*****

235 10 3
                                    

Nang makaalis ang mga guards ay natatawang lumabas na kami ni Bryce sa pinagtataguan namin.

"Baby, tingin mo pano nila ginawa yung nangyari sakanila?" Naaaliw na tanong nya.

Umakbay ako sakanya.
"Kung paano nila ginawa, siguradong ini-imagine mo na ngayon." Napahalakhak sya.

"Pero sakanilang dalawa.. " Inilapit ko ang mukha sakanya at mahinang bumulong. "...mukhang walang makakapantay sa galing mo."

Biglang namula ang mukha nya hindi dahil sa hiya kundi dahil sa pinaghalong excitement at pagkamangha.
"Xavier, pwede bang ganyan ka nalang palagi?" Naramdaman ko ang kamay nyang pumisil sa pwet ko. "Alam mo kasi, kapag nagsasalita ka ng ganyan, kahit magdamag hindi ako mapapagod."

Pasakal na hinigpitan ko ang pagkakaakbay sakanya.
"Bakit tingin mo ba hihiga lang ako sa magdamag na sinasabi mo?"

Naubo sya at tinapik ang braso ko sa leeg nya.
"Oo." Sagot nya habang natatawa. "Kasi ayokong mapagod ka."

Tumakbo ako habang sakal parin sya.
"Bryce Gabriel, hindi mo ako madadala sa mga linya mong ganyan. Pag sinabi kong dapa, dapa!"

Lalo syang natawa at kiniliti ako sa bewang kaya nabitawan ko sya.
"Xavier Hererra, napaka wild mo naman. Tingnan natin mamayang gabi kung sino ang dadapa."

Mahina ko syang sinipa sa pwet.
"Ang lakas ng loob mo, baka nakakalimutan mo kung sino ang unang--"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil mabilis nyang tinakpan ang bibig ko.
"I know, I know. Don't remind me. Fine, fine. You're the boss, come to my bed tonight."

"Our bed." Pagtatama ko.

"That's right, our bed."

"Who's the husband tonight?"

"Me." Sinamaan ko sya ng tingin. "I mean, you of course, my husband."

Kontento akong natawa at nang aasar na ginulo ang buhok nya.
"Good boy."

Muli ko syang inakbayan at nagpatuloy sa paglakad.

"Fuck, I'm getting ripped tonight." Mahinang bulong nya na lalo ko lang ikinatawa.

*************************

Sandali akong natigilan nang pagkarating namin sa harap ng cafeteria ay may nakaipit na isang tangkay ng red rose sa doorknob.

Kinuha nya iyon at nakangiting ibinigay sa akin.
"For you."

Napangiti ako.
"Treating me like a woman?"

"Of course not. I'm treating you like..." Inangat nya ang isa kong kamay at marahang hinalikan. "..like the love of my life."

Hindi ako nakasagot at lalo lang napangiti.

May dinukot sya sa bulsa at hindi na ako nagtataka na susi iyon ng cafeteria na kahit ang mga staffs ay hindi pwedeng dalhin.

"Let's get inside." Sabi nya habang hila ako sa kamay.

Pagkapasok namin ay agad nyang ini-lock sa loob ang pinto.
"For safety purposes."

Inilibot ko ang paningin ko at biglang napakunot ang noo.

Nang huli kaming pumunta dito noong nag aayos pa kami ng Sports Fest ay naaalala kong kulay dilaw ang pintura ng mga pader. Kahit ang mga kurtina ay ganon rin. Pero ngayon ay dark at light blue na at naaamoy ko pa ang malakas na amoy ng pintura na parang hindi pa nagtatagal mula nang ilagay.

"Look at what they did. Sabi ko kay Mico, pagkatapos nilang palitan ang pintura, linisin nila hanggang sa pinakahuli-hulihang patak sa sahig. But look at those mess." Kunot noong reklamo nya habang nakatingin sa sahig.

Be Crazy With Me 2 : 6 Years Of Longing (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon