IRIS AMPHITRITE’S
“So ano san kita ihahatid na kaibigan mo? Baha papunta sainyo hindi talaga kaya bat kasi dun ka nakatira” sabi pa ni dash.
“Malay ko ba sa magulang ko gusto nila dun eh!” Inis na sabi ko.
“kay dale ka na lang makitulog” sabi niya agad akong umiling.
“Ayaw!” mamaya patulugin nanaman ako sa sofa ng bwisit na dale na yun.
“So ano nga? San kita ihahatid?”
“ewan” nakasimangot na sabi ko.
“Tangina dun na nga lang sa condo ko may dalawang kwarto dun” sabi niya at niliko ang kotse ewan ko kung san daan nito.
Habang natingin ako sa labas may nakita ako nababasa na aso.
“Itigil mo ang kotse” sabi ko habang tinitidnan yung aso. Buti traffic.
“Ha?” nang maitigil niya bumaba na ako para takbuhin ang aso na nababasa ng ulan.
“isabella!” rinig ko pa na sigaw ni dash pero di ko pinansin at nilapitan ang aso na naiyak sa lamig.
“Hello baby come here iuuwi kita kawawa ka naman” sabi ko at binuhat yung aso.
“ seriously? Bumaba ka para sa aso na maliit na yan?” Sabi niya at basa na din siya dahil sa ulan.
“Kawawa eh iuwi natin sainyo” sabi ko
“tangina isabella iyan iuuwi mo sa bahay ko?! Ang dumi oh!” hinampas ko siya.
“Iuuwi natin! Wag ka magreklamo!” inis na sabi ko at pumasok na sa kotse niya.
“Jusko isabella” sabi niya lang at pinaandar ang sasakyan.
“cute cute niya tatanggihan mo?” malungkot na sabi ko habang hinihimas ang balahibo ng aso.
“oo na ayan na nga oh di ko na tinatanggihan iuuwi na nga diba” sabi niya kaya natuwa ako.
“wow yayamanin talaga oh mamahalin na condo nakatira sana ol” sabi ko habang naglalakad kami papasok ng elevator.
“Regalo lang samin yung mga condo namin” ay sana ol ganun kamahal ang regalo.
“so dito ka matutulog muna kasama ko. Pero! Dun naman ako sa kabilang kwarto wag ka mag aalala kung gusto mo ilock mo din yung kwarto mo para sure ka may cr din dun pwede ka dun maligo or yung malapit sa kusina na cr pwede ka din dun” sabi niya wala lang ako ginawa kundi tumango.
“oh pumasok ka na” sabi niya pagdating namin sa loob ng condo niya.
Pagpasok ko nilapag ko yung aso sa sahig at pinunasan ng panyo ko ewan baka tumuyo kung punasan ko siya eh.
“hoy maligo ka at magbihis para di ka magkasakit” sabi niya at inabutan ako ng tuwalya.
Tinidnan ko yung aso.
“wait lang baby ha liligo muna ako ha” sabi ko sa aso at humarap kay dash.
“ayun yung kwarto na walang gumagamit may nga dun kaya dun ka na maligo” sabi niya at tinuro yung isang kwarto.
“Wala akong damit” sabi ko sakanya kaya umirap siya sakin.
“Oh ito damit ko magpalit ka na bilis magkasakit ka pa konsensya ko pa” sabi niya at tinalikudan ako.
“dash!” sigaw ko kaya inis na lumingon siya.
“tangina bakit?!” inis na sabi niya.
“wala akong underwear na gagamitin” sabi ko at umiwas ng tingin.
“tangina pati panty mo ako na din mamomoblema?” sabi pa niya at nilabas ng cellphone may tatawagan ata.
“hello dale” nanlalaki mata ko ng marinig ko yun.
“Nandito jowa mo sa condo ko kunin mo nga.. ano? Gago ka nasa mansion ka na?! Tangina mo ano gagawin ko dito sa jowa mo?! Aalagaan ko?! Ano to bata?! Pati panty niya ako namomoblema eh!” sa inis ko inagaw ko cellphone sakanya.
“hello!” sigaw ko kay dale.
“enjoy ka dyan ha para naman di mo na kami guluhin ni aphrodite landiin mo na lang kapatid ko okay bye Amphitrite” sabi niya at hindi man lang ako pinasalita pinatayan pa ako ng tawag.
“bwiset!” sigaw ko at nagdabog papasok ng kwarto na tinuro ni dash at dun naligo.
Pinaplano ni dale na mapalapit ako kay dash para kay dash lagi attention ko para hayaan ko sila ni aphrodite! Hindi ako papayag!
BINABASA MO ANG
NO MORE HIDING
RomanceTREVINO SERIES #2 "They don't like me. Even my own parents don't like me. nobody likes me."