𝗫𝗔𝗩𝗜𝗘𝗥 𝗣𝗢𝗩
"Watch out!" Sa paglingon ko kay Nani ay ang malakas na pagtama ng bola sa mukha ko. Nakangiwing napadaing ako nang agad na namanhid ang pisngi ko.
"Sorry, bro!" Nag aalalang lapit nya.Sumalampak ako sa sahig ng court habang sapo ang pisngi.
"Okay lang. Ako naman ang hindi tumitingin."Inaya ko syang maglaro dahil akala ko ay alam nya kung ano na ang nangyari kay Bryce pero wala naman akong napala. Ilang araw na rin silang hindi nagkikita.
"Tubig." Aniya. Kinuha ko iyon at uminom.
"Look at you, halos dalawang araw palang kayong hindi nagkikita para nang katapusan ng mundo mo."Napapabuntong hiningang napahimas ako sa ulo at ipinatong ang magkabilang siko sa mga tuhod. Buong isang araw ko nang hindi ma-contact si Bryce. Akala ko kapag nakapag usap na sila ng mama nya ay tatawagan nya na ako pero kahit text wala.
"Gusto ko lang syang makita, bro. Alam mo yun, kakabalik nya lang sakin tapos heto na naman..""Magtiwala ka nalang kay Bryce. Kasi isa lang naman ang masisigurado ko sayo." Tinapik nya ako sa balikat. "Sobrang mahal ka nun."
Napabuga ako ng hangin.
Habang lumilipas ang oras ay lalong nadadagdagan ang takot ko na baka maulit ang nangyari noon.
Baka umalis na naman sya nang hindi nagpapaalam sakin.
Baka pagbalik ko sa condo, hindi ko na naman sya maabutan.Fuck, tingin nya ba mapapatawad ko pa sya kapag ginawa nya yun ulit?
Tingin nya ba matutuwa pa ako sakanya at sasalubungin lang sya ng suntok tapos okay na ulit kami?"Bro, sagutin ko lang." Tukoy nya sa cellphone nyang kanina pa nagri-ring sa bag. Tumango ako at tumayo.
Kinuha ko sakanya ang bola at makailang beses na nag-shoot. Hindi iyon pumapasok sa ring at panay lang ang tama sa backboard dahil wala roon ang isip ko.
Pabalyang tinapon ko ang bola at mabigat ang paghingang ginulo ang buhok.
Bryce Gabriel, alam kong tanga ako pagdating sayo. Pero hindi ko sinabing pahirapan mo ulit ako.
"If you want to shoot it, shoot it properly."
Natigilan ako pero agad ring natawa nang bahagya dahil sa pamilyar na boses na nagsalita.
Tama si Nani.
Isa't kalahating araw palang kaming hindi nagkikita pero para nang katapusan ng mundo ko. Pati boses nya, naririnig ko na.Naglakad ako palapit sa bola at akmang kukunin iyon nang muling magsalita ang boses.
"Now you're ignoring me. Hindi mo man lang ba ako namiss?"
Marahas akong napatingin sa may ari ng boses.
Agad na sumilay sa mga labi nya ang pamilyar na ngisi na matagal tagal ko ring hindi nakita.
Nakatayo sya ilang dipa mula sa likuran ko, suot ang jacket na naiwan ko bago ako umalis. Nakangiti sya pero malamlam ang mga mata.
Agad na bumilis ang tibok ng puso ko at hindi na nagdalawang isip na lumapit sakanya nang ibuka nya ang mga braso nya para sakin.
"Bryce Gabriel."
Hinigit ko sya at mahigpit na niyakap."Xavier.."
********************
"Iniwan mo ang mama mo?" Kunot noong tanong ko nang sabihin nya na noong isang araw pa sya hindi umuuwi sa condo at sa Oblivion sya natulog kagabi. Amoy ko pa nang bahagya ang alak sa katawan nya.
Nasa court parin kami pero si Nani wala na dahil sa biglang tumawag sakanya.
"Look, ayaw ka nyang tanggapin. So I had no choice but to leave her." Matigas nyang sabi
Hinawakan ko sya sa pisngi at pilit na pinaharap sakin.
"Pero lalo mo lang syang ginagalit, Bryce. Baka lalo nya lang hindi matanggap ang relasyon natin.""I don't care! I'd rather lose her than leave you." Puno ng determinasyon ang boses nya
Kung hindi mama nya ang pinag-uusapan, baka kanina pa ako natuwa sa mga sinasabi nya.
Ginagap ko ang kamay nya.
"Bryce, kaya kitang ipaglaban sakanya. Pero hindi ko sinabing iwanan mo sya para sakin.""Then what do you want me to do?! Leave you?" Mariin nyang pinisil ang kamay ko. "That. I won't do that."
"Bryce Gabriel."
"What? You want me to stay but now you're pushing me away?" May dumaang sakit sa boses nya, na parang hindi ganito ang inaasahan nyang reaksyon ko sa pagpunta nya dito.
"I'm not pushing you away! Hindi mo ba nakikita? Mama mo yun, ano nalang ang iisipin nya sakin kapag nalaman nyang nandito ka matapos mo syang iwan?"
"I'm choosing you."
"Bryce..."
"I know. You want me to go home. Gusto mong ayusin ko 'to. Gusto mong bumalik ako dun, you want me to apologize to her, but you know what? I won't do any of that!"
"Kung hindi mo yun gagawin, anong gusto mong gawin? Gusto mo bang puntahan pa tayo ng mama mo dito at pilitin ka nyang bumalik?"
Nag iwas sya ng tingin habang mahigpit ang hawak sa kamay ko.
"All I want is to stay with you, Xavier. That's all I want to do."Hindi ako nakaimik.
Ang makita sya sa ganitong estado ay masakit para sakin. Alam ko na saaming lahat, sya ang naiipit sa nangyayari. Kahit sabihin nyang handa syang iwan ang mama nya para sakin, alam ko na nasasaktan rin syang sabihin yun. At hindi ko kayang nakikita syang nahihirapan dahil sakin.Walang salitang kinabig ko sya at niyakap.
Kung hindi kami matatanggap ng mama nya, sisiguraduhin kong matatanggap kami ni mama.
"Alam ko. Kasi yun rin ang gusto ko. Pero lalo lang madadagdagan ang problema kung hindi natin sya haharapin."
Lumayo ako at hinawakan sya sa magkabilang pisngi.
"Sa ngayon, ikaw muna ang humarap sa mama ko."****************
( To Be Continued )
BINABASA MO ANG
Be Crazy With Me 2 : 6 Years Of Longing (COMPLETED)
RomanceThis is the continuation of Bryce and Xavier's story after 6 years of separation..