IRIS AMPHITRITE’S
“Hoy” napatingin ako sa nagsalita. Si Dash.
“Ano?”
Naglalakad kasi ako papunta ng school. Wala ako pake kung medyo malayo maaga pa naman.
“sakay na hatid kita sa school niyo” sabi niya at pinagbuksan ako ng passenger seat.
“Ano kailangan mo sakin?” tanong ko sakanya. Hindi naman sila basta lalapit sakin kung wala sila kailangan sakin.
“grabe ka naman. Wala ako kailangan sayo nakita lang kita dito naglalakad naawa ako kaya ito isasabay kita wag ka na magtanong nang magtanong sakay na” sabi pa niya kaya inirapan ko siya at sumakay na lang.
“so kumain ka na ba?” Tanong niya habang nasa byahe kami.
“Oo—” biglang tumunog yung tyan ko. Tangina na tyan to traydor.
Narinig ko naman ang tawa niya.
“Oo nga hindi ka nga gutom sige hindi” natatawa na sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“bibili muna tayo ng kakainin bago kita ihatid sa school niyo” natatawa na sabi niya.
“Wag mo ko tawanan!” inis na sabi ko.
“oo na sorry sorry” sabi niya pero nagpipigil siya ng tawa. Bwisit.
“ANO gusto mo?” nasa drive thru kami.
“kahit ano” sabi ko.
“wala sa menu yung ‘kahit ano’ isabella” sabi pa niya kaya inirapan ko siya.
“french fries at soft drink na lang” sayang libre niya daw to eh.
“One piece chicken nga tapos isang burger tapos french fries at dalawang soft drink yun lang thank you” sabi ni dash.
Umusad konti ang sasakyan ni dash papunta sa kabilang bintana kung san ang order namin.
“1 piece chicken, 1 burger, french fries and 2 drinks right sir?” napatingin ako dun sa nagsasalita. Aba yung ngiti parang nilalandi si dash
“Yes miss thank you” nakangiti na sabi ni dash. Tidnan mo to babaero talaga.
“Wait lang po sa sukli sir ha” sabi ni ate girl.
Nabwisit ako.
“babe! Omyghad gutom na ako ibigay mo na sakin yung fries!” sabi ko habang nakangiti. Napatingin sakin si dash na parang nagulat sa sinabi ko at yung babae na mukhang napahiya dahil nandito ang girlfriend nung nilalandi niya. I mean hindi naman talaga niya ako girlfriend— basta bwisit!
“i-ito na po sukli niyo sir bye po” sabi ni ate girl at tumalikod samin. Napangisi na lang ako. Nakangisi din si dash.
“isabella bad girl” sabi niya kaya inirapan ko siya.
“hindi mo ba nakita? Nilalandi ka ni ate girl! Halata naman sa galaw niya tsk” sabi ko.
“Sus baka nagseselos ka? Sabi na eh hindi mo type kapatid ko dahil ako type mo at nagseselos ka dahil may ibang babae ang humaharot sakin diba?” natatawa na sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Galing mo manghula dash. Syempre hindi ko sasabihin.
“gago ayaw ko lang makabiktima ka ng ibang babae sobrang babaero mo pa naman baka nga magulat ako isang araw ama ka na” sabi ko habang nakain nung binili namin.
“hoy grabe ka sakin! Nagamit ako ng condom pag nakikipag anuhan ako sa babae nuh!” sabi niya.
“Bat kailangan mo pa sabihin sakin na nagamit ka ng condom pag nakikipag anuhan ka! Ang bastos talaga ng bunganga mo!” inis na sabi ko.
“para di ka mag isip na pag tayo na eh wala akong anak sa labas diba” sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“baka nalimutan mo girlfriend ako ng kapatid mo. Hindi lang basta kapatid kambal mo pa kaya tigilan mo pagiging maharot mo” sabi ko at inirapan siya.
“Hindi ka naman mabiro isabella. Oo na alam ko na girlfriend ka ni dale kalma masyado kang masungit sige ka baka pumangit ka” sabi pa niya.
“Mas pangit ka bwisit ka”
“Init init ng dugo mo sakin lagi? Wala naman ako ginagawa” sabi dash.
“Dahil nabubwisit ako sa mga babaero na tulad mo!” sigaw ko.
“Hoy hindi ako babaero! Medyo lang ganun” sabi pa niya. Inirapan ko na lang siya.
“ewan sayo tangina mo bye makaalis na nga baka mahawa pa ako sa kagaguhan mo” inis na sabi ko at lumabas narinig ko pa tawa niya na lalo nagpa inis sakin.
Ano trip ng tao na yun?!
BINABASA MO ANG
NO MORE HIDING
RomanceTREVINO SERIES #2 "They don't like me. Even my own parents don't like me. nobody likes me."