IRIS AMPHITRITE’S
Nagising ako na parang may humahalukay sa tyan ko kaya dali dali ako pumasok sa cr at sumuka dun.
“Argh!” halos maiyak ako kakasuka. At nung hindi na ako nagsusuka napaupo ako sa sahig dahil nahihilo ako.
Ano ba nakain ko? Bat ganto ako? Ilang araw na ako ganto eh.
Napatingin ako sa labas ng cr ng mag ring naman ang cellphone ko. Kahit nahihilo ay tumayo ako para sagutin yun.
“tangina ang aga aga Jovanni ano ba yun?!” Sigaw ko sakanya.
“Bat galit? By the way nag imbestiga ako about sa nanay mo diba kasi gusto malaman kung buhay pa ba siya”
“oh ano na?” umupo ako sa kama ko at napahawak sa ulo ko dahil nahihilo pa din ako.
“hindi pa din namin siya mahanap. Pero. PERO! Alam mo ba na pwedeng hindi mo totoong ama yang kinikilala mong ama ngayon” nagulat ako sinabi niya.
“anong kagaguhan ba yan jovanni! Imposible yun! Bakit dito ako dinala ni mama kung ganon?!” naiiyak ako sa sinasabi ni Jovanni.
“Yun ang hindi ko alam. Kailangan natin hanapin ang totoong ama mo pati rin mama mo para maliwanagan ka. Sa ngayon wala ka ibang sasabihan ng nalaman natin okay? Kahit kanino hindi mo sasabihin” sabi niya sa kabilang linya kaya tumango lang ako kahit di niya kita.
“bakit mo to ginagawa Jovanni? Bakit gusto mo ko maging kaibigan? Bakit ang bait mo sakin kahit alam mo magkaaway ang pamilya natin?” tanong ko sakanya. Narinig ko ang malalim na paghinga niya.
“uulitin ko yung sinabi ko sayo dati ha. Gusto kita maging kaibigan dahil alam ko hindi ka masamang tao hindi man nakikita ng iba pero ako nakikita ko” sabi niya kaya napaiyak ako. Favorite ko talaga na kaibigan to.
“wag mo ko iyakan dyan nako kumain ka na dyan tapos kung gusto mo gala tayo mamaya isama mo aso mo” sabi pa niya kaya napangiti ako.
“na kay dash si cookie dun ko nilagay di ka kasi mahilig sa aso diba” sabi ko pa
“ay gagi oo nga pala nalimutan ko. Sige ikaw na lang igagala ko mukha ka naman aso eh” pang aasar niya.
“jovanni!” inis na sabi ko.
“Sige na kumain ka na dyan bye” sabi niya lang at pinatay na ang call.
Napahiga ako at tumulala lang habang iniisip ang sinabi ni Jovanni.
What if nga hindi ko totoong tatay si papa? Malamang lalo siya magiging desidido na mawala ako sa paningin niya. Mas mabuti na walang nakakaalam muna.
Napatingin ako sa phone ko ng may nag text.
DASH:
Oy ganda yung anak mo wala ng dog food pumunta ka dito bilhan mo to
Napangiti ako naiimagine ko pagtataray niya.
ME:
Hindi ako makakapunta ngayon magkikita kami ng kaibigan ko bukas na or sa susunod na araw ako pupunta ikaw muna bumili bayaran kita pag pumunta ako.
DASH:
Kaibigan? Lalake ba yan? Sinasabi ko sayo may anak ka na dito Isabella wag ka na humarot masasaktan ang anak mo pag may step father siya.
Tangina ano ba to’ng mga sinasabi ni dash?! Natawa ako sa text niya.
ME:
Gago! Anong step father ka dyan! Saka di ako naharot kaibigan ko lang talaga to sapakin kita dyan eh! Sige na! Punta lang ako dyan pag may time na
DASH:
Tangina pano kami?! Ang sustento ng bata! Isabella nasasaktan ang bata puro sustento mo lang nakikita niya at hindi ikaw
Bakit kung makapagsalita siya parang nabuntis ko siya at nagsusustento ako?!
ME:Tangina dash! Pupunta nga ako dyan pag may time ano ba! Ikaw muna bahala kay cookie!
DASH:
K. 🙄
Anak ng— ay jusko ewan sayo dash. Hindi ko na siya nireplyan at nag ayos na ako para makaalis na.
“KAYA nga nag iimbestiga pa ako diba para kung mahanap natin ang totoo mong ama dadalhin agad kita dun. Hirap hanapin ng nanay mo baka sa gubat nag tago yun” sabi ni Jovanni. Ang daldal niya pag may alam siya jusme.
“Pano kung si Alejandro Makris talaga ang ama ko?” tanong ko pa.
“Edi siya alangan naman pilitin natin iba jusko Amphitrite”
“Kailangan natin mahanap ang nanay mo para mabawasan naman ang what if mo sa buhay” sabi ni Jovanni.
“bongga din sayo ha. 18 ka pa lang pero Magaling ka mag imbestiga. Sali ka imbestigador” pang aasar ko kaya inirapan niya ako.
“una sa lahat turning 19 na ako gaga. Pangalawa iba ang nagagawa ng pera kaya madali ako nakakahanap ng sagot sa mga tanong mo nanay mo lang ang hirap hanapin. Saka Isang Trevino ako kahit ata sa ilalim ng dagat mahahanap kita eh” pagyayabang niya
“Sige try ko tumambay sa ilalim ng dagat next time ha hanapin mo ko” sabi ko kaya inirapan niya ako.
“Bwiset na babae to tara na nga nakakagutom ka igala” sabi niya. Pagtayo ko bigla akong nahilo.
“ahm— Jovanni nahihilo ako” mahina na sabi ko.
Nakita ko ang pag aalala sa mukha ni Jovanni at bago niya ako lapitan nahimatay na ako.
BINABASA MO ANG
NO MORE HIDING
RomanceTREVINO SERIES #2 "They don't like me. Even my own parents don't like me. nobody likes me."