"Baby, I'm hungry." Sabi nya pagkapark namin ng kotse nya sa harap ng bahay.
"Sabihin mo nga, kailan ka huling kumain?"
Kanina ko pa napapansin na matamlay sya at mukhang walang maayos na tulog.Sumandal sya sa balikat ko.
"Nung umalis ako sa bahay. Tingin mo ba magkakaroon ako ng ganang kumain?" Tumingala sya sakin.Marahan ko syang tinampal sa pisngi.
"Tapos uminom ka ng marami na walang kain?" Tumango sya.Lukot ang mukhang iniwas ko ang balikat ko kaya naalis ang pagkakasandal nya.
"Bahala ka nga dyan.""What?" Natatawang tanong nya saka ako malambing na hinawakan sa braso.
Tinampal ko ang kamay nya.
"Tingin mo ba pag nagkasakit ka aalagaan kita?""Oo." Nakangising sagot nya.
Kinunutan ko sya ng noo at nag akma ulit lalabas nang pigilan nya ulit ako sa braso.
"Feed me then. Ease my hunger.""Sa loob. Ipagluluto kita ng pagkain." Mabilis na sabi ko
Lumawak ang ngisi nya saka dahan dahang dumukwang papunta sa harapan ko.
"What food?" Tanong nyang nakatingin sa mga labi ko. "I've been craving for something I cannot swallow but I can definitely taste with my mouth."Napapalunok na nag iwas ako ng tingin at mariing hinawakan ang kamay nyang humawak sa pisngi ko.
"N-nasa harap tayo ng bahay." Mahinang saway ko
"Hindi kita marinig. Pakiulit." Nakangisi paring sabi nya habang sinasadyang inilalapit ang mukha sakin.
Tumikhim ako.
"Baka..makita tayo ni..mama.""Don't worry. My car is heavily tinted." Rinig ko ang pang aasar sa boses nya. "Pero hindi ba mas okay kung makikita nya tayo? Kaya nga tayo nandito para sabihin sakanya ang tungkol sa atin."
Nahigit ko ang paghinga ko at mahigpit na napahawak sa kwelyo nya nang dampian nya ako ng magagaang halik sa mga labi.
Itinukod nya ang kaliwa nyang kamay sa gilid ng upuan ko habang ang isa naman ay nasa likuran ng ulo ko.
"Kailangan ko lang ng ilang minuto para mabusog. Hindi mo na kailangang magluto." Nakangising sabi nya bago inilapit ang mukha sa akin at may panggigigil na siniil ako ng halik.
At hindi nga sya nagbibiro dahil inabot ng kalahating oras ang "pagkain" nya bago nya ako tinigilan at nagdesisyong pumasok na sa bahay.
"Sir Xavier, bakit po namumula ang labi nyo sa katirikan ng araw?" Nang aasar na tanong nya nang papasok na kami sa gate. "Masyado po bang mainit?" Lapit nya sakin
Napapangiting sinipa ko sya.
"Hindi ka titigil?"Natawa sya saka pabagsak na isinandal ang ulo sa balikat ko at parang batang yumakap sakin.
"Xavier, I love you so much I could go insane."Masuyo akong natawa at pinisil sya sa pisngi.
Ako din.
**********
( To Be Continued )
BINABASA MO ANG
Be Crazy With Me 2 : 6 Years Of Longing (COMPLETED)
RomansThis is the continuation of Bryce and Xavier's story after 6 years of separation..