****

191 12 2
                                    

𝗪𝗵𝗲𝗻 𝗧𝘄𝗼 𝗠𝗼𝘁𝗵𝗲𝗿𝘀 𝗖𝗼𝗹𝗹𝗶𝗱𝗲 𝗣𝗮𝗿𝘁 1

*********

"Xavier, akala ko ba may interview ka bukas?"

Kinuha ko ang tubig at uminom.
"Next week pa po yun, ma."

Ang alam nya ay nag apply ako sa isang company matapos ang kontrata ko sa University.

"Bakit ka nandito? Hindi mo sinamahan si Bryce?"

Hindi ako umimik at pinagpatuloy ang pagkain. Ilang oras na rin kaming hindi nagkakausap ni Bryce mula nang magpumilit akong umuwi dahil sa mama nya. Gabi na at hindi ko alam kung ano na ang ginagawa nya at kung ano na ang napag usapan nila.

Gusto ko syang puntahan pero hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob.

"Xavier." Untag nya sakin

"Nasa condo kasi ang mommy nya, ma. Kaya umuwi muna ako dito para magkaroon sila ng privacy."

"May problema ba kayo ni Bryce?"

Mabilis akong umiling.
Hindi nya alam ang tungkol saamin hanggang ngayon. At hindi ko alam kung kailan ko pa yun masasabi sakanya lalo na at hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nya. Kung kagaya ba ng reaksyon ng mama ni Bryce o baka mas malala pa.

"Kung wala, bakit nga nandito ka?"

Doon na kumunot ang noo ko.
"Ma, ayaw nyo na po bang nandito ako?" Pabiro kong tanong. Pinilit kong ituon ang pansin ko sa pagkain.


"That's not what I mean, Xavier."

Dahan dahan akong sumubo habang sinusundan sya ng tingin.

"Fighting without fixing it, is not good. That will ruin your relationship."

Bahagya akong napatikhim at uminom ng tubig. Ano kaya ang... nasa isip nyang relasyon namin ni Bryce? Bigla ay gusto kong malaman.
"Hindi po kami nag away ni Bryce, ma. Ayoko lang talaga na makaistorbo sakanila ng mommy nya. Lalo pa at hindi naman kami magkakilala."

"Kung hindi kayo nag away, bakit hindi ka parin nya sinusundan dito? Ang alam ko, hindi sya nakakakain nang wala ka."

Nag iwas ako ng tingin at hindi sumagot.
Sa tuwing umuuwi kasi ako dito mula nang magkabalikan kami ni Bryce, hindi lumilipas ang isang oras pagkarating ko na wala pa sya para sundan ako o sunduin. Ang lagi nyang dahilan ay ako ang taga luto saming dalawa at hindi sya sanay na mag take out ng pagkain.

"Baka busy lang, ma. Baka namasyal kasama ang mommy nya."

"At this hour?" Hindi kumbinsidong tanong nya.

Natawa ako.
"Ma, ano po bang ibig nyong sabihin?" Kanina pa may laman ang mga sinasabi nya.

"Nagtataka lang ako na nandito ka at hindi nakasunod si Bryce." Ngumiti sya. "Hindi ko pa ganon katagal na kilala ang kaibigan mo, but I can see that he's a very aggressive person." Makahulugang sabi nya bago pumunta sa kusina.

Ilang sandali akong natahimik.
Kumain na kaya sya?

Tumingin ako sa cellphone ko na wala paring tawag ni Bryce. Hindi nya yun normal na ginagawa. Kapag hindi kami magkasama, bawat pagtingin ko sa cellphone ko ay may missed call o message sya.

"Xavier."

Napaangat ako ng tingin.

"If you want to say something, don't hesitate to say it. I'm just waiting."

***************

( To Be Continued  )

Be Crazy With Me 2 : 6 Years Of Longing (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon