CHAPTER 27

217 6 0
                                    

IRIS AMPHITRITE’S

Nagising ako dahil parang ang ingay eh ang aga aga pa.

Paglabas ko ng kwarto napatingin ako sa sala.

Bakit may babae dito?! At bat magkadikit sila ni dash?!

“ang cute cute mo naman kamukhang kamukha mo ang daddy mo hihi” sabi nung babae. Aga aga parang masisira agad araw ko ah.

“Good morning Amphitrite kumain ka na breakfast oh” napatingin ako kay Jovanni na nasa kusina naman. Dahil sa pag tawag ni Jovanni sakin napatingin tuloy yung dalawang naglalandian sa sala.

“good morning sa pretty kong mommy!” Bati ni salacia sakin at hinalikan ako sa pisnge bago bumalik sa laruan niya.

“Good morning baby nag breakfast ka na ba?” tanong ko at umupo sa tabi ni Jovanni.

Habang nakain ako ng pancake nakita ko na umupo si dash at yung kalandian niya sa harap namin.

“Hi sis ang ganda mo sayo ata nagmana si salacia by the way Ako si alexa nice to meet you!” sabi niya habang nakangiti sakin. Nakakainis yung ngiti niya!

“likewise” pilit na ngiti na sabi ko at kumain.

“Hey Vin you want pancake diba? Oh! This one I know you like this” napatingin ako sa kinuha niya na bacon.

Taray First name ang tawagan sanaol.

“Thanks Lexa” napairap ako nung narinig ko boses niya. Matapos niya ako harutin kahapon biglang may babae na dadating dito ano to gaguhan?

“oh my! May dumi ka sa lips wait burahin ko for you! Hihi” napairap ako ng marinig ang boses ni Alexa na nakakairita!

Sa harap pa talaga ng anak namin siya naharot?! Ang kapal ha!

Napatingin Sila sakin ng padabog akong tumayo.

“Oh san ka pupunta?” tanong ni Jovanni.

“sa kwarto wala pala ako gana kumain” sabi ko at dali dali umakyat sa kwarto.



DASH

Binatukan ko si Alexa pag pasok ni iris sa kwarto.

“Aray naman pre sakit nun!” Reklamo niya at biglang naging siga nanaman ang boses.

“Walang kwenta yung plano mo lalo nagalit kita mo?! Parehas kayo ni hypnos!” inis na sabi ko sakanya.

“yun talaga plano ko lalo siya magalit sayo para ako naman poporma sa labidabs mo—” binatukan ko ulit siya

“Tang—” mumurahin sana niya ako kaso nakita niya nakatingin si salacia samin.

Nakilala ko si alexa sa bar. Nung araw na iniwan ako ni iris lagi ako nag iinom tambay na nga ako sa bar eh tapos isang beses hindi ko na kaya tumayo talaga para makauwi nandun si alexa.

“tangina pre kung di lang ako naawa sayo baka iniwan kita tangina sayang may nakita na akong sexy na babae eh!” rinig ko reklamo ng umaalalay sakin.

“ mommy is angry, daddy” sabi ni salacia.

“Itong tatay mo kasi salacia medyo tanga eh nasa kanya na dati pinakawalan pa! Eh kung lalake lang ako tapos may ganyang kaganda na babae akong kasama baka di ko na pakawalan!” sabi ni alexa. Minsan sarap lagyan ng tape bunganga netong babae na to.

“manahimik ka nga dyan! Lumayas ka na nga walang kwenta plano mo parehas kayo ni hypnos!” inis na sabi ko.

“Sus parehas talaga kami! Di kami tulad mo torpe na duwag na abnormal! Babush na nga mambabae na lang kami ni hypnos!” sabi ni alexa at umalis. Tangina nakakastress.

Aw aw!

Napatingin ako sa gilid ko si cookie.

“Gutom ka nanaman ba? Kakakain mo lang baby” sabi ko

“daddy suyuin mo si mommy galit si mommy baka maghanap siya ng bagong daddy ko sige ka” sabi ni salacia kaya napakuyom ang kamao ko.

Hindi ako papayag ako lang magiging daddy ni salacia at cookie!

NO MORE HIDINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon