CHAPTER 26

237 6 0
                                    

IRIS AMPHITRITE’S




“Hello cookie namiss mo ko nuh kanina ka pa sunod nang sunod eh” natatawa na sabi ko habang nagsasampay dito sa likod ng bahay. Kanina pa sakin nakabuntot tong si cookie simula nung naglaba ako.

Habang nagsasampay ako may narinig akong tunog ng sasakyan mukha si dash yun at si salacia.

“Mommy! Mommy! Mommy kong pretty!” Napatingin ako sa likod ko ng marinig ko sigaw ni salacia.

“Hello baby!” Bati ko at tinapos na ang sinampay bago lumapit kay salacia.

Napatingin ako sa likod ni salacia nandun si dash seryosong nakatingin lang sakin. Pag ganto talaga siya tumingin naaakit ako bat ganon!

“hug ko mommy nasan?” nakasimangot na sabi ni salacia kaya natawa ako.

“pawis si mommy eh saka mabaho ako mamaya na lang pagkatapos ko maligo” sabi ko

“okay mommy! Halika cookie play tayo sa room bumili kami ng doctor doctor na toys ikaw patient ko!” sabi ni salacia at sumunod naman si cookie sakanya nagkaintindihan pa ata sila nung aso.

Napatingin ako kay dash na nakatingin pa din sakin. Ano ba problema neto.

Papasok sana ako sa loob kaso humarang si dash sa daan.

“may kailangan ka ba dash?” inis na sabi ko.

Nagulat ako ng nilapit niya ang mukha niya sa may bandang leeg ko naramdaman ko na inamoy niya ako. Amoy pawis ako siraulo na lalake to!

“ikaw.. ikaw ang kailangan ko. Hmm di ka naman mabaho. Ang bango mo, ganda” pagkasabi niya nung tinulak ko siya at hindi ko siya matidnan sa mata at pumasok na ako sa kwarto.

Nakita ko si salacia na nakikipaglaro kay cookie.

“mommy are you okay po? Why po ang red ng face mo?” tanong ni salacia kaya napahawak ako sa pisnge ko.

Namumula ba talaga ako?!

Tumakbo ako sa may salamin. Totoo nga! Ang pula ko! Bwiset na dash yun ano ba trip niya sa buhay?!

“mommy okay ka lang?” napatingin ako kay salacia at kay cookie na nakatingin sakin.

“Okay lang ako baby sige laro na ulit kayo” nakangiti na sabi ko. Bwisit na ama mo!

“Siya nga pala mommy may dala kaming food gutom na ako kain tayo” sabi ni salacia at sumunod naman si cookie sakanya.

“sige baby mamaya na si mommy matutulog muna ako pagod ako eh” sabi ko kaya napalingon si salacia sakin.

“Okay po!” sabi niya at lumabas na ng tuluyan.

Habang nakahiga ako at nag iisip naramdaman ko na may pumasok. Si salacia lang yun malamang kaya di na ako dumilat.

Nagulat ako ng may humawak sa bewang ko haharap sana ako sakanya kaso hinigpitan niya ang hawak sa bewang ko kaya di ako lumingon. Naramdaman ko pa yung kamay niya na nagtataas baba sa bewang ko.

“kakain na tayo ganda mamaya ka na matulog” bulong niya sakin. Bat parang uminit dito sa loob ng kwarto?!

“H-Hindi pa nga ako gutom” sabi ko.

“ayaw ko na nagpapalipas ka ng gutom. Kakain ka o kakainin kita dito mismo” pagkasabi niya nun napabalikwas ako.

“Ano ba talaga gusto mo?! Bat ba ang harot harot mo?” inis na sabi ko. Nakita ko na ngumisi siya.

“ikaw. Ikaw ang gusto ko Iris. Gusto ko mabuo ang pamilya natin. Ikaw, ako at si Salacia” sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

“bakit hindi mo na ba mahal si aphrodite?” seryoso na sabi ko

“hindi. Hindi na matagal na. Tanggap ko na si Dale talaga ang para sakanya” sabi niya pero hindi ako naniniwala.

“Oh baka naman pinaglalaruan mo nanaman ako?” inis na sabi ko.

“Iris pakinggan mo kasi ako—” tumayo ako ayaw ko siya pakinggan.

“tara na baka gutom na si salacia.” Sabi ko at dire diretso lumabas.

Bahala siya dun!







DASH



“tangina mo naman hypnos lalo lumayo sakin!” sigaw ko kay hypnos habang naka call kami. Sabi niya kasi landiin ko si Iris ganon daw manuyo eh bat lalo nainis sakin?!

“Bat kasi hindi ka kay dale manghingi ng payo bwiset to sisisihin pa ako eh sa paglalandi lang alam ko eh!” inis na sabi ni hypnos.

"Ayaw nga sagutin ang tawag ko ng bwisit na yun!" Inis na sabi ko.

"Si alexa na lang tawagan mo" sabi ni hypnos kaya napairap ako.

“Ano pa nga ba?! Tangina bye mag away sana kayo ng jowa mo” inis na sabi ko at pinatayan siya ng call.

Ayaw niya makinig sa explanation ko. Ayaw din niya ako lumapit sakanya. Ano gagawin ko?

Napahilamos na lang ako sa mukha ko.

NO MORE HIDINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon