Chapter 21

213 14 0
                                    

𝗧𝗵𝗲 𝗨𝗻𝗲𝘅𝗽𝗲𝗰𝘁𝗲𝗱 𝗩𝗶𝘀𝗶𝘁𝗼𝗿

***********

Isang araw matapos ang gulong nangyari sa Activity Room ay natapos rin naming i-setup ang Sports Fest. Sa tulong parin ng mga kaibigan namin lalo na ni Kiersten na hanggang ngayon ay hindi parin naaalis ang pasang iniwan ni Hey sa pisngi nya.

"Wag ko lang talagang makikita ulit yang demonyo mong kaibigan, Xavier!" Galit na sabi nya habang tinitingnan sa salamin ang sarili. Nasa tent kami malapit sa stage dahil sya ang gumawa ng theme.

"Sorry, Kiersten." Apologetic ang ngiting sabi ko.

"I'm not blaming anyone, Xavier. I'm not a minor anymore. Kaya lang ang labo nya! Alam mo bang sinuntok nya ako matapos nyang nguyain ang labi ko?!"

Napahalakhak ako, "Baka naman hindi nya nagustuhan ang lasa ng lipstick mo?"

"Ang sabihin mo, natatakot lang syang aminin na mas masarap akong humalik kesa sakanya. Ni hindi nya alam kung pano gamitin ang dila nya! What a lousy kisser!" Himutok nya. Wala si Hey ngayon matapos nyang bitawan ang Sports Fest at humingi ng 1 week leave. Inaasahan ko na yun pero hindi ko alam na gagawin nya.

"Tama na, Kier Raphael!" Natatawang sabat ni Yige na kakarating lang kasama si Bryce at sina Mico. Tinulungan nila kanina ang mga nagdeliver ng mga materials na maghakot. "Ang ingay mo ah? Epekto ba yan ng nasuntok?" Pairap na pinalo sya ni Kiersten sa lapi.

"Hey, baby." Nginitian ko si Bryce na agad tumabi sakin. Inabutan ko sya ng tissue dahil pawisan sya. "Wipe it for me, please." Aniyang inilapit sakin ang mukha. Hindi ko naman sya tinanggihan at pinunasan ang noo nya.

"By the way, matatagalan ako sa China bago ako makabalik." Sabi ni Yige na abala sa pagbihis ng T-shirt.

Rixon, "How many months?"

"Not months, bro. A year or two."

"Ganon katagal?" Tanong ko.

Tumango sya.
"Marami kasing iniwan si Dad na dapat ayusin."

"Ano ang aayusin mo?" Tanong ni Rixon.

"Business as usual."

Mico, "What kind of business? Illegal?"

"The fuck dude! Of course not. Malinis na lahat ng business ni Dad."

"Just don't be killed. Dating mafia ang daddy mo, baka hindi lang business ang iniwan nya. Baka pati kaaway." Sabi ni Bryce bago sumandal sa balikat ko.

"Thanks for the concern, dude. But just in case na may pumatay sakin dun, how about a farewell party tonight? Oblivion. My treat."

Sabay sabay namin syang sinamaan ng tingin
"Fuck you."

***********

Be Crazy With Me 2 : 6 Years Of Longing (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon