CHAPTER 28

213 5 0
                                    

IRIS AMPHITRITE’S


Bwisit na yun matapos ako harutin magdadala ng babae dito!

“pag ako talaga nagdala din ng lalake dito who you siya bwisit siya” bulong ko.

“Yan ang di ko papayagan Iris hindi ka magdadala ng lalake dito!” Nagulat ako ng may nagsalita napatingin ako sa bintana dahil nandun si dash nakaupo.

“Bat ka pumasok sa kwarto ko! Lumabas ka magsama kayo ng alexa na yun! Dun ka mas mabait yun! Sabi na nga ba pinagtitripan mo lang ako! O kaya mo ako hinaharot dahil akala mo ilalayo ko si salacia sayo? Ginagamit mo nanaman siguro ako nuh!” napaiyak na ako sa inis.

“grabe ka mag overthink ang layo ng narating” sinamaan ko siya ng tingin.

“bakit? Hindi ba kaya lang kayo nalapit sakin dahil may kailangan kayo?! Tulad ngayon nalapit ka nanaman sakin kasi dahil sa anak mo sakin. Dash naman di ko naman ipagdadamot si salacia—” napatigil ako sa pagsasalita ng bigla akong halikan ni dash pero mabilis na halik lang yung smack ganon.

Dahan dahan niya ako niyakap at binaon niya ang mukha niya sa leeg ko.

“Sorry sa ginawa ko dati alam ko mali pero tinuloy ko pa din. I’m sorry dahil mas inuna ko ang ibang tao kaysa sainyo ni salacia. I’m sorry Iris. Totoo nga yung sinabi nila na saka mo lang marerealize ang worth ng isang tao pag nawala na siya sayo ganon yung naramdaman ko nung araw na inanim ko sa sarili ko na mahal kita kaso huli na dahil wala ka na. I’m sorry kung pinaramdam ko sayo yung pinaramdam ng pamilya mo sayo noon. I’m sorry alam ko kahit ilang beses ako mag sorry hindi nun mababawi ang mga sakit na naranasan mo” naramdaman ko na nababasa ang leeg at balikat ko dahil umiiyak din siya.

“Please bigyan mo ako ng chance na mapatunayan sayo na mahal kita na hindi na talaga kita sasaktan at bubuohin natin ang pamilya natin basta bigyan mo ako ng second chance hindi ko kaya mawala kayo ulit ni salacia sakin” umiiyak na sabi niya kaya lalo din ako naiyak.

“Oo na bibigyan ka na ng chance wag ka na umiyak na parang bata dyan para kang tanga eh” sabi ko at pinunasan ang luha ko.

“Ikaw kasi pinapaiyak mo ko” sabi pa niya habang nagpupunas ng luha niya.

“aba kasalanan ko pa ha” sabi ko kaya natawa naman siya habang natulo ang sipon niya yuck.

“yuck daddy tulo sipon” napatingin naman ako sa nakabukas na pinto nandun si salacia at cookie parang nanonood pa ng drama dahil may hawak na popcorn na hindi ko alam kung san nanggaling ang popcorn.

“atlis pogi si daddy dash kaysa tito ninong mo” sabi ni dash at pinunasan na ang sipon niya.

“Hoy tama na pagdadrama itong anak niyo gusto manood ng Disney movie samahan niyo” napatingin ako kay Jovanni na nakasilip din sa pinto.

“Panira ka talaga ng moment. Tara na nga ganda samahan natin ang ANAK NATIN manood” sabi ni dash at diniinan pa talaga ang pagsabi ng ‘anak natin’.

Umirap si Jovanni.

“childish” pagkasabi ni Jovanni nun ay umalis din siya.

“Aba gago— hoy mas matanda ako sayo umayos ka! Hoy san ka pupunta!” sigaw ni dash

“Hay nako dash tara na nga baka magalit pa si salacia sa tagal natin” sabi ko at hinila siya.

Pinigilan niya ako lumabas kaya Napatingin ako sakanya.

“Bati na tayo ha? Di na magbabago isip mo bibigyan mo ko chance?” paninigurado pa niya na parang bata kung magtanong.

“oo nga bibigyan nga kita ng chance ang kulit mo dash” natatawa na sabi ko. Parang baliw siguro ako kanina naiyak ako ngayon natawa naman.

“sabi mo yan ha. Narecord ko para pag nagbago isip mo ipaparinig ko sayo to tara na inaantay na tayo ni salacia at cookie” napanganga ako sa sinabi niya hindi ako nakasalita habang hila hila niya ako palabas.

Gago nirecord pa talaga parang tanga!

NO MORE HIDINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon