𝗪𝗵𝗲𝗻 6 𝘆𝗲𝗮𝗿𝘀 𝗳𝗲𝗲𝗹𝘀 𝗹𝗶𝗸𝗲 𝘆𝗲𝘀𝘁𝗲𝗿𝗱𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗱 𝗽𝗮𝗶𝗻 𝗳𝗲𝗲𝗹𝘀 𝗹𝗶𝗸𝗲 𝗵𝗲𝗹𝗹...
**
"Xavier, right?" Salubong saamin ng isang lalaking puro itim ang suot na kung hindi lang umuusok ang sigarilyong nasa bibig nya ay hindi ko makikita.
Tumango ako at tumingin kay Hey na abala sa pagtingin sa paligid. Pamilyar ang lalaki pero hindi ko alam kung saan kami unang nagkita.
"I'm Jasper. Member of Nostalgia." Nilahad nya ang kamay na agad kong tinanggap.
Napatango-tango ako. Ngayon alam ko na kung saan, maaaring sa TV o sa isang event ko sya nakita at kung member nga sya ng Nostalgia ibig sabihin isa sya sa may ari ng Oblivion. "Pinapunta ako ni Yige. Nasa loob na sya." Tinapunan nya ng tingin ang likod ko at tinanguan si Hey. "I thought you're alone.."Tinapik ko si Hey.
"Ah, hindi ko na nasabi. Biglaan rin kasi. Kailangan ba naming magbayad?" Tanong ko na tinawanan nya"Of course not. You're a friend at nakapunta ka na rin dito noon, diba?" May dumaang kung ano sa mga mata nya na hindi ko nalang pinansin.
Tumikhim ako.
"Yeah. Pero matagal na yun. Pwede na ba tayong pumasok?""Sure." Inapakan nya ang sigarilyo at sinensyasan kaming sumunod sakanya.
Gaya ng dati, ilang pintuan parin ang dinaanan namin bago makapasok sa loob, mas dumami nga lang ngayon ang mga bantay at pansin ko rin na mas lumaki at mas nagmukhang mamahalin."Hindi ko alam na pumapasok ka dito." Bulong ni Hey sa likod ko.
"Bakit ano ba ang tingin mo sa Oblivion?"
"Alam mo na kung ano."
Natatawang napailing ako.
Ganyan din ako noon. Akala ko dati ay hindi disenteng bar ang Oblivion."Here's your key card. VIP room number 3." Sabi ni Jasper at inabot sakin ang susi. Bago nya buksan ang huling pinto ay tinapik nya ako sa balikat. "Nice meeting you again, Xavier."
Bahagyang kumunot ang noo ko pero agad ring nawala nang buksan nya na ang pinto at lamunin kami ng nakakabinging tugtog mula sa loob.
"Hey!" Sigaw ko sakanya nang makitang naharangan sya ng ibang sumasayaw. Imbes na bumalik pa ay itinaas ko nalang ang susi at sumenyas na sumunod nalang sya.Nakipagtulakan ako, nakipagmurahan at nakipagsiksikan makalagpas lang sa dance floor. Hindi ko alam kung bakit doble ang dami ng mga tao ngayon.
"No biting, no biting!"
Sa gitna ng pakikipagsiksikan ay sandali akong natigilan nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.
"Dude, hurry up!" Sigaw ng tao sa likuran ko kaya wala akong nagawa kundi ang magpatuloy at tuluyang makalabas sa gitna ng napakaraming tao.
Hinintay ko pa sandali si Hey pero nang ilang minuto na wala parin sya ay hinanap ko na ang VIP room na hindi naman ako nahirapang hanapin dahil hindi iyon nalalayo sa kinatatayuan ko.
Itinapat ko sa digital lock ng pinto ang susi na agad bumukas.
Bahagya akong napapikit sa liwanag na galing sa loob.
Nakalimutan ko, pipikit nga muna pala dapat bago pumasok.
Nag aadjust palang ang paningin ko nang biglang may sumakay sa likuran ko na muntik ko pang ikatumba.
"Xavier! You motherf--!"Natawa ako at agad syang niyakap.
"Kiersten." Bigla ay lumambot ang puso ko sa mahigpit nyang yakap. Ilang taon ko nga ba syang hindi nakita? Halos anim na taon. Pero gaya ng dati, her presence is still the warmest."You ghosted me! Demonyo ka ba ha?!" Naiiyak na sabi nya na lalo ko lang ikinatawa.
Tinampal ko ng mahina ang pisngi nya at inakbayan sya.
"Namiss kita." Mabilis na sinuyod ko sya ng tingin. Kumpara dati, mas sexy ang damit nya ngayon. "You look great."Ngumuso sya at iginiya ako sa upuan.
"How are you? Bigla ka nalang nawala. You didn't even contact us.""Wala namang nagbago sakin. Dating Xavier parin." Kaswal na sabi ko na sadyang hindi pinansin ang huli nyang sinabi. "Wala kang kasama? Si Yige nasaan? Sina Mico?"
Matapos kong banggitin ang mga pangalan ay biglang bumukas ang pinto at pumasok si Yige na may bitbit na apat na bote ng alak.
"XAVIER!" Malakas na sigaw nya. Mabilis nyang inilapag ang mga bote at tumalon sakin. "Gago ka, kung hindi pa kita tinext hindi ka magpapakita!" Sinakal nya ako gamit ang braso nya pero agad rin akong binitawan. "Grabe, ilang taon rin ba?"
Kung dati ay kulay puti ang buhok nya, ngayon ay balik na iyon sa itim na lalong bumagay sakanya.Ngumiti ako.
"6 years."Sandaling may dumaang katahimikan saamin na para bang bigla ay pare-pareho kaming naiisip ng dahilan kung bakit hindi kami nagkita kita ng anim na taon.
"Why's everyone so quiet?" Sabi ng boses na bumasag sa katahimikan. Sabay sabay kaming napatingin doon at nakita si Mico na kasunod si Rixon. "May lamay ba?" Natatawang tanong ng huli.
Agad kaming tumayo at niyakap ang mga bagong dating.
"Missed you, brother." Ani Rixon na lalong gumwapo at tumangkad."Long time no see, Xavier." Tipid ang ngiting sabi ni Mico matapos bumitaw sakin.
Wala sa sariling nagbiro ako habang natatawa, "Mukhang hindi umipekto sainyo ang sumpa sa Baguio."
Sabay na tumaas ang mga kilay nila saka nagkatinginan. Doon ko lang naisip ang sinabi ko at binatukan ang sarili sa isip, "A-ah, mabuti pa uminom nalang tayo." Pag iiba ko sa usapan.
Muli ko silang tinapunan ng tingin.
Gaya ng dati ay mahal parin nila ang isa't isa.Hindi umepekto sakanila. Nice.
****************
"So you're a teacher?" Tanong ni Mico.
Tumango ako.
"Sa school ko rin. Substitute teacher.""Xavier, are you still single?" Tanong ni Yige habang nagsasalin ng alak sa mga baso namin. "Here try it." Binigay nya sakin ang basong may pulang likido.
Diretso ko iyong nilagok at agad na nagsisi dahil sa sobrang pait at hapdi sa lalamunan. Napaubo ako. "Bro, akala ko ba alak? Di mo sinabing lason."
Natawa sina Kiersten.
"Uy, na-deepthroat""Deep throat?" Maang kong tanong.
"That's my specialty. Yung ininom mo ay may 20% alcohol content. Masakit sa lalamunan, kaya nga deepthroat ang pangalan." Nakangising sabi ni Yige.
Napailing ako.
Gaya parin sya ng dati.Lumipas ang oras at wala kaming ibang ginawa kundi ang uminom, magkwentuhan at sulitin ang anim na taong hindi pagkikita. Kahit minsan ay walang nagbanggit sa nag iisang kulang saamin.
Nakailang baso ako ng deepthroat hanggang sa gumaan na ang ulo ko at nagsimulang maging dalawa ang tingin ko sa isang basong hawak ko.
"Xavier, my boy. Hindi mo pa nasasagot ang tanong ni Yige.." Akbay sakin ni Kiersten, "Are you still single?"
Bahagya akong natawa.
"Imposibleng oo, you're very handsome." Ani Rixon na tinanguan ni Mico. "Pwera nalang kung may hinihintay." Nakangising sabi nya.
Napako ang tingin ko sa basong hawak ko at sa lasing na boses, "Hinihintay? Sino? Yung sinasabi nyo ba, gusto rin akong maghintay? Nakakausap nyo sya diba? Buhay pa ba o baka naman patay na?" Mapait akong tumawa. "Wala akong hinihintay. Hindi ako single. Meron akong boyfriend." Diretsong sabi ko na kahit ako ay hindi alam kung sino. "Narinig nyo ba? BOYFRIEND, bro." Ininom ko ang pulang alak.
"Congratulations."
Parang iisang taong lahat kami ay napatingin sa malakas na bumukas ng pinto at nagsalita.Nabitawan ko ang hawak kong baso at pakiramdam ko ay biglang nawala ang pagkalasing ko nang makita ko ang mukha...na anim na taon kong hindi nakita.
BINABASA MO ANG
Be Crazy With Me 2 : 6 Years Of Longing (COMPLETED)
RomanceThis is the continuation of Bryce and Xavier's story after 6 years of separation..