*****

175 11 0
                                    

"Are you okay?" Tanong ni Bryce nang malapit na kami sa Forbes Building.

Mahigpit na hinawakan ko ang strap ng seatbelt ko.
"Kinakabahan ako."

"Don't be. I'm here."
Inabot nya ang kamay ko habang nakatingin sya sa kalsada.

Tumango ako at bumuga ng hangin.
Pagkapark namin ay hindi agad ako naglakad at sandaling pinahupa muna ang panlalamig ng kamay ko sa kainitan ng panahon.

"Are you okay now?" Masuyo nyang tanong saka inayos ang gusot sa damit ko. "Relax, baby. My mother is a beast but I won't allow her to touch even the tip of your hair."

Bahagya akong napangiti at muling humugot ng malalim na hininga bago ko hinawakan ang kamay nya.
"Tara na."

Tumango sya at sabay na kaming naglakad papasok sa building.

Nang nasa elevator na kami ay mabilis nya akong hinapit sa bewang at ipinatong ang baba sa balikat ko.
"My baby is very nervous."

"That's because I'm meeting my future mother-in-law."

Napangiti sya.
"That's my line."

"But you're mine."

Natawa sya at ginulo ang buhok ko.
"Always."

Nang bumukas ang elevator ay muling bumalik ang kaba ko lalo na nang bumungad ang pinto ng condo nya.

"Don't let go of my hand. Do you hear me?" Seryosong tanong nya.

Tipid ang ngiting tumango ako kahit gusto kong matawa dahil gaya ng dati, may nakita na naman akong takot sa mukha nya.

Biglang lumambot ang puso ko.
Pinapalakas nya ang loob ko kahit pati sya ay kinakabahan rin.

Nang pindutin nya ang doorbell ay mahigpit kong pinisil ang kamay nya.
"Tingin mo magagalit ulit sya sakin?"

"Yes." Diretsong sagot nya na tinawanan ko nalang bago bumukas ang pinto at bumungad ang walang ekspresyong mukha ni Mrs. Gabriel.

"Ma." Bati ni Bryce saka humalik sa pisngi nito.

Hindi ito sumagot at walang salitang tinapunan ako ng tingin. Napalunok ako at nadama ang pamumuo ng pawis sa noo ko.
"Come in." Walang kangiti-ngiting sabi nito na kung makikita ng iba ay mas pipiliing huwag nalang pumasok.

**************

( To Be Continued )

Be Crazy With Me 2 : 6 Years Of Longing (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon