CHAPTER 5

210 6 0
                                    

IRIS AMPHITRITE'S

“Ahm papa malapit na po graduation namin” sabi ko habang nasa harap ni papa. Nasa office ako ni papa.

“Ano ngayon?” Ouch ha

“B-Baka gusto niyo po pumunta? Okay lang po kung hindi kayo magpakita sa mga tao basta po pumunta kayo” kinakabahan na sabi ko.

Ayaw kasi malaman ni papa na may anak siya sa labas kaya nga ibang pangalan at apelyido gamit ko lagi eh.

“Masyado akong busy saka walang kwenta lang naman yan hanggang top 2 ka lang naman lagi” sabi niya at bumalik sa ginagawa niya.

Naramdaman ko paiyak na ako kaya nagpaalam na ako kay papa

“ahm sige papa okay lang po alis muna po ako” sabi ko habang nakangiti pa.

“hala sige alis istorbo” sabi niya bago ako umalis.

Paglabas ko ng office niya saka ako tumingala para pigilan ang luha na gustong lumabas kanina pa.

Ayaw talaga ng lahat sakin.

Nag text ako kay dale.

ME:
San ka? Samahan mo ko.

Maya maya nag reply din siya.

GAGONG DALE:
Ngayon na? Kasama ko sina tita at deana mag shopping hindi ako pwede

Sus for sure nandun lang si aphrodite kaya ayaw sumama ng gago na to.

ME:
Bilis na tangina to kaya na nila sarili nila samahan mo ko!

Inis ako habang nagtitipa ha.

GAGONG DALE:

Tangina mo din pumunta ka dito sa mall. Hindi ka gold para sunduin dyan

Tangina talaga to hindi naging gentleman








PAGDATING ko sa mall tinext ko na siya na nandito na ako. Antayin ko na lang daw siya sa labas ng mall. Syempre hindi ako sumunod ang init sa labas nuh.

Napatingin ako sa lalakeng tumatakbo palapit sakin.

“Tangina ano ba yun?” inis na sabi niya.

“Hello din babe” nakangiti na sabi ko. Inirapan niya lang ako. Wala ako pake.

“ano nga kailangan mo Amphitrite?” sabi niya na parang nauubusan ng pasensya.

“samahan mo ko kumain at bumili ng damit para sa graduation ko” hindi talaga kami magkakasundo neto parehas kami mabilis mainis.

“Tapos ano?! Pera ko nanaman papambili mo?! Hindi mo ko sugar daddy Amphitrite ha” inis na sabi niya.

“tara na tangina to dami reklamo mayaman ka naman eh” inis na sabi ko at hinila siya palabas ng mall para lumipat sa ibang mall.

“so ano kakain muna bago ka bumili damit pang graduation mo?” inis na sabi pa niya.

“Bwisit na bwisit ka pag kasama ako nuh?”

“tinatanong pa ba yan?” at inirapan ako.

“kakain muna bago bumili damit” inis na sabi ko at pumunta sa isang restaurant.

“Inuulit ko Amphitrite hindi ako sugar daddy wag mo ko lagi pinapagastos ng gusto mo na parang hindi ka din binibigyan ng tatay mo pambili” sabi niya habang nagcecellphone siya sa harap ko.

“kuripot ako eh. Saka hindi ka natanggi kaya okay na din yan bawasan niyo naman kayamanan niyo nuh” sabi ko habang nakain.

“type mo kapatid ko nuh?” bigla sabi niya kaya nabilaukan ako. Kinuha ko yung tubig sa tabi ko.

“Tangina naman dale oh nakain yung tao diba bigla bigla ka nagsasalita” sabi ko habang naubo pa.

“type mo nga ang kapatid ko”

“hindi gago ka ba! Babaero nung kapatid mo di ko type babaero aba!” sabi ko at kumain ulit

“Alam mo ba crush ka ni dash nung unang kita niya sayo” kwento ni dale at ininom ang juice na nasa harap niya.

Ako crush ni dash? Imposible!

“gutom lang yan dale wag mo ko pagtripan” sabi ko pa.

“seryoso Amphitrite gandang ganda sayo yun lalo na nung nakita niya na wala kang make up para ka daw manika” sabi niya.

“sus ang gusto ng kapatid mo si aphrodite hindi ako. Wag tayo maglokohan dale pansin mo din yun lalo na pag nagnanakaw tingin ang kapatid mo” pang aasar ko sakanya. Sinamaan niya ako ng tingin.

“akin si aphrodite hindi niya maagaw si aphrodite” napangisi ako sa sinabi niya.

“hindi basta aagawin ni dash si aphrodite sakin dahil alam niya mahal ko si aphrodite” sabi pa niya.

“at mahal niya si aphrodite kaya mas uunahin niya ang kasiyahan ni aphrodite kaysa sa iba.” Nakangisi na sabi niya dahil alam niya mapipikon ako.

“Putangina mo”

“Putangina mo din Amphitrite “

“Oh nandito pala kayo?” napatingin kami sa nagsalita. Si dash..







NO MORE HIDINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon