IRIS AMPHITRITE’S
“Saan tayo pupunta?” Tanong ko habang nakain. Ngumiti muna siya sakin bago nagsalita.
“Sa mall. Wala lang ililibre lang kita saka para makapag date na din tayo para magkakilala pa tayo diba. Friendly date lang naman eh” sabi niya kaya tumango ako alam ko naman pagkakatiwalaan ko si mico eh. Mabait si mico.
“yown sige pagkatapos mo kumain mag bihis ka na aalis na tayo pagkatapos mag lunch” sabi niya.
Wait what?! Lunch na to?!
“lunch na to?!” gulat na sabi ko kaya natawa siya.
“oo masyado ata napasarap tulog mo tinanghali ka na ng gising” sabi pa niya.
Gagi tanghali na pala.
Aw aw!
Napatingin ako sa tabi ng may tumahol.
“omygosh cookie good afternoon baby” binuhat ko siya at niyakap. Malaya siya gumala dito sa bahay dahil wala si papa sinabi ko din sa mga katulong na wag sabihin kay papa may alaga ako na aso.
“hindi ka ba nandidiri?” napatingin ako kay mico ng magsalita siya nakatingin siya kay cookie na parang si cookie ang pinaka maduming aso na nakilala niya.
“Hindi. Ang cute cute ni cookie eh hawakan mo pa” sabi ko pero tumanggi siya.
“mukhang busog ang baby na yan ah ang laki ng tummy mo hihi” sabi ko at tumahol naman si cookie.
“ahm Amphitrite kain ka na para makaalis na tayo” sabi ni mico kaya binaba ko na si cookie.
“Mamaya gabi na lang tayo maglaro cookie ha” sabi ko at tumakbo paalis si cookie.
“hindi ka mahilig sa aso nuh?” tanong ko.
“hindi naman sa ganun pero kasi ang dumi nila kung saan saan sila napunta” sabi niya na binalewala ko na lang dahil hindi naman lahat ng tao mahilig sa hayop eh.
“Ahm sige magbihis lang ako tapos alis na tayo” sabi ko kaya tumango siya.
“GRABE tagal natin dito sa mall mag gagabi na oh” sabi ko habang naglalakad kami papunta sa madilim na parking lot.
“Yeah. Nag enjoy ka ba?” tanong pa niya.
Tumango tango ako.
“Salamat din pala sa mga binili mo ang mahal nila” sabi ko habang tinitidnan yung mga binili niya sakin.
“Hindi naman libre yan eh” biglang sabi niya kaya Napatingin ako sakanya.
Iba na mukha niya. Nakangisi na siya. Wala yung maamo na mukha ni mico. Bigla ako kinabahan. Dahan dahan ako umatras para sana tumakbo kaso hinawakan niya ako ng mahigpit sa braso.
“hindi ka basta basta makakatakas sakin” pagkasabi niya nun nag umpisa na ko magpumiglas sakanya.
“Ano ba bitawan mo ko! Akala ko mabait ka! Akala ko gusto mo makipag kaibigan sakin!” sigaw ko sakanya pero natawa lang siya.
“Palabas lang yun. Ako talaga nagpilit kay papa na ireto ako sayo at kung magustuhan daw kita bibilhin ka namin sa papa mo kaya titikman muna kita para malaman ko kung worth it ang 5 million sa tulad m— aray!” sinipa ko siya sa pagkalalaki niya habang nagsasalita siya at iniwan ko yung mga binili niya at tumakbo na dun.
“AMPHITRITE!!” rinig ko na sigaw niya kaya lalo ako nataranta.
“Tulong!” sigaw ko at tumakbo kahit di ko alam kung san ako papunta.
Dahil tumitingin ako sa likod di ko napansin may tao sa harap ko.
“kuya omygosh sorry pwede tulungan mo ko may humahabol sakin gusto niya ako saktan help me po” umiiyak na sabi ko at hindi tinitidnan yung mukha nung lalake nakayuko kasi ako
“Ang bilis mo magtiwala kaya ganyan” napatingin ako sa lalake na nasa harap ko.
“Dash..”
“Ako nga wala nang iba pa” sabi pa niya.
“HOY BABAE KA BUMALIK KA DITO!” napatingin ako sa likod ko ng may sumigaw. Si mico!
“Dash! Help me please natatakot ako baka saktan din niya ako please tulungan mo ko” umiiyak na sabi ko kaya nilagay niya ako sa likod at siya sumalubong dun kay mico.
“pare pakibigay na sakin ang girlfriend ko may hindi lang kami pagkakaunawaan mag uusap lang kami” sabi ni mico. Humigpit kapit ko kay dash baka kasi ibigay niya ako.
“Ang kapal ng mukha mo hindi kita jowa ha! Saka may binabalak ka na masama sakin gago!” sigaw ko sakanya kaya tinidnan niya ako ng masama.
“pare bigay mo na girlfriend ko mag uusap kami niyan” sabi ni mico.
“Ayaw nga sayo sumama pinipilit mo pa saka di mo naman pala girlfriend eh bakit mo kukunin” sabi ni dash.
“Akin yan!” sigaw ni mico at pilit ako hinila.
“ayaw nga sumama sayo gago!” sabi ni dash at sinuntok si mico.
“ay galing sumapak— ay sige sapakin mo pa go!” sabi ko habang nakikipag suntukan si dash
“hoy ano yan!” napatingin kami sa mga guard na parating.
Nagulat ako ng bigla ako hilahin ni dash at tumakbo kami paalis dun.
“Grabe! Ang galing mo makipag sapakan ah basagulero ka pag laki mo for sure” hinihingal na sabi ko at umupo sa gilid ng kalsada sa labas ng parking lot.
“bakit mo ba kasama yun?” tanong niya sakin.
“Nireto ni papa yun kaya sumama ako hindi ko alam ganun pala ugali niya nung una naman mabait siya eh” hindi ako makapaniwala na sinira ni mico ang tiwala ko sakanya.
“ikaw ano ginagawa mo dun?” tanong ko.
“Pauwi na ako nun pasakay na ako ng sasakyan ko ng may narinig ako na sumigaw tapos ikaw pala” sabi niya at umupo din sa tabi ko.
Ilang minuto kaming tahimik.
“Nag iinom ka ba?” bigla kong tanong kaya Napatingin siya sakin.
“Malamang. Bakit mag iinom tayo?” tanong niya.
“Oo libre mo gusto ko magpakasaya ngayon dahil panigurado sasaktan nanaman ako bukas sa bahay” natatawa na sabi ko. Panigurado sasaktan ako ni papa dahil sa nangyari kay mico. Ako pa sisisihin nun.
“sasaktan? Bakit?” gago nalimutan ko hindi pala niya alam na sinasaktan ako samin.
Tumayo na ako.
“Wala! Papagalitan ako siguro bukas dahil mag iinom ako ngayon tara na nga bumili na tayo dun tayo sa condo mo uminom!” sabi ko at hinila siya.
“hoy! Bat sa condo may balak ka sakin nuh!” sabi niya habang naglalakad kami pabalik sa parking lot para kunin ang sasakyan niya.
“kapal mo wala ah!” sabi ko at inirapan siya.
“nako may balak ka sakin sabi na eh type mo talaga ako” natatawa na sabi niya.
Gago type naman talaga kita!
BINABASA MO ANG
NO MORE HIDING
RomanceTREVINO SERIES #2 "They don't like me. Even my own parents don't like me. nobody likes me."