Chapter 10

272 14 2
                                    

𝗧𝗵𝗮𝘁 𝗴𝘂𝘆 𝗳𝗿𝗼𝗺 𝗕𝗮𝗴𝘂𝗶𝗼

********

"Kayo na ulit ni Bryce?" Tanong ni Hey nang minsan ay magkita kami sa cafeteria ng school.

Tipid ang ngiting tumango ako.

"So my role as your fake boyfriend is finished." Sumipsip sya sa juice na hawak nya habang matamang nakatitig saakin.

"Hindi naman tayo nagpanggap." May halong ilang na tawa ko. Si Hey ang tipo ng tao na kahit walang ginagawa ay maiilang ka. Lalo na kapag ganito kaseryoso ang mukha nya.

Sandaling lumamig ang tingin nya.
"Because I want it to be real." Napawi ang ngiti ko at napakunot noo. "Just kidding." Mabilis na bawi nya.

Tumaas ang gilid ng labi ko at kumagat sa pizza na inorder ko.

"Why him?"

Napatingin ako sakanya habang dahan dahang ngumunguya.
Seryoso ang mga mata nya pero may tipid na ngiti sa mga labi.

"After all these years, bakit sya parin?"

Huminga ako nang malalim at ibinalik ang pizza sa plato.
Sa ingay ng paligid, sa dami ng tao, at sa nakakailang na mga matang nasa harapan ko, bigla ay napuno ng mukha ni Bryce ang isip ko.

Awtomatiko akong napangiti.
"Hindi ko alam."

Hindi dahil wala akong dahilan. Pero dahil sa sobrang dami ng dahilan, hindi ko na alam kung ano unang sasabihin. Bryce is a mere perfection. Kung isasali sya sa isandaang tao na may kaparehong mukha, siguradong makikilala ko parin sya at kung papipiliin ako ng gustong makasama sa isang malayong isla, kahit walang pagkain, siguradong mabubuhay kami kung sya ang kasama ko.
He's rare, very rare.

"Nang makita kita 6 years ago, I was stunned.
You were so handsome." Muling nabaling sakanya ang atensyon ko. Nakangisi sya, "Pero pinigilan ko ang sarili ko kasi may boyfriend ka.."

Napatikhim ako nang humalumbaba sya at tinitigan ako.
"6 years later, we met again. What a nice coincidence. Kasi single ka na.."

"Hey-"

"Pero biglang taken ka na naman. Hindi pa man ako nagsisimula." Umayos sya ng upo at humalukipkip. "Hindi ako naniniwalang ganon mo parin sya kamahal, Xavier."

Huminga ako nang malalim. Hindi ko na nagugustuhan ang tinatakbo ng sinasabi nya.

"And I can prove that to you."

"Hey, wala kang kailangang patunayan kasi-"

"That guy will leave you again. Trust me, I know." Mariing sabi nya. "Anong gagawin mo? Kapag nagising ka ulit na wala na sya sa tabi mo? Maghihintay ka ulit? Tapos babalik sya. He's going to fix you and then break you again?"

Hindi ako umimik at tumingin lang nang diretso sa mga mata nya. Umaasang tumigil na sya at bawiin ang mga sinabi nya.

"I don't really believe in fate. Not until I met you again.."

Umiwas ako ng tingin.
Narinig ko ang marahan nyang pagtawa at ang sunod nyang sinabi na nagdulot ng pagkalito sakin, "I like you, Xavier. I like you so much that I want to steal you away from your boyfriend."

Be Crazy With Me 2 : 6 Years Of Longing (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon