CHAPTER 20

225 6 0
                                    

IRIS AMPHITRITE'S



5 Years later….


“Babe I’m home” napa irap ako ng marinig ang boses niya.

Narinig ko yung yabag niya papunta dito sa pwesto ko.

“Mukhang masarap yan ah” sabi niya pa habang tinitidnan ang luto ko.

“Syempre ako nagluto” sabi ko pa.

“Babe..” napatingin ako sakanya ng nagsalita siya.

Ilang minuto kami nagtitigan hanggang irapan niya ako.

“bat ba kita tinawag na babe tsk” sabi pa niya kaya natawa ako.

“Gago ka Jovanni! Sino ba nagsabi sayo babe tawag mo sakin” sabi ko habang naghahain ng pagkain.

“Trip ko lang eh” sabi pa niya at umupo na.

“Oh Mr. Trevino kumain ka na lang gutom lang yan” sabi ko pa.

“Teka nasan yung batang makulit?” tanong niya at nagpalinga linga pa.

“nandun sa kwarto  naglalaro” sabi ko pa.

“baby I’m here na di mo ko sinalubong!” sigaw ni Jovanni para marinig siya neto.

“Tito Ninong!” napatingin kami sa batang babae na lumabas sa kwarto. Ang ganda niya sa pink dress na binili ko.

“hello baby I have pasalubong tapos pagkatapos natin kumain gagala naman tayo!” sabi pa ni Jovanni kaya tuwang tuwa naman ang batang makulit.

“ weally?!” natawa kami dahil bulol siya sa letter ‘R’

“sabihin mo muna really” sabi pa ni Jovanni.

“weally”

“really nga”

“weally nga po nisabi ko Tito bingi mo po” sabi ng anak ko at inirapan si jovanni.

“aba mana ka talaga sa mommy mo na masungit. Sige na nandun sa sala ang pasalubong ko” sabi ni Jovanni kaya tuwang tuwa naman siya.

“Yey bawbie siguro yun! Thank you tito Ninong wabyu hihi” sabi pa niya at tumakbo papunta sa sala.

“Anak kakain na tayo ” sabi ko pa.

“okay po mommy titidnan ko lang gift ni tito sakin” tumango naman ako.

“hindi ko akalain makakapagpalaki ako ng ganyan kagandang bata” sabi ko pa kaya ginulo naman ni Jovanni ang buhok ko.

“Proud ako sayo dahil napalaki mo siya ng maayos kahit medyo mataray nakuha ata ang attitude mo” sabi niya kaya hinampas ko siya.

Salacia ang pangalan ng 5 years old kong anak. Roman name ng Amphitrite ay salacia kaya yun ang pinangalan ko sakanya.

“Nakuha niya yung mukha ng pinsan mong gago” sabi ko kaya natawa siya slight.

“Ganon talaga. Okay lang yan nakuha naman niya mata at buhok mo pati ugali ata nakuha sayo” sabi pa niya kaya napangiti ako.

“kamusta na si aphrodite?” biglang tanong ko kaya Napatingin siya sakin.

“ayos na sila ni dale masaya naman sila gusto mag teacher ng kapatid mo” sabi niya kaya napangiti ako.

“mabuti naman ayos siya” sabi ko pa. Gusto ko din tanungin kung kamusta si dash kaso wag na wala naman pala pake sakin yun.

“Si dash di mo kakamustahin?” tanong pa niya na parang inaasar ako.

“wag na masaya na siguro yun sa buhay niya” hindi na lang nagsalita si jovanni. Ayaw ko kasi pag usapan si dash.

“mommy nandito si lolo binilhan niya ako ng dwess ko!” narinig ko na sigaw ni salacia. Ang liit liit pero lakas ng boses.


Napatingin ako sa lalakeng tinatawag ni salacia na lolo.

“Mr. Ortega” tawag ko sakanya. Nalaman ko kay Jovanni na siya ang totoong ama ko pero hindi ko pa siya kayang tawagin na papa kaya Mr. Ortega muna.

“Kamusta hija? Dinalaw ko lang kayo ng apo ko at may pasalubong din ako sainyo” sabi Mr. Ortega.

“Salamat po. Upo po kayo kakain kami sumabay na po kayo” sabi ko. Nakita ko ang tuwa sa mata niya.

“hindi ko tatanggihan iyan hija salamat” sabi pa niya at umupo.


“Yehey sabay kami ni lolo mag eat! Sit here lolo” sabi ni salacia at tinuro ang upuan sa kaliwang pwesto niya.





PAGKATAPOS namin kumain umalis naman kami dahil igagala nga daw si salacia. Si Mr. Ortega naman ay umalis dahil may importante daw siya na meeting.

“tito ninong may bawbie(barbie) dun!” napairap na lang ako habang nakatingin kay salacia at jovanni na papasok sa toy store. Wala na ako nagawa sumunod na lang din ako.


“Go na baby humanap ka na ng gusto mo bibilhin natin” sabi ni Jovanni kaya tuwang tuwa naman si salacia.

“wah! Thank you tito Ninong!” sabi ni salacia at ayon naghanap na ng gusto niya.


“Sabi ko sayo wag mo bilhin lahat ng gusto niya eh” inis na sabi ko kay Jovanni kaya Napatingin naman siya sakin.


“hayaan mo na. Gusto ko nakikita masaya si salacia. Kahit maldita siya mana sayo” sabi niya kaya hinampas ko siya.

“ikaw ba wala ka bibilhin?” tanong niya sakin.

“wala sumama lang talaga ako dito” sabi ko. Napatingin kami ni Jovanni sa cellphone niya nang mag ring yun.

“Wait natawag si dale.” Sabi niya at lumayo sakin konti kaya pumasok na lang ako sa toy store para hanapin si salacia.


“nasan kaya ang bata na yun” sabi ko habang naghahanap kay salacia. Nakita ko siya na patakbo sa labas kaya sumunod ako malamang may napili yun.

“tito! Tito! May napili na po ako bilhin mo na po” excited na sabi niya. Cute talaga ng anak ko.

“ahm salacia baby kailangan natin umuwi agad sa susunod na tayo bibili okay?” sabi ni Jovanni kaya napakunot noo ko.

“bakit?” tanong naman ni salacia na parang nalulungkot.

“Eh kasi nandito sa mall ang pinsan ni tito need namin magkita hinahanap nila ako okay” pagkasabi ni Jovanni nun tumingin siya sakin. Hindi kaya si dash ang sinasabi niya na pinsan..

“Aww okie po sa susunod po ha!” sabi ni salacia kaya tumango naman si Jovanni.

Tumingin ako sa paligid at sakto pagtingin ko sa kanan ko nakita ko si dash at dale naglalakad.



Shit!





NO MORE HIDINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon