CHAPTER 23

217 8 0
                                    

IRIS AMPHITRITE’S


“hindi na ako nagulat dahil nakita ko na hinabol niya ng tingin si salacia nung nasa mall tayo” sabi ni Jovanni habang nainom siya ng kape.

“Anong gagawin ko Jovanni pano kung sabihin ni dale na buhay ako tapos may anak kami?!” sigaw ko pero pabulong lang dahil baka marinig ni salacia.

“Edi wow” sinamaan ko siya ng tingin at hinampas sa braso. “Aray ha”

“Nakakainis ka naman eh! Natataranta na ako dito kakaisip gusto mo ba mabaliw ako kakaisip?!” Inis na sabi ko sakanya.

“Wag ka mag alala papadala kita sa mental tapos yung anak mo kay dash ko papaalaga” sabi pa niya kaya lalo ako nabwiset.

“Jovanni naman eh!” inis na sabi ko.

“Pero seryoso Amphitrite may karapatan si dash na makita si salacia dahil anak din niya yan. Sperm cell niya yan di mo naman kaya gumawa ng bata mag isa” sabi pa niya.

“pero ayaw niya kay salacia” pabulong na sabi ko kaya napabuntong hininga siya.

“Dati yun. Malay mo ngayon gusto niya pala makita anak niyo. Malay mo nagluluksa pala siya sa pagkawala niyo dalawa ni salacia. Malay mo naguguluhan lang siya nung time na sinabi mo buntis ka kaya di niya alam gagawin niya—”

“Puro ka naman malay nang malay Diyan eh! Di ka naman sigurado!” sabi ko

“ listen babe” sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya pero wala siya pake

“Ipakita mo kay dash ngayon na hindi mo na siya kailangan sa buhay mo. Ipakita mo sakanya yung pinakawalan niyang babae ipakita mo yung sinayang niya” sabi pa niya.

“Eh—” di matuloy yung sasabihin ko ng may kumatok sa pinto ng bahay.

“mommy may tao po! Ako na mag open ha” hindi ko napigilan si salacia dahil dire diretso siya tumakbo palabas.

Tumayo kami ni Jovanni para sumunod kay salacia sa labas pero hindi ako natuloy lumabas dahil nakita ko na kinakausap ni salacia si dale at dash!

Tangina mo talaga dale!

Hinampas hampas ko ang braso ni Jovanni pero sinamaan niya lang ako ng tingin bago pumunta sa pwesto nina salacia habang ako tumakbo sa cr na malapit sakin at dun nagtago sapat na dito para marinig ko ang usapan nila habang papasok sila sa bahay.

“kanina ko pa tinatanong tong bata na to kung anak mo pero hindi nasagot hindi daw siya nakikipag usap sa stranger ganda ng turo mo sa anak mo ha” narinig ko na sabi ni dash narinig ko din ang tawa niya. Tangina ang hot pa din niya tumawa— wait bat ko pinuri tawa niya kadiri ka Amphitrite!

“Hindi ko siya anak mag tigil ka nga” rinig ko na sabi ni Jovanni. Anak mo siya dash yan na yung bata na inayawan mo gago!

“Tito sila yung nakita ko sa mall na magkamukha na kasama mo sila yung cousin mo?” rinig ko na sabi ni salacia.

“yes baby. Si tito dale at tito dash. Say hi to them magbless ka din baka bigyan ka ng pamasko” rinig ko na sabi ni Jovanni.

“gago” rinig ko sabi ni dale.

“Bad po mag mura! By the way po hello po tito dale at tito dash bless po” rinig ko naman sabi ni salacia.

“what’s your name baby?” rinig ko na sabi ni dash. Kinakabahan ako dahil alam ko sasabihin ni salacia.

“oh my name is salacia po! Si mommy po nagpangalan sakin nun sabi niya roman name daw po yun ng isang goddess sa greek” buti na lang hirap banggitin ni salacia yung pangalan ko kaya di niya sinasabi.

“Anong greek goddess naman yun?” sarap suntukin ni dale.

“Ampwi… amp… nalimutan ko po” narinig ko may tumawa si dash malamang.

“ang cute cute mo! Pwede ba kita iuwi matutuwa sayo mga pinsan ko” rinig ko pa na sabi ni dash.

“Bawal po! Ayaw ko po iwan mommy ko mag isa magiging sad siya.” Sabi ni salacia.

“hindi siya mag isa nandyan ang daddy mo. Nasan ba ang daddy mo?” wag ka lang magpapakita sakin dale sisipain ko talaga yang alaga mo para di na kumalat lahi mo.

“wala po. Ayaw ni daddy samin kaya wala siya pero okay lang! Nandito si tito van siya ang daddy ko binibili niya lahat ng gusto ko!” rinig ko na sabi ni salacia. Hindi ko akalain na ganon iniisip niya kaya wala siyang daddy akala ko wala lang siya pake kahit wala siyang daddy.

“Ah ganon ba… g-gusto mo gawin mo din kaming daddy ni tito dale. Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sayo gusto mo ba sa susunod sumama ka samin mag mall?” rinig ko na sabi ni dash. Naiiyak ako sa usapan nila tangina magkaharap ang mag ama pero hindi nila alam na mag ama sila.

“Sige po! Madami na ako daddy! Pero isama po natin si mommy mag mall ha hindi po kasi siya lagi nagala na dahil nagbabantay lagi sakin bili po natin siya ng dress may nakita po ako sa mall!” excited na sabi ni salacia.

“Sige nasaan ba ang mommy mo para maipaalam ka namin” sabi ni dale.

Tangina mo talaga dale!

“Nasa kusina lang po siya kanina baka po nasa kwarto wait po” rinig ko na tumakbo si salacia papunta sa kwarto

“kanino ba talaga anak yan? Kung hindi mo anak edi kanino? Ano nag ampon ka ng bata dahil alam mong tatanda kang binata?” pang aasar pa ni dash.

“baka magulat ka pag nalaman mo kung sino ang nanay ni salacia” rinig ko na sabi ni Jovanni.


Tangina talaga mga Trevino na to sakit sa ulo!

NO MORE HIDINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon