*****

196 13 0
                                    

"Cheers?" Puno ng alak ang baso nyang inilapit sakin.

Natawa ako.
"Masyado ka namang nasarapan sa alak, Bryce Gabriel." Uminom ako at pinuno ang bibig bago iyon nilunok.

Magkatabi kaming nakaupo sa mahabang sofa.
Nakapatong ang mga paa nya sa center table habang ako ay nakatukod sa tuhod ang mga braso.

Napatingin ako sa kamay nya nang humimas iyon sa lapi ko.
"Hindi lang naman sa alak ako nasarapan.." Sabi nya sa mahinang boses, kaswal pero may ibig sabihin.

Sumimsim ako sa baso ko at pilit na inaalis ang pansin sa kamay nya.
Ang init na nagmumula roon ay unti unting tumatagos sa balat ko.

Sumandal sya sa sofa habang iniinom nang pakonti-konti ang laman ng baso nya. Ang malamlam na liwanag ng ilaw sa sala ay lalo lang nagpadagdag sa sensual na itsura ni Bryce.
"Come here."  Tapik nya sa balikat nya. "Come closer." Pabulong na usal nya.

Sinunod ko ang gusto nya at isinandal ang halos kalahati ng katawan sakanya.
Agad kong nalanghap ang amoy ng alak sa hininga nya. Na kapag naaamoy ko sa bibig nya ay awtomatikong umiinit ang katawan ko na para bang doon ako mas nalalasing.

"Baby..." Anas nya sa tenga ko. "Can you do it again?"

Lumingon ako sakanya pero dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa ay halos mahalikan ko na ang pisngi nya.

"Alin?"

"This."
Uminom sya ng alak at inangat ang mukha ko. Naintindihan ko ang ibig nyang sabihin kaya agad kong ibinuka ang bibig ko nang lumapat ang mga labi nya sakin. Lumipat sa bibig ko ang mainit na likidong galing sa bibig nya.

Diretso ko iyong nilunok habang nakatingin sa mga labi nyang basa pa ng alak.

"Want more?" Malat ang boses na tanong nya.

Umiling ako at hinawakan sya sa leeg.
"No..." Pumaikot ang kamay ko papunta sa likod ng batok nya. "All I want is a chaser."

Bahagya syang natawa nang kabigin ko sya.
"Let me give it to you then."

Dahan-dahan nya akong itinulak pahiga sa sofa.

Nasa magkabilang gilid ng binti ko ang mga tuhod nya habang nakadiin ang isa nyang kamay sa balikat ko.
"I miss this.."

Sinundan ko ng tingin ang bawat pag galaw nya.
Ang mabagal nyang paglapit sakin na bumuhay sa pagkasabik ko.

Humaplos ang mainit nyang kamay sa leeg ko.
"Baby, I missed touching you.." Gumuhit ang tipid na ngisi sa labi nya. Gumalaw ang lalamunan nya tanda ng mariing paglunok, lumamlam ang mga mata at umawang ang mga labi habang pababa ang kamay sa tiyan ko.

"Hmmm.." Bahagyang bumagal ang paghinga ko nang ipasok nya ang kamay sa T-shirt ko at mabagal na humimas sa dibdib ko.

Napapikit ako at nagtagis ang mga ngipin dahil sa pagkainip.

"Want more?" Ulit nya sa tanong nya kanina na kahit hindi ako magmulat ay alam kong nakangisi sya at naaaliw tingnan ang pagkainip sa mukha ko.

********

( To Be Continued )

Be Crazy With Me 2 : 6 Years Of Longing (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon