IRIS AMPHITRITE’S
Pagpasok ko sa restaurant nakita ko kaagad ang kikitain ko. Si Mr. Ortega ang tunay kong ama.
“Anak, maupo ka” sabi niya at pinaghila pa ako ng upuan. May mga pagkain na din sa lamesa.
“Pasensya na anak ha madami ako na order na pagkain hindi ko kasi alam ang paborito mo” sabi pa niya.
“B-Bakit hindi mo ko hinanap?” Tanong ko sakanya kaya napatigil siya.
“ang sabi kasi ng mama mo sakin pinalaglag ka niya. Sa sobrang galit sakin ng mama mo dahil hindi ko siya pinili hindi ko akalain na binigay ka niya sa Alejandro na yun! Si Alejandro ang unang nobyo ng mama mo bago kami nagkakilala naghiwalay lang sila dahil umayaw ang mama mo dahil sinasaktan siya nito hanggang sa nalaman namin na ikinasal si Alejandro sa pinsan ng mama mo na si Hillary” sabi ni Mr. Ortega.
Magpinsan si mama at si mama Hillary?!
“Yung samin naman ng mama mo akala ko ayos lang sakanya na hanggang kama lang ang relasyon namin hindi ko akalain na nahulog siya sakin. Pero hindi ko siya pinili dahil may iba akong mahal na hinahantay ko lang bumalik. At nalaman ko na buntis siya kaso huli na ang lahat naipalaglag ka na daw niya grabe ang galit ko sa mama mo nun handa naman ako sa reponsibilidad na paparating. Kaya nagulat naman ako isang araw may lalake sa labas ng bahay namin kaibigan mo siya si Jovanni at sinasabi niya na buhay ka at hindi ka pinalaglag ng mama mo” sabi niya at parang naiiyak pa. Grabe ang complicated ng nangyari sakanila.
“k-kung alam ko lang na buhay ka sana hinanap kita sana hindi ganong ama ang nakalakihan mo sorry dahil hindi ka hinanap ng daddy mo sorry kasi naranasan mo ang mga yun sorry anak” habang sinasabi niya yun naiiyak din ako.
Kung sakanya kaya ako lumaki hindi kaya magiging ganto buhay ko? Malamang hindi.
“h-hindi mo po kasalanan na tinago ni mama sayo ang tungkol. Hindi niyo po kasalanan kung bat ganong buhay ako lumaki. Babawi naman po kayo ngayon diba? D-Dad?” sabi ko kaya lalo siya napaiyak napapatingin samin ang ibang katabi namin sa restaurant.
“O-Oo anak babawi ang daddy sayo” sabi niya habang naiyak.
“Kain na po tayo sayang tong mga binili niyo kung di natin mauubos” sabi ko habang nakangiti kaya ngumiti din siya sakin.
“pag handa ka na sa susunod ipapakilala kita sa asawa ko at sa isang kapatid mo for sure matutuwa sila wag ka mag alala mababait sila nakwento kita sakanila at excited na ang kapatid mo na makita ka” sabi niya kaya tumango tango na lang ako.
“Sige kumain ka pa nak yan lang ba gusto mo? Mag take out ka din para sa mga kasama mo sa bahay” sabi niya kaya tumango ako sakanya.
“Sige po salamat po” sabi ko kaya ngumiti lang siya sakin at kumain din.
“SALAMAT po sa paghatid sakin. Gusto niyo po ba pumasok muna sa loob?” tanong ko kay Mr. Ortega.
Umiling siya sakin.
“Hindi na anak may pupuntahan pa kasi ako ibigay mo nga pala ito sa apo ko matutuwa yun” sabi niya at may binigay sakin na paperbag mukhang binilhan pa niya si salacia ng laruan sa mall kanina.
“sige po panigurado matutuwa si salacia sa bigay niyo” sabi ko
“sige hija aalis na kami” paalam niya kaya tumango ako.
“ingat po kayo sa byahe D-Dad” nahihiya na sabi ko. Pagtingin ko sakanya parang maiiyak pa pero pinigilan niya.
“hay jusko hirap pag matanda na masyadong emotional” sabi niya kaya natawa ako.
Nagpaalam na ulit siya at tuluyan na umalis.
“Ano ayos ba ang usapan niyo ng tatay mo, ganda?” nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko.
Si Dash lang pala. Naka topless. Oo topless ang init na nga tapos dadagdag pa siya jusme!
Umiwas ako ng tingin.
“mukhang ayos naman. Si salacia at cookie nasan?” tanong ko at nauna pumasok sa bahay. Wala nanaman si Jovanni? Magtataka pa ba ako eh gala yun.
“nasa kwarto sila nanonood” sabi ni Dash na nasunod sakin.
Napahinga ako ng malalim ng pumasok kami sa Kusina pero nakasunod pa din sakin.
“Vin Dash Ano ang kailangan mo para kang aso na sunod nang sunod” sabi ko at hinarap siya.
Napakamot pa siya sa batok niya.
“Kasi ano. Pwede ba tayo mag date mamaya” nahihiya pa na sabi niya.
“Jusko dash nagyaya ka makipag date na naka topless?!” inis na sabi ko at tumalikod sakanya.
“bakit? Naaakit ka ba? Pwede naman hindi tayo magdate na lang dito na lang tayo sa loob ng kwarto mo” sabi niya kaya binato ko siya ng spoon na nasa lababo.
“siraulo! Marinig ka ng anak mo!” sigaw ko. Kaya natawa naman si dash.
“Gusto na nga ni Salacia ng little sister bakit hindi natin bigyan diba? Advance birthday gift natin sakanya” sabi pa niya.
Binato ko ulit siya pero nakailag pa din.
“Joke lang ito naman si ganda masyado mainit ulo sakin baka pinaglilihian mo na ako ha” natatawa na sabi ni dash.
“bwisit ka!” inis na sabi ko lumapit siya sakin at niyakap ako.
“Joke lang ganda ikaw naman basta mamaya ha date tayo iwan muna natin si salacia at cookie kay dale at aphrodite” sabi niya. Napatigil ako nang marinig ko ang pangalan ni aphrodite.
Napatingin ako kay dash na nakangiti sakin.
“Isusurprise ni Dale si aphrodite mamaya” sabi ni dash.
“at ako ang regalo ganon?!” inis na sabi ko pero ang totoo kinakabahan ako na naeecxite dahil magkikita kami ng kapatid ko.
“Ikaw ang pinaka magandang regalo kung ganon! Malamang matutuwa si aphrodite pag nakita ka niya” sabi pa ni dash.
“Hindi ba galit si Aphrodite sakin? Sa mga ginawa kong masama sakanya?” tanong ko.
“nako! Si aphrodite pa ba ang bait bait nun pag dating sayo!” sabi pa niya.
“Kaya nga mahal mo si aphrodite dahil ang bait eh” sabi ko.
“ganda naman ang issue mo! Hindi ko na mahal si aphrodite well mahal ko siya as a friend bilang little sister ko ganon! Ikaw na ang mahal ko!” sabi pa ni dash.
“Talaga ako mahal mo?” tanong ko pa. Humigpit ang yakap ni dash sakin.
“Oo ikaw lang ang bebe, babe, baby , palalabs at labidabs ko” natawa ako sa sinabi niya
“Oh hala ikaw mag hugas ng mga plato magbibihis muna ako” sabi ko at hinila siya sa may lababo.
“ganda naman mahal kita pero wag mo naman ako ganitohin” parang bata na sabi ni dash.
“Maghuhugas ka ng plato o walang date mamaya? Mamili ka Mr. Trevino” pang aasar ko sakanya.
“Ito na! Ito na maghuhugas na po Mrs. Trevino” sabi pa niya kaya napailing na lang ako
BINABASA MO ANG
NO MORE HIDING
RomanceTREVINO SERIES #2 "They don't like me. Even my own parents don't like me. nobody likes me."