IRIS AMPHITRITE’S
“Mommy pwede si tito ninong sumundo sakin later?” Sabi ni salacia kaya napataas ang kilay ko
“Magpapabili ka nanaman sa tito Ninong mo kaya gusto mo siya ang sumundo ano” sabi ko kaya napayuko siya.
“Mommy kasi may nakita ako sa tv kahapon na bawbie ang ganda papabili ako kay tito payag naman yun eh” jusko kung magsalita to parang hindi 5 years old.
“Okay sige kailangan ko din naman mag grocery mamaya dahil ubos na ang stock natin sa ref na pagkain pero dapat isang barbie lang ipapabili kay tito ninong okay?” sabi ko kaya tuwang tuwa ang bata at hinalikan ako sa pisnge.
“Thank you mommy kong pwetty like me! I love you!” sabi niya kaya niyakap ko siya.
“Magaling ka mambola huh. Love you too salacia” sabi ko.
“tara na mommy! Baka malate ako sa school” sabi niya. Sa edad na 5 matalino na si salacia hindi ko alam kung saan nagmana yan. Hindi naman ako matalino eh.
“omygosh I’m so pwetty! Lemme take a selfie pahiram po phone mommy” sabi ni salacia at kinuha ang cellphone ko sa bag habang nagdadrive ako. Isa pa ang hilig ng anak ko mag selfie eh hindi naman ako mahilig mag selfie wala ata minana sakin to kundi kamaldatihan nga.
“Ohh! So pwetty! Post mo po ito mommy ha hihi” sabi niya kaya napangiti ako.
“sure baby later” sabi ko kaya tuwang tuwa naman siya.
“we’re here na tama na ang selfie anak baka full storage na cellphone ko” sabi ko kaya napanguso siya.
“hindi naman full storage eh” sabi niya at bumaba kami sa kotse.
“oh galingan sa klase okay hindi mo kailangan ng mataas na grade mag enjoy ka lang wag makikipag away pero pag una kang inaway—”
“Aawayin ko siya pabalik!” tuwang tuwa na sabi pa niya.
“No baby. Isumbong mo sa teacher o kaya sakin ako bahala sayo” sabi ko pa.
“okay mommy” sabi pa niya.
“Wag magpapalipas ng gutom sa lunch box mo may apple dun may juice ka din at may sandwich ubusin mo kung ano kaya mo okay” sabi ko tumango tango naman siya.
“Sige na mommy bye bye po kita na lang tayo later! Bye bye I love you mommy kong pwetty!” sigaw niya habang natakbo papasok ng school.
“Love you! Take care salacia!” sigaw ko din bago siya pumasok sa loob.
Paalis na sana ako sa school nang may nakita ako na lalake na naglalakad. Si dale?! Nakatingin siya sakin!
Sa sobrang taranta ko nahulog ko ang susi ng kotse ko. Sht!
“ Amphitrite.” Napatigil ako sa pagbukas ng kotse ng marinig ko si dale. Hindi ko siya nililingon.
“Sinasabi ko na nga ikaw yung kasama ni Jovanni. Hindi ka patay.” Sabi niya.
“Tigilan mo na ako nananahimik na ako dito oh ano gusto mo guluhin ko ulit buhay ni aphrodite ha” pang iinis ko sakanya kahit nakatalikod ako.
“miss na miss ka na ng kapatid mo Amphitrite magpakita ka naman” sabi niya sakin.
“masaya na siya kahit wala ako bat ko pa guguluhin” sabi ko at humarap na sakanya.
“saka hindi ba dapat masaya ka?! Wala ako sa buhay niyo ako ang nagpasok sainyo sa gulo! Dapat magalit kayo sakin at sinusumpa niyo ko na mamamatay dahil masamang tao ako! Ganon dapat pero bat nandito ka at pinapabalik sa lugar niyo!” sigaw ko sakanya medyo napapatingin samin ang mga tao dun. Hinila ko si dale sa medyo malayo yung walang mga bata na makakakita.
“Napatawad ka na ni Aphrodite miss na miss ka na niya alam mo ba na buwan-buwan siya napunta sa pekeng puntod mo. Hindi namin akalain na buhay ka ang sabi samin katawan mo yun kahit pa sa DNA sinasabi na katawan mo yun. Tapos.. tapos nandito ka sa harap ko Nandito ka lang sa probinsya at pinagtataguan kami. Kung hindi lang kita nakita na kasama si Jovanni” sabi pa niya. Wala ako sinasabi nakatingin lang ako sakanya.
“at may anak ka” pagkasabi niya nun naging alerto ako.
“anak ng kapatid ko yan alam ko dahil wala ka naman ibang lalake bago ka nawala si dash lang o baka naman anak talaga ni Jovanni yan kaya lagi wala si Jovanni lagi dahil anak niya yung bitbit mo sa mall noon?” masyadong mausisa tong gago na to.
“hindi ko alam na madaldal ka pala dami mo sinabi. At chismoso ka na din ngayon at kailan ka pa naging stalker ko ha!” sigaw ko sakanya at binuksan ang pinto ng kotse ko pero pinigilan ni Dale yun.
“Magpakita ka sa kapatid mo yun lang gusto ko dahil baka nalilimutan mo nag iisang pamilya ka ni aphrodite baka gusto mo dalawin ang bunsong kapatid mo” sabi niya at tumalikod.
Bago siya umalis nagsalita pa din siya.
“Hindi ko sasabihin kay dash ang tungkol sa anak niyo dahil wala ako karapatan pero kailangan mo sabihin Sakanya na may anak siya karapatan niya din malaman yan” sabi niya at umalis.
Gusto ko magpakita sa kapatid ko. Kahit hindi ko siya tunay na kapatid dahil magkaiba pala talaga kami ng magulang pero tinuring ko siyang kapatid kaso hindi ko talaga kaya humarap sa mga Trevino hindi ko kaya. Lalo na kay dash hindi ko kaya..
BINABASA MO ANG
NO MORE HIDING
RomanceTREVINO SERIES #2 "They don't like me. Even my own parents don't like me. nobody likes me."