Chapter 8

254 17 1
                                    

𝗕𝗘 𝗖𝗥𝗔𝗭𝗬 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗠𝗘 2 : 6 𝗬𝗘𝗔𝗥𝗦 𝗢𝗙 𝗟𝗢𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 8 | 𝗠𝗼𝗿𝗲 𝘁𝗵𝗮𝗻 𝗮 𝘀𝘂𝗶𝘁𝗼𝗿, 𝗟𝗲𝘀𝘀 𝘁𝗵𝗮𝗻 𝗮 𝗹𝗼𝘃𝗲𝗿

************************

"Xavier..."

Mabilis na tumalikod ako ng higa sa may ari ng boses na kanina pa gumigising sakin bago nagmulat.

Hindi naman talaga nanggigising ang tono ng boses nya, sinasabi nya lang iyon sa mababang tono na parang isang estudyanteng nagrereview bago ang exam. Sinasaulo ang sagot para hindi makalimutan.

Bahagya akong napapitlag nang maramdaman ko ang banayad nyang paghaplos sa likod ng ulo ko.
"Gusto kitang yakapin.." Pabulong nyang sabi.

Napalunok ako at ang dati ko nang malakas na kabog ng dibdib ay mas lalo pang lumakas.

"Baby..." Bumilis ang paghinga ko nang lumapit sya at ipalibot ang braso sakin. "I miss you..." Nagdikit ang mainit nyang pisngi at ang tenga ko.

Hindi ako gumalaw, hindi ako kumontra.
Dahil gusto ko pang madama ang tibok ng puso nya sa likuran ko. Malakas, mabilis at kulang nalang ay marinig ko ang pagkabog..

Gusto kong malaman..
Kung ako parin ba ang nandoon..

"Alam kong gising ka.." Sabi nya. Hinayaan ko syang ipihit ako paharap sakanya.

Nagtama ang mga mata namin.

Nakita ko kung paano sya napalunok habang nakatitig sa mukha ko.

Palihim akong napangisi.
Ang tapang mo kagabi, tapos ngayon para kang isang anghel na hindi kayang gumawa ng kasalanan.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong ko.

Pigil ang ngiting hinaplos nya ang pisngi ko.
"Ang gwapo mo pa rin.." Bahagyang nanlaki mga mata ko nang hawakan nya ang tiyan ko.
Agad na nagtayuan ang balahibo ko nang maramdaman ko ang malamig nyang kamay. Matagal na panahong walang humahawak sakin kaya ganon agad ang reaksyon ng katawan ko. "...at matigas parin ang abs mo." Patuloy nya na may dumaang pagkaaliw sa mga mata.

Unti-unti ay bumaba ang mukha nya.
"Gusto kong malaman kung..." Napapikit ako nang magdikit ang tungki ng mga ilong namin. "..matamis parin ba ang labi mo?"

Napamulat ako. Bago pa tuluyang lumapat ang labi nya sakin at lumabo ang isip ko ay mabilis ko na syang itinulak kahit labag iyon sa loob ko.

"Why?" Kunot noong tanong nya.

Inalis ko ang kumot ko at mabilis na umalis sa kama.
"Kailangan ko nang umuwi."

"Umuwi?? Saan? Dito ang bahay mo. This is our house." Puno ng pagtutol ang boses nya.

Napakurap ako sa huli nyang sinabi pero hindi ko na yun pinansin.
Matapos kong maisuot ang sapatos ko ay diretso na akong pumunta sa pinto.

"Xavier, ano ba?" Pigil nya saka ako hinawakan sa braso.

"Matagal na akong hindi nakatira dito."

Tumigas ang ekspresyon ng mukha nya.
"Ngayon titira ka ulit dito."

"Hindi ako titira dito." Mariin kong sabi.

Humigpit ang hawak nya sa braso ko.
"Why not? Titira ka dito at hindi ka pwedeng tumanggi."

Bahagya akong natawa.
"At bakit naman hindi?"

"Dahil kahit hindi mo aminin, alam kong gusto mo rin akong makasama." Puno ng kumpyansang sabi nya.

Ngumisi ako at inilapit ang mukha sakanya.
"Bryce Gabriel, noon hinahayaan kitang gawin ang lahat ng gusto mo. Lahat ng desisyon, lahat ng gusto mong gawin. Sakin, sa bahay, sa buhay ko." Tinapik ko sya sa balikat. "Pero ngayon, ako naman ang masusunod."

Inalis ko ang kamay nya at mabilis nang lumabas bago nya pa ako mapigilan.

Hahakbang palang ako nang makarinig ako ng mga kalabog mula sa loob.

Mahina akong natawa.
Hindi ibig sabihin tinanggap na kita ulit ay gagawin ko nang madali sayo ang lahat.

Be Crazy With Me 2 : 6 Years Of Longing (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon