphrodite.
“ate Amphitrite! Buhay ka! Shit buhay ang ate ko! Tangina naiiyak ako buhay ate ko! Buhay ka! Namiss kita ate!” umiiyak na sabi ni aphrodite kaya naiiyak na din ako.
“Surprise aphro” rinig ko na sabi ni dale.
“Bwisit ka! Ito pala ang surprise mo! Sabi mo may ipapakita ka lang!” umiiyak na sabi ni aphrodite.
“wag ka na umiyak hindi ka natuwa sa surprise ni dale?” natatawa na sabi ni dash.
“natutuwa syempre!”
“oh tama na yan may date pa kami ni Iris kayo muna bahala sa anak namin ha” sabi ni dash at hinila ako sa bewang palapit sa kanya.
“Ay gagi may pamangkin na ako! Tidnan mo dale kamukha niyo!” tuwang tuwa na sabi ni Aphrodite.
“Sige na umalis na kayo baka mahuli kayo sa date niyo” sabi ni dale.
“Hoy ingatan mo ate ko ha!” sigaw pa ni aphrodite.
“Oo! Ako pa maingat ako nuh!” sabi ni dash bago kami pumasok sa kotse niya.
“san ba tayo dash?” tanong ko.
“dadalhin kita sa langit, ganda” natatawa na sabi niya.
Hinampas ko siya sa braso niya.
“dash nga! Umayos ka!” inis na sabi ko.
“Joke lang ito naman si ganda masyadong seryoso!” sabi niya at tumawa.
“Oh nandito na tayo” napatingin ako sa paligid.
Napatingin ako sa harap namin may malaking bahay.
“Kanino bahay to? Ang ganda!” sabi ko.
Pinagbuksan ako ni dash ng pinto.
“halika makikilala mo ang may ari ng bahay sa loob tara” sabi niya at hinila ako.
Pagpasok namin may nakita akong lalake na nakaupo sa salas mapapatingin ka sa magandang mata niya. Siya siguro may ari ng bahay.
“putangina feeling hari ka? Sabi ko abangan mo kami sa pinto hindi dito!” sigaw ni dash dun sa lalake.
“gago ang ganda ng bahay na nabili ni dash nuh?! Kung may ganto akong bahay dito ko dadalhin mga babae ko” napatingin naman ako sa lumabas mula sa isang pinto. Si alexa?! Ano ginagawa niya dito?!
“Sus matapos ka namin tulungan gaganyanin mo kami” sabi nung lalake at naglakad palapit samin
“A-Anong nangyayari?” tanong ko dahil hindi ko alam nangyayari!
“oh nandito na pala si dash at ang bebe niya! Hello guys! Welcome sa bagong bahay niyo!” masaya na sabi ni alexa.
“Tangina alex ako magsasabi sakanya nun bat ikaw nagsabi!” inis na sabi ni dash.
“Ay shit oo nga nuh! Hehe sorry tara na pareng hypnos umuusok na sa galit si dash lets go!” sabi ni alexa at kumaway pa samin bago umalis.
“Dash bat nandito si alexa? Saka si hypnos pinsan mo yun diba? Ano ginagawa nila dito? Saka yung sinasabi ni Alexa na bahay natin to totoo ba yun?” sunod sunod na tanong ko.
“Mga bwisit talaga. Nandito sila dahil pinapabantay ko tong bahay na dapat surprise ko sayo kaso ang epal na alex ang daldal di na tuloy surprise” nakasimangot na sabi ni dash.
Napatingin ako sa paligid. Ganto ang pangarap ko na bahay dati tapos dito kami titira ng magiging pamilya ko. Hindi ko akalain na tutupadin ng isang Dash Trevino ang pangarap ko.
Humarap ako kay dash na umiiyak.
“T-Thank you dash. Alam mo ba pangarap ko ang bahay na ganto nung bata ako tapos dito kami titira ng magiging pamilya ko” umiiyak na sabi ko at niyakap si Dash.
“Wag ka mag alala Iris lahat ng pangarap mo tutupadin natin. Lahat ng gusto mo bibilhin natin ganon kita kamahal gagawin ko lahat para mapasaya ka lang” sabi niya at hinalikan ako sa noo.
“basta kumpleto tayong apat si Salacia, cookie, ikaw at ako. Masaya na ako basta kasama ko kayo Mahal na mahal kita Dash” sabi ko at niyakap siya ng mahigit.
“Mas Mahal kita.. sobra Iris.” Sabi niya.
“oh tara binyagan natin ang masters bedroom!” sabi ni dash binuhat ako paakyat ng hagdan.
“Dash akala ko ba may date tayo!” sabi ko pero tumawa lang si dash habang buhat ako paakyat.
“Bukas na lang tayo mag date ganda sundan na lang natin si Salacia tutal nanghihingi siya ng little sister diba” sabi niya kaya natawa ako sa sinabi niya.
“Siraulo!”
BINABASA MO ANG
NO MORE HIDING
RomanceTREVINO SERIES #2 "They don't like me. Even my own parents don't like me. nobody likes me."