IRIS AMPHITRITE’S
“hmm maganda nga itong napili niya huh” sabi ko habang naikot sa harap ng salamin.
Binuksan ko yung pinto ng fitting room at hinanap si dash nakita ko siya sa may salamin nagpipicture.
“hoy ano ginagawa mo?” Sabi ko kaya nagulat siya na nasa tabi pala ako.
“Tangina mo naman nakakagulat ka. Ano sa tingin mo ginagawa ko? Malamang mirror selfie ilalagay ko sa Instagram mamaya para updated mga followers ko na Nasa mall ako” sabi pa niya habang nagpipicture sa harap ng salamin. Tangina talaga
“Hoyy ano ayos na ba tong damit ko?” sabi ko at umikot ikot sa harap niya. Tinidnan naman niya ako mula ulo hanggang paa.
“ay bongga maganda napili ko sayo ganda bilhin natin yan” sabi niya habang nagpipicture siya. Ayan nanaman yung tawag niya sakin na ganda bwiset.
“Eh ikaw may bibilhin ka ba?” tanong ko
“Wait halika dito mirror selfie tayo post ko sa Instagram tag kita” sabi pa niya at hinila ako palapit sakanya.
“ngumiti ka naman para kang pinaglihi sa sama ng loob” dagdag na sabi niya kaya ngumiti na lang ako.
“ayan good wait post ko to tapos bayaran na natin yung binili natin” sabi niya
“Sige wait palit lang ako” tumango naman siya sa sinabi ko.
Pagkatapos ko magbihis bigla tumunog yung phone ko kaya tinidnan ko. Yung post ni dash naka tag sakin.
Pagtingin ko kaming dalawa sa camera. At ang caption ay with my yaya . Tangina niya.
Pag labas ko ng fitting room nilapitan ko siya at hinampas sa braso.
“aray inaano kita dyan?!” inis na sabi niya.
“kanina anak mo ko! Tapos ngayon yaya na bwiset ka talaga!” inis na sabi ko din.
“tara na yaya babayaran natin mga binili natin bilisan mo” sabi pa niya at tinalikudan ako.
“Alam mo kung hindi mo lang jowa kapatid ko liligawan sana kita” sabi niya habang naglilibot kami sa mall.
Napatigil ako sa sinabi niya kaya Napatingin siya sakin.
“Ano sabi mo?” tanong ko. Bigla siya tumawa.
“Gago joke lang” ouch ha. Inirapan ko siya. Bakit pa nga ba ako umasa eh si aphrodite nga pala ang gusto niya.
“Nako umasa si ganda joke lang yun ano ba ikaw naman di ka mabiro parang di tayo friend!” sabi niya pa. Hinampas ko siya.
“Aray!”
“Kailan pa tayo naging magkaibigan ha?!” inis na sabi ko.
“hmm simula nung tinawag kita na ganda? Pasalamat ka nga ginawa kitang kaibigan kahit lagi mo inaaway si aphrodite namin eh” sabi pa niya habang naglalakad kami. Aphrodite nanaman.
“pero dahil girlfriend ka ni dale at wala na ako magagawa dun kaya gagawin na lang kitang friend diba!” sinamaan ko siya ng tingin.
“pag naging friend mo ko tuturuan kita ng mabuting asal, ganda” sabi pa niya.
“tigilan mo nga pag tawag sakin ng ganda naiirita ako!” kinikilig talaga ako eh pero bawal ipahalata.
“eh ano itatawag ko sayo? Babe? Bebe?” sinamaan ko ulit siya ng tingin.
“gago girlfriend ako ng kapatid mo” sabi ko kaya natawa siya.
“Ay oo nga pala nalimutan ko. Alam ko kasi type talaga nun si aphrodite”
“Oo na alam ko si aphrodite gusto niya manahimik ka na pwede!” inis na sabi ko at lumabas ng mall.
“Sus selos ka naman joke lang yun sayo na si dale” pero ikaw ang gusto ko.
Napapaisip tuloy ako kung tama ba ginagawa ko na jinojowa ko pa si dale pero kapatid niya type ko!
“Ihatid mo na nga lang ako!” inis na sabi ko at sumakay kami sa kotse niya.
Habang nasa byahe kami biglang umulan ng malakas.
“Anak ng— pag minamalas ka nga naman oh magiging baha yung daan papunta sa village niyo at hindi ko pwede ipadaan tong car ko sa baha” namomoblema na sabi ni dash. Tangina pano to san ako matutulog mamaya!
“so san ako matutulog?!” sigaw ko sakanya.
“Kailangan sumigaw? Nasa tabi mo lang ako ganda wag ka sumigaw. Makitulog ka muna sa kaibigan mo” sabi niya.
Si jovanni nga lang kaibigan ko hindi ko alam kung nasan nanaman yun. So wala ako matutulugan ngayon?
BINABASA MO ANG
NO MORE HIDING
RomanceTREVINO SERIES #2 "They don't like me. Even my own parents don't like me. nobody likes me."