******

246 15 1
                                    

Naglakad kami papunta sa cashier at nagbayad.
"Mag CR lang ako. Wait for me outside." Tinanguan ko si Hey at lumabas na. Kumuha ako ng yosi sa bulsa ko at pumunta sa likuran ng coffee shop.

"So that's your new boyfriend."
Lumingon ako at nakita si Bryce na nakahalukipkip habang nakasandal sa pader.

Hindi ko agad naalis ang tingin sakanya. Ngayon ko lang ulit sya natitigan nang malapitan matapos ang anim na taon.
Nang walang halong alak o hangover.
Wala akong masabi sa itsura nya. Hindi na ako magtataka kung sasabihin nyang iba ibang babae ang kasama nya araw araw.

Bago pa lumambot ang puso ko ay nag iwas na ako ng tingin at pinagpatuloy ang pagyoyosi.
Hindi ko sya pinansin kahit ramdam ko ang nakakamatay nyang titig sa likuran ko.

"That guy from Baguio, huh." Narinig ko ang paghakbang nya palapit sakin. "Tell me, Xavier, " Kumuha rin sya ng sigarilyo at nagsindi. "Gusto mo na ba sya noon pa?"

Nagtagis ang panga ko at pinigilan ang sarili na sapakin sya.

"Tell me, masaya ka ba nung umalis ako ha?!"
Nalaglag ang hawak kong sigarilyo nang hablutin nya ako sa braso. "Masaya ka ba?!"

Nanlaki ang mga mata ko sa galit pagkarinig sa tanong nya at malakas na sinuntok sya sa pisngi.
Tumaas baba ang dibdib ko sa lakas ng paghinga maging ang kamay ko ay nanginginig na kung pwede ko lang syang gulpihin ay ginawa ko na

Paano nya naitatanong sakin ang lahat ng yan?

Ngumisi sya, "Malakas ka parin, Xavier." pinunasan nya ang dugo sa gilid ng labi nya at idinura ang natira sa bibig. "Pero mukhang mas malakas ang lalaking kasama mo sa loob." Parang lason ang lumalabas sa bibig nya na unti-unting pumapasok sa sistema ko at nagpapadilim sa paningin ko.

Napamura ako nang itulak nya ako sa pader at mahigpit na hawakan sa kwelyo.
"Sabihin mo nga, nakuha nya na ba ang hindi ko kinuha sayo noon? NAPUTOL NYO NA BA ANG SUMPA SA BAGUIO!?" Malakas na sigaw nya na kung may makakarinig ay siguradong matatakot at tatakbo nalang paalis

Itinulak ko sya nang malakas.
"Wag na wag mo akong sisigawan at tatanungin na parang ako ang may kasalanan!" Bulyaw ko.
Matalim ang mga matang lumapit ako sakanya at ngumisi, "Pero tama ka, naputol na nga namin ang sumpa sa Baguio. Pero ano naman? Ha, Bryce? Wala kang karapatang magreklamo o sumbatan ako!" Tinulak ko sya sa balikat. "Kasi ikaw naman ang unang nang iwan!"

Lumambot ang ekspresyon ng mukha nya at napalitan ng sakit.
Nag iwas ako ng tingin at tinalikuran sya.

"Hindi mo alam kung gaano yun kahirap!" Malakas na sabi nya

Bumalik ako at sya naman ang hinablot sa kwelyo, "PINILI MONG HINDI YUN IPAALAM SAKIN! Kaya bakit parang kasalanan ko pang wala akong alam?!" Sigaw ko sa mukha nya saka huminga nang malalim, binitawan sya at dinuro, "Wag kang umasta na parang ikaw lang ang nasaktan, kasi hindi mo alam kung ano ang pakiramdam na iwan nang walang paalam."

Hindi sya umimik.
Ilang sandali kaming nagsukatan ng tingin. Kasing sakit ng mga salitang binitawan sa isa't isa ang sakit na makikita sa mga mata namin.

"Kasalanan mo ang lahat ng 'to. Kasalanan mo kung bakit nawala ako sayo." Mariin kong sabi at tuluyan nang tumalikod at naglakad pabalik sa coffee shop. Sinalubong ako ni Hey at walang imik na sumakay sa kotse nya.

"Rinig kayo hanggang dito." Aniya. Pinaandar nya na ang makina at nilingon ako. "If you need someone to talk to, I'm just here."

**********************

Be Crazy With Me 2 : 6 Years Of Longing (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon