CHAPTER 18

205 6 0
                                    

DASH

Pag alis ni isabella saka lumabas si Hypnos sa kwarto ko bitbit niya si cookie.

“Gago mo sa part na yun” sabi niya at umupo sa tabi ko.

“Hindi ko maintindihan pre. Ginusto ko to! Dapat masaya ako dahil nalayo ko si isabella kay aphrodite diba?” Sabi ko pa.

Tinapik niya ako sa balikat.

“Ikaw lang makakasagot niyan sige na alis muna ako” sabi ni hypnos at iniwan sakin si cookie.

Tinidnan ko si cookie na tahimik na natutulog sa tabi ko. Napatingin ako cellphone ko ng makita ko text ni Hendrick.

HENDRICK:
Nakidnap si aphrodite nagtutulungan kami hanapin siya

Pagkasabi ni Hendrick nun dali dali ako tumakbo palabas. Saka ko na poproblemahin si isabella. Si aphrodite muna.





IRIS AMPHITRITE’S

“Oh bakit? Asan ka na? Ayos ka lang?” Tanong ni Jovanni lalo ako naiyak.

“Mamaya na ako magkwento ha. May gagawin lang ako paki track na lang location ko mamaya sunduin mo ko ha” umiiyak na sabi ko.

“Bakit san ka pupunta?! Amphitrite umayos ka buntis ka!” Sigaw niya pero pinatayan ko siya ng call.

Habang nasa byahe ako tinext ko si dale. Alam ko dun dadalhin ni papa si aphrodite. Ililigtas ko ang kapatid ko.

ME:
Alam mo yung bahay ni papa na nasa malapit sa gubat kung saan dinala mama mo? Dun niya dinala si aphrodite dun ka pumunta sigurado ako nandun sila. Sorry talaga.

At kahit may sinaktan ako ni dash tinext ko din ang location sakanya.

Nagsisisi na ako sa mga ginawa ko kay aphrodite hindi niya kasalanan kung nakalimutan niya ako. Kasalanan ko dahil nadala ako sa inggit. Lahat to kasalanan ko.

Pagdating ko dumaan ako sa likod ng bahay para wala makakita sakin kumuha din ako ng bato para ihampas sa bantay sa pinto ni aphrodite. Pag nailigtas ko si aphrodite matutuwa si mama Hillary.

Pagpasok ko sa loob sinabi ko kay aphrodite na ako ang ate Amphitrite niya at itatakas ko siya. Inamin ko din ang mga kasalanan ko sakanya habang natakas kami.

“Patawarin mo si dale kahit wag na ako. Dahil sa inggit sinaktan ko ang kaisa isa kong pamilya sadyang naiinggit lang ako dahil ikaw may maayos na buhay habang ako lumalaki na binubugbog ng papa. Nainis din ako sayo dahil kinalimutan mo ko pero sabi ni dale dahil sa trauma kaya ka nakalimot kaya naintindihan ko na kung bakit hindi mo ko maalala kaya grabe pagsisisi ko dapat natuwa na lang ako dahil ligtas ka sana patawarin mo si ate Amphitrite mo” naiyak na sabi ko sakanya dahil sobrang nagsisisi talaga ako.

“Ate—”

Napatigil kami sa pag uusap ng may narinig kami na malakas na putok ng baril malapit samin.

“PUTANGINA LUMABAS KAYO BALAK NIYO PA TUMAKAS MAGKAPATID!” rinig namin ang sigaw ni papa.

Tangina. Mukhang maabutan kami ni papa madami siyang tauhan na humahabol samin panigurado!

Napatingin ako kay aphrodite na takot na takot sa nangyayari. Naalala ko yung sinabi ni dash kanina pati yung sinabi ni dale.

Para kay aphrodite lahat ng ginagawa ko! Ganun ko kamahal si aphrodite kahit kuya ang tingin niya sakin!

Deserve ni aphrodite maging masaya! Kaya wala nagmamahal sayo dahil dyan sa ugali mo!

Kailangan mabuhay ni aphrodite madami nagmamahal sakanya. Deserve ni aphrodite sumaya. Kailangan ko harangan si papa para hindi niya mahabol si aphrodite pag sabay kami tatakbo mahahabol agad kami kailangan ko pigilan si papa na mahabol si aphrodite.

Napatingin sakin si aphrodite ng mapansin niya na tumigil ako sa pagtakbo. Humarap ako kay aphrodite at hinawakan siya sa braso.

“Makinig ka kay ate. Gusto ko tumakbo ka papunta sa dulo ng gubat na to naalala mo ba ang daan? Basta tumakbo ka lang dire diretso ha. Wag ka lilingon—”

“Ate sabay tayo pupunta dun bat ako lang tatakbo?!” Inis na sabi niya.

Ngumiti ako sakanya.

“Kailangan ko pigilan si papa para mahabol ka. Pagdating mo sa kalsada for sure nandun sina dale at dash pati si Hendrick madami naghihintay sayo kaya tumakbo ka na ako na bahala dito” umiiyak na sabi ko.

“Hindi ate sama ka sakin wag ka na magpa iwan dyan ate please hindi kita mapapatawad pag bumalik ka dun sige!” Umiiyak na sabi niya kaya Natawa ako kahit naiyak din ako.

“Okay lang atlis na iligtas ko si baby aphrodite namin. Matutuwa si mama Hillary pag naligtas kita madami matutuwa pag naligtas ka. Hayaan mo na iligtas ka ni ate wala naman mag aantay sakin eh” sabi ko habang tuloy tuloy ang ang patak ng luha ko

“APHRODITE!!” Rinig namin na sigaw ni papa na parang malapit na.

“Oh siya sige na tumakbo ka na! Wag mo ako aalahanin. Go! Alis na!” Sabi ko at ngumiti sakanya.

“Hihingi ako tulong. Hantayin mo sina dale at tito gabriel ililigtas ka nila!” Ngumiti at tumango lang ako.

“Hihintayin ko yan aphrodite” sabi niya. Alam ko hindi niyo ko maliligtas pero ayos lang masaya ako ligtas ka.

Tinulak ko siya para umalis. Kahit labag sa loob niya tumakbo siya paalis lumilingon pa siya sakin kaya kinawayan ko siya at ngumiti ako para wala siya ipagaalala hanggang sa hindi ko na siya matanaw

“Tangina kang traydor ka!” napapikit ako ng maramdaman ko na sinabunutan ako ni papa.

“sino may sabi sayo na pakawalan mo si aphrodite ha! Kahit kailan napaka bobo mo! Sarap mo patayin kung hindi lang kita ibebenta eh!” sabi niya at sinampal ako kaya napa upo ako sa lupa.

“tama na kasi papa! Hayaan mo na si aphrodite! Hindi ka ba naawa kay aphrodite?! Natrauma siya dahil sayo! Dahil sa kagaguhan mo—” nakatikim ako ng mas malakas na sampal.

“PUTANGINA WALA KA KARAPATAN SABIHIN SAKIN YAN ANAK LANG KITA! PINAPALAMON LANG KITA!” Sigaw niya habang umiiyak ako.

“boss! Boss! May Trevino na nakapasok sa bahay!” napatingin kami sa isang tauhan niya.

“Tangina nag iinit ulo ko dumagdag pa ang mga Trevino bwiset! Dalhin niyo yang babae na yan sa bahay at ilagay niyo sa basement para siguraduhin niyo nakahanda ang latigo ko!” sabi niya at iniwan ako sa mga tauhan niya. Sasaktan niya talaga ako kahit buntis ako wala siyang puso.

Mukhang habang buhay ako nasa puder ni papa.

NO MORE HIDINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon