CHAPTER 6

241 7 0
                                    

IRIS AMPHITRITE'S

“Oh nandito pala kayo?” napatingin kami sa nagsalita. Si dash..

Napatingin ako kay dale na biglang ngumisi.

“dash ano ginagawa mo dito?” Tanong ni dale

“Naghahanap ng damit wala dun isang mall yung gusto ko eh hinatid ko muna sina tita pauwi bago pumunta dito” sabi niya.

“Ahh upo ka muna baka gutom ka libre ko” nakangisi na sabi ni dale. Sinamaan ko siya ng tingin. Alam niya type ko si dash eh kaya pinipilit niya sakin si dash para malaya sila magsama ni aphrodite. No way!

“Wow libre sige” sabi niya at umupo pa sa tabi ko.

“dun ka nga umupo sa tabi ng kambal mo!” inis na sabi ko kaya napalingon siya sakin.

“bakit ayaw mo ko katabi?” pang aasar niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Dash dito ka na tumabi sakin hayaan mo siya dyan” sabi ni dale kaya lumipat naman si dash sa tabi niya.

“Mainitin ulo ng girlfriend mo na lagi naghahanap ng gulo nuh?” sabi ni dash kay dale na parang wala ako sa harap nila.

“hayaan mo yan umorder ka na” sabi ni dale kaya umorder naman yung isa.

“Para kayong hindi magjowa ang layo niyo sa isat isa huh” sabi ni dash.

Hindi naman talaga mainit dugo namin sa isat isa ni dale eh.

“shit siya nga pala may emergency sa office hinahanap ako ni dad!” napatingin kami kay dale na nakatingin sa cellphone niya at tumayo.

“Hoy teka iiwan mo ko dito!” inis na sabi ko kay dale.

“May emergency nga amph— isabella nandyan naman si dash di ka papabayaan niyan” sabi niya kaya Napatingin ako kay dash na inosenteng nakain habang nakatingin samin dalawa.

“pero sino kasama ko bumili ng damit?” sabi ko pa.

“si dash ayan oh available yan sige na bye hinahanap ako ni dad” sabi niya at humarap sa kapatid.

“pero—” okay hindi na niya ako pinansin.

“bro”

“Oh?”

“ikaw muna bahala kay isabella ha samahan mo bumili ng damit para sa graduation” sabi ni dale.

Tumango tango naman si dash.

“oo sige ako na bahala dito sa girlfriend mong masungit” sabi ni dash kaya umalis na si dale.

“Oh ano ganda tapos ka na kumain?” tanong niya ng hindi ko na ginagalaw ang pagkain ko.

“oo” pagkasabi ko nun tumayo na siya pero nag iwan na siya ng pera sa lamesa

“Oh tara na bumili ka na ng damit mo ganda” sabi niya at hinila ako.

“Teka ano tawag mo sakin?” tanong ko pa sakanya dahil parang mali ata pagkarinig ko.

“Ganda? Bakit? Ang ganda mo kasi pag walang make up kaya yun tawag ko sayo oh diba” sabi pa niya at tumaas baba pa ang kilay. Parang gago.

“Saka ayos din ha sinunod mo ang sinabi ko na wag ka gaano mag make up dahil mas maganda pag wala” sabi pa niya habang nasa loob kami ng store ng damit.

“Gago ka ba naubusan lang ako ng make up kaya hindi ako nag make up” sige go self paniwalain mo sarili mo na naubusan ka ng make up kahit tinapon mo talaga.

“Ay kala ko dahil sakin kaya ka Hindi nag make up” natatawa na sabi niya.

“ay ito ganda bagay sayo oh white na dress para mukha kang anghel sa graduation basta wag mo kakapalan ang make up mo lipstick at blush on lang lagay mo bagay sayo yun” sabi niya at binigay sakin ang isang dress.

“sabi ko samahan mo ko bumili pero wala ako sinabi na ikaw ang pumili ng susuotin ko” sabi ko habang nakatingin ng masama sakanya.

“arte mo ikaw na nga binibilhan eh maganda naman mga pinipili ko kaya wag ka na umarte dyan oh ito isukat mo sa fitting room nila pakita mo sakin pag nasuot mo na ha. Hahanap pa ako ng damit” sabi niya habang hinihila ako papunta sa loob ng fitting room.

“opo nanay dash” inis na sabi ko ngumiti naman siya sakin.

“Sige na anak ko na masungit mag sukat ka na pakita mo sakin” sabi niya kaya mas lalo ako nainis dahil hindi man lang siya nainis

Pagpasok ko ng fitting room saka ko nilabas yung ngiti na pinipigilan ko. Sino hindi ngingiti eh may gusto nga ako kay dash!

Pero pag naalala ko na gusto niya si aphrodite lalo ako naiinis kay aphrodite lahat na lang nasa kanya!





NO MORE HIDINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon