*****

192 12 1
                                    

𝗫𝗔𝗩𝗜𝗘𝗥 𝗣𝗢𝗩

*****
Nang magising ako kinaumagahan ay agad kong tiningnan si Bryce na tulog parin sa tabi ko.

Alas kwatro na ng hapon pero dahil halos sumisikat na ang araw nang matulog kami kaya halos ayaw ko pang magmulat ng mga mata. Bahagya pang kumirot hindi lang ulo ko, kundi pati ang isa ko pang ulo dahil sa nangyari kagabi.

Maingat akong tumagilid paharap sakanya.
Banayad ang paghinga nya pero alam kong gising na sya.

Umusog ako at marahang hinaplos ang buhok nya.
"Bryce.."

Hindi sya sumagot pero bahagya syang gumalaw.

Kagabi alam ko na kayang kaya nya akong pigilan at kaya nyang tumanggi pero hinayaan nya lang akong gawin ang gusto ko.

Ngayon ako nagsisisi dahil hindi ko alam kung may saya ba syang naramdaman habang ginagawa namin yun o ako lang ang nakaramdam nun.

"Sorry..." Mahina kong bulong sakanya.

Bahagya syang nagmulat.
"Why?"

Hindi ako sumagot at umusog lang sakanya.
Dahil nakadapa sya at nakapatong ang ulo sa braso nya kaya umunan rin ako doon.

"Are you feeling guilty? I'm still sore, I don't even know if I can walk properly." Aniya

Masuyo ko syang hinalikan sa tungki ng ilong.

Hindi ko sigurado kung ilang ulit namin yun ginawa at hindi ko mabilang kung ilang ulit syang dumaing habang nasa ibabaw nya ako.
Ngayon ay halos gusto kong suntukin ang sarili ko dahil hindi ko iyon pinakinggan at sinunod lang ang gusto ng katawan ko.

"What can I do? It felt so good." Nahihiyang sabi ko.

"Good for you. Now, look at me."

Pinigil kong hindi matawa dahil sa itsura nya.

"Tell me, Xavier. Tell me what you said before doing it."

Kinagat ko ang pang ibaba kong labi at nag iwas ng tingin.
"I'll be gentle.."

"Baby, the last time I checked, gentle means you have to do it slowly...but what did you do?" Bahagya syang natawa nang may kahalong sakit.

"Xavier, you always make my whole day, but this time you just made...my hole weak."

Hindi ko na napigilang hindi matawa nang malakas bago natatawa paring niyakap sya.

Binasa ko ang pang ibaba kong labi at nanunuksong hinaplos ang hubad nyang likuran.
"Pwede ka namang..." Lumapit ako lalo sa mukha nya. "...bumawi sa susunod."

Ngumisi sya.
"I will definitely...do that."

Inangat nya ang ulo nya at akmang hahalikan ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Nani na hindi maipaliwanag ang itsura.

"Why the fuck are you here?" Gulat na tanong ni Bryce bago pilit at hirap na naupo. Kumunot ang noo ko na may parehong tanong sa isip.

Hawak nya ang mga damit na hinubad namin kagabi at ang dalawang bote ng lubricant.

Bahagya pa syang natigilan at tumagal ang tingin sakin.

"Where the hell are you looking at?!" Malakas na tanong ni Bryce saka itinaklob sakin ang kumot.

Natawa ako at inalis ang kumot.
"Bakit ka nga ba nandito?" Tanong ko kay Nani na initsa na sa kama ang mga dala nya

"Magbihis kayo dali!" Pabulong na sigaw nya.

Bryce, "Bakit?"

"YUNG MAMA MO NANDYAN!"

Sabay na nanlaki ang mga mata namin saka mabilis na umalis sa kama. Pareho kaming walang damit pero hindi ko na iyon naisip at nagbihis na sa harapan ni Nani.

Hindi namin inaasahan na ngayon sya darating!

"Tangina mo." Napatingin ako kay Nani dahil sa pagtawa nya. Nang tingnan ko ay may saklob ang buo nyang katawan ng kumot.

"HE'S LOOKING AT YOU!" Mariing sabi ni Bryce habang napapangiwing nagsusuot ng boxer shorts.

Napapailing na tinapos ko nalang ang pagbibihis habang si Nani ay inalis ang kumot at kumunot ang noo kay Bryce.
"Anong nangyari sayo?"

Hindi sumagot si Bryce at sinamaan lang sya ng tingin.

Bumakas ang pagkalito sa mukha ni Nani habang nagpapabalik balik ang tingin saamin.
"Teka...bakit si Bryce ang.."

Biglang nanlaki ang mga mata nya at muling natawa, "Bryce Gabriel, wag mong sabihing..?"

"Kapag hindi kapa umalis sa harapan ko, lilipad itong lampshade sayo." Mariing sabi ng huli

Itinikom ko ang bibig ko para pigilang matawa.

Natutop ni Nani ang bibig nya.
"Omg..."

Parehong may pagtawa sa mga matang nagpalitan kami ng tingin saka mabilis syang inilingan nang akma ulit nyang aasarin si Bryce.

"Let's meet my mom." Aya nya saka mabilis pero hirap paring naglakad papuntang pinto. "Xavier, don't be scared. I'm here." Seryosong lingon nya sakin bago nauna nang lumabas ng pinto.

Napawi ang ngiti ko at bigla ay naramdaman ang panlalamig ng kamay ko.
Hindi ko alam kung susunod ako kay Bryce.

"Bro, come on. Magagawan natin ng paraan yan." Nakangiting aya sakin ni Nani.

Napabuntong hininga ako at tumango.
"Tara."

***********

( To Be Continued )

Be Crazy With Me 2 : 6 Years Of Longing (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon