CHAPTER 13

161 5 0
                                    

IRIS AMPHITRITE’S

Pagkatapos nung nangyari samin ni dash wala kaming imikan habang nakain.

“Ahm— gusto mo ihatid na kita sa bahay niyo?”

“Wag mo nga ako tidnan dyan na parang nagsisisi ka sa ginawa natin!” inis na sabi ko kaya napakamot siya sa batok niya.

“hindi naman sa ganon kasi ikaw ang inaalala ko kasi diba ako nakakuha ng V-card mo na dapat ibibigay mo sa mapapangasawa mo” sabi niya kaya natahamik ako. So inaalala niya ako.

Napahinga ako ng malalim. Hindi ko nga mabibigay sa mapapangasawa ko nabigay ko naman sa taong gusto ko jusme.

“wala na tayo magagawa nangyari na hindi na natin mababalik yun. Kumain ka na lang dyan” sabi ko. Bago siya kumain nilagyan niya pa ng pagkain ang plato ko.

“oh kumain ka pa baka gutom ka dahil napagod ka kagabi” sabi niya kaya namula ako.

“aray bat nanghahampas ka?!” gulat na sabi niya. Inirapan ko na lang siya at kumain.

HUMINGA ako ng malalim bago pumasok ng bahay namin. Nag taxi lang ako papunta dito ayaw sana ni dash pero gusto ko eh wala siya magawa.

“Kaninong aso to?!” nanlalaki mata ko sa sigaw ni papa. Kahiy masakit yung ano ko tumakbo ako dahil baka saktan niya si cookie hindi niya alam may aso ako tinatago ko kasi.

Aw! Aw!

Pagpasok ko ng loob nakita ko na balak hatawin ni papa si cookie tungkod na hawak niya.

“Papa wag!!” sabi ko at hinarang ang sarili kay cookie kaya ako ang natamaan nung tungkod. Napapikit ako sa sakit nun.

“Bat may aso ka dito?! Diba sabi ko ayaw ko na may aso ka! Itapon mo yan! Pag nakita ko pa yan ako mismo magtatapon niyan!” sigaw niya at umakyat papunta siguro ng kwarto niya.

“Okay ka lang cookie? May masakit sayo?” umiiyak na sabi ko pero dinidilaan lang ni cookie ang mukha ko.

“nahuli na tayo ni papa panigurado kung itatago ulit kita sa kwarto ko hahanapin ka pa din niya dun san kita itatago” umiiyak na sabi ko.

Napatingin ako sa cellphone ko ng may nag text.

DASH:

Nakauwi ka na?

Kay dash ko na lang kaya ibigay si cookie. Tama kay dash na lang. Si jovanni kasi hindi mahilig sa aso.

ME:

Pwede ba pumunta ako dyan mamaya sa condo mo?

DASH:

Bakit?

ME:

Basta antayin mo ko dyan ha

DASH:

Okay ganda.

Napahinga ako ng malalim at tumingin sa braso ko na may pasa dahil sa hampas ni papa kanina.

Nasa harap ako ng condo ni dash at kumatok na ako.

“Oh tuloy ka bat dala mo si cookie mo?” sabi niya at pumunta kami sa may sala niya.

“Pwede ba dito na lang si cookie?” tanong ko kaya napataas kilay niya.

“Bakit?”

“Ayaw ni papa may aso sa bahay kaya dito ko na lang dadalhin wag ka mag alala dadalawin ko siya araw araw ako bahala sa mga kalat at bibili ng mga kailangan niya. Need ko lang talaga ng titirahan ni cookie—”

“Wow ang bait bait naman ng baby cookie namin ang bango bango pa. Sit. Oh ang galing good boy!” hindi pala ako pinapakinggan tangina to nagdadrama ako eh.

“ano ba dash tangina kinakausap ka eh” kaya Napatingin siya sakin.

“oo na dito na siya titira akalain mo yun may anak na tayo hello cookie ako to si daddy dash say daddy. Dad. Dy” sa inis ko sakanya hinampas ko siya pero natawa siya.

“Aray bakit ba? Ayaw mo nun ako tatayo na ama sa anak mo na to” sabi niya at nakipaglaro kay cookie.

“hindi kailangan ni cookie ng tatay” sabi ko pa

“Ay nako bait bait naman ng baby na yan” hindi talaga niya ako pinapansin. Parang dati ayaw niya kay cookie tapos ngayon parang mag ama na sila ni cookie kung maglambingan.

“Oh bat ganyan tingin mo kay cookie? Selos ka? Wag ka mag alala lalambingin din kita mamaya pero ngayon yung anak muna natin ha” sabi pa niya at nilaro si cookie.

Napaiwas na lang ako ng tingin dahil feeling ko namumula ako.

Magaling talaga humarot ang isang to.

NO MORE HIDINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon