IRIS AMPHITRITE’S
“gusto ko gamitin ka para saktan si aphrodite” sabi ko habang nakatingin kay dale na masama ang tingin sakin.
“Anong klase kang kapatid gusto mo saktan ang sarili mong kapatid?! Nahihibang ka ba?!” inis na sabi niya.
Well nagkita kami sa isang party dun ako nagpakilala sakanya kunyari type ko si dale pero hindi. Gagamitin ko lang siya para masaktan si aphrodite.
“Pag hindi ka sumunod pwede ko sabihin kay papa na nasa Trevino si aphrodite pwede nila patayin si aphrodite agad pag nalaman nila na nasa inyo siya” sabi ko habang nakatingin sakanya.
“Napaka sama mo isabella” inis na sabi niya.
Ngumiti ako ng malungkot. Masama naman talaga ako.
Masama ako dahil inagaw ko si dale sa kapatid ko kahit hindi niya alam naiinggit lang ako dahil mahal siya ng lahat. Pano naman ako?
Totoo nga ang sinasabi nila dahil sa inggit nagbabago ang ugali ng tao.
~~~~~~~~
Paglabas ko ng cr nagulat ako ng may humablot sa braso ko.
“Anong gusto mo gawin sa Kapatid ko ha?! Bakit mo pinapahirapan si dale?! Pati si aphrodite!” Gigil na sabi niya. Kahit natatakot ako sa tingin niya nilabanan ko yun.
“dahil naiinis ako sakanya! Kaya kinuha ko si dale dahil alam ko kay dale siya grabe masasaktan” sabi ko.
“Sino magmamahal sa kagaya mo?! Eh kung sino sinong lalake na ata nakatikim sayo para kang pokpok sa bar kung mag make up!” Sinampal ko siya.
“Wala kang alam kaya tigilan mo ko! Gagawin ko lahat para masaktan yang aphrodite niyo!” sigaw ko at umalis na.
PAGDATING ko sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto ko at umiyak. Pokpok nga naman ako. Kung kani kanino ako pinapartner ni papa. Pag hindi ko sinunod ang gusto niya sasaktan niya ako at ikukulong sa kwarto at gugutumin. Yung mga kasama ko na lalake lahat yun pasimuno ni papa. Pag nagustuhan daw ako ng lalake ipapakasal niya daw ako dun wala daw siya pake kung ano gawin sakin basta mayaman ako mapunta.
~~~~~~~~~~
18 years old…
“May lalake na ako na ipapakasal sayo. Sa susunod na buwan mo siya makikilala o baka mga susunod na araw. Bibigyan nila ako ng 5 million parang lang sayo. Akalain mo yun may silbi ka pala. Ito ata magandang nagawa mo” sabi ni papa habang nakain siya ng breakfast niya.
“papa ayaw ko po dito lang ako” naiiyak na sabi ko. Sinamaan niya ako ng tingin.
“bobo ka ba talaga?! Ito na nga lang ang silbi mo!” sabi niya at sinampal ulet ako.
“subukan mo tanggihan ulit yun masasaktan ka sakin” sabi niya at umalis. Habang ako tahimik na umiiyak. Hanggang kailan ba ako magiging sunod sunuran kay papa. Ayaw ko na ng ganto. Yung batang lalake na sabi itatakas ako sa papa ko hindi din bumalik. Ito ba talaga ang para sakin?
~~~~~~~
nakaupo ako sa isang park ewan kung saan to basta lang ako bumyahe eh gusto ko lumayo sa bahay napapagod na ako. Kung tatakas naman kasi ako hindi ko alam kung kaya ko mabuhay mag isa.
Napatingin ako sa paligid ito ata yung lugar kung saan yung batang lalake na nangako sakin na itatakas ako pero hindi ako tinakas.
“hoy ginagawa mo dito?!” napatingin ako sa sumigaw. Si dash pala.
“pake mo ba? Iyo ba tong park?” sabi ko at tumingin sa mga batang naglalaro.
“aba sinasagot sagot mo ko na ganyan! Mas matanda ako sayo hoy!” inis na sabi niya kaya inirapan ko siya.
“gago isang taon lang tanda mo sakin” sabi ko.
Huminga siya ng malalim bago umupo sa tabi ko. Napatingin ako sakanya.
“oh bat naupo ka sa tabi ko?” tanong ko.
“Eh gusto ko eh! Wala ka pake” sabi pa niya. Ang taray ha
“ginagawa mo dito?” tanong niya sakin.
“naghahanap ng tahimik na lugar. Pero dahil nandito ka nawala yun” sabi ko.
“Grabe ka ha! Buti nga kinakausap kita kahit inaaway mo si aphrodite eh! Hindi mo ba alam ayaw talaga kita kausap!” sabi pa niya.
Ngumiti ako ng malungkot.
“I know. Hindi lang naman ikaw ang ayaw sakin eh” sabi ko.
“Ay may ganun. Ano problema mo?” tanong niya.
“Nahawa ka ba kay aphrodite? Chismoso ka” hinampas niya ng mahina ang braso ko. Feeling close.
“ikaw na nga tinatanong eh! Bilis sabihin mo na kung ano problema mo wag mo dibdibin wala ka naman dibdib” sabi pa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Gago ka ipawahak ko pa sayo tong dibdib ko eh” sabi ko sakanya. Tumawa naman siya.
“sige nga gawa nga isabella gawa” sabi niya kaya hinampas ko siya. Ayaw ko talaga itawag niya sakin isabella eh kaso yun ang ginamit ko na pangalan para wala makaalam na anak ako ni Alejandro Makris.
“ang bastos mo!” inis na sabi ko.
“Hoy! Ikaw nagsabi papahawak mo so ikaw ang bastos” sabi pa niya habang natawa. Happy yan?
“Tangina mo talaga” sabi ko.
“Hindi kasi seryoso na. May problema ka ba? Pwede mo sabihin sakin kahit galit ako sayo mabait naman ako medyo” sabi niya pa.
“sorry hindi ko masasabi” yun lang sabi ko. Tumango tango naman siya.
“Okay wag mo na sabihin” sabi niya.
“sige na alis na ako baka hinahanap ako ng mga pinsan ko” sabi niya kaya tumango na lang ako.
“Hmm by the way isabella” napatingin ako sakanya.
Ngumiti siya sakin.
“mas maganda ka kung wala kang make up kung ako sayo bawas bawasan mo make up mo opinion lang naman yun nasayo kung ayaw mo sige bye!” sabi niya at umalis na.
Pagaalis niya saka ko pinakawalan ang pinipigil ko na paghinga. Basta talaga si dash kaharap ko nanghihina ako.
Si dash naman talaga ang gusto ko. Ginagamit ko lang si dale. Unang kita ko pa lang sa kambal si dash agad ang nakaagaw ng pansin ko dahil sa magandang ngiti niya para ba wala siyang problema sa buhay ang bait pa niya. Ang sweet.
“Tapos inlove ka nanaman sa pinsan ko?” napatingin ako sa nagsalita. Si jovanni. Hindi ko alam pano kami naging magkaibigan neto eh basta nakita na lang niya ako na umiiyak. Dito sa park na to din.
“bakit nandito ka?” inis na sabi ko.
“nandito kaya mga pinsan ko Amphitrite baka nalilimutan mo naglalaro sila dun sa covered court” sabi pa niya at tumabi ng upo sakin.
Mas gusto ko talaga tinatawag akong Amphitrite kaysa isabella puro kasinungalingan si isabella eh.
“So ano kinikilig ka nanaman nakausap mo pinsan ko” sabi niya pero hindi pa din siya ngumingiti. Kailan ba ngumiti to?!
“Gago hindi ah! Kita mo jowa ko kapatid nun eh!”
“Na ginagamit mo lang para saktan ang kapatid mo. Ewan ba sayo Amphitrite sabi sayo tigilan mo na yan eh” sabi pa niya.
“eh ayaw ko nga! Kulit kulit mo bahala ka dyan!” Inis na sabi ko at iniwan siya.
“ingat ka sa bahay niyo” sabi niya pero di ko siya pinansin.
PAVOTE THANK YOU :)
BINABASA MO ANG
NO MORE HIDING
RomanceTREVINO SERIES #2 "They don't like me. Even my own parents don't like me. nobody likes me."