*****

224 13 2
                                    

Muli kong tiningnan ang wristwatch ko habang nagsasalita ang director ng school.

Kanina ko pa gustong sagutin ang tumatawag sa cellphone ko dahil kanina pa yun vibrate nang vibrate. At isa lang naman ang pwedeng tumawag sakin nang ganon.

Pinunasan ko ang pawis na namumuo sa noo ko.
Hindi ako takot kay Bryce pero kahit sino siguro ang makakasalubong sa nakakamatay nyang tingin ay pagpapawisan. At hindi ko pa man nakikita ay alam ko na agad na yun ang sasalubong sakin mamaya.

"Mr. Hererra, I heard aalis ka na next week." Baling nya sakin. "Kaya bago ka umalis, I want to challenge you. Gusto ko na ikaw ang humawak sa Sports Fest."

Natigilan ako at napatingin sa mga kaharap ko.
"I'm..sorry, Sir. But I don't think I can handle that. Hindi po ako mahilig sa sports.."

"Then maybe it's time na magkaroon ka ng hilig sa sports. After all, you look fit and still young. Kailangan mo lang i-organize ang event at mag isip ng mga pwedeng activities ng mga estudyante."

Pilit akong napangiti, "Thank you, Sir. But--"

"Sir, I think Mr. Hererra is the best choice." Sabat ni Hey. "Kung gusto nyo, ako nalang po ang tutulong sakanya na i-handle ang event."

Tumango-tango ang director.
"That's a good idea. You're a P.E teacher, siguradong marami ang matututunan sayo ni Mr. Hererra."

"I agree, Sir." Sagot nya.

Wala na akong nagawa kundi ang itikom ang bibig ko.

Matapos ang lagpas isang oras na pag uusap ay pumihit ako agad palabas ng pinto.
"Xavier." Tawag sakin ni Hey. Walang emosyong nilingon ko sya.

Naglahad sya ng kamay at ngumisi, "For our partnership."

May pagmamadaling tinanggap ko iyon at mabilis nang lumabas.

Pagkarating ko sa gate ay ganon nalang ang pagkadismaya ko nang makita kong wala na si Bryce kahit pa nga inaasahan ko na yun.

Kinuha ko ang cellphone ko at biglang napalunok nang makita ang 25 missed calls nya at isang text na nakasulat sa malalaking letra,

"I SAW THAT."

Be Crazy With Me 2 : 6 Years Of Longing (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon