Gabi na nang makauwi ako sa bahay. Pagkatapos kong makitang wala na si Bryce kanina ay pinatawag ulit ako sa faculty room para pag usapan at ibigay ang budget para sa Sports Fest.
Pagbukas ko palang ng pinto ay naamoy ko na agad ang pamilyar na amoy ng pagkain mula sa isang sikat na fast food.
"Xavier." Nakangiting bati sakin ni Bryce pagkasara ko ng pinto. Kumunot ang noo ko pagkakita sa masaya nyang ekspresyon kabaliktaran ng text nya kanina. Sandali pa akong natigilan at sinundan sya ng tingin.
"Let's eat?"
"Bakit ang aga mo?" Nagtatakang tanong ko matapos umupo sa tabi nya at tingnan ang mga pagkain. "Bakit hindi ka nagluto? Di ka naman sanay kumain ng ganito."
Mas gugustuhin nyang magluto kesa magpa-deliver. Hindi dahil hindi healthy kundi dahil hindi nya sigurado kung malinis ang pagkakaluto ng pagkain.
"Tinamad na akong magluto. Napagod kasi ako kanina sa paghihintay." Bahagyang dumiin ang tono ng salita nya pero agad ring bumalik sa dati, "Ang tagal kasi ni Nani."
Pasimple ko syang pinagmasdan habang naglalagay ng pagkain sa plato. Bahagya syang nakangiti at parang walang balak ungkatin ang nangyari kanina.
Habang tumatagal mas lalo akong kinakabahan sa pagiging kalmado nya. Para akong isang kriminal na nasa korte at naghihintay ng hatol.
"Magbibihis lang ako." Sabi ko na tinanguan nya lang kaya mabilis na akong pumasok sa kwarto.
Ngayon lang sya hindi nagalit kahit alam ko na nagseselos sya kay Hey. Kahit saang anggulo ko tingnan, imposibleng wala syang maging reaksyon.
Hindi mapakaling kumuha ako ng damit at hindi sinasadya ay nabuksan ko ang drawer sa ilalim. Madalas itong naka-lock pero mukhang may kinuha si Bryce kaya nakabukas.
Isasara ko na sana ulit iyon nang makuha ng pansin ko ang maraming bote na iba iba ang kulay.Kinuha ko ang isa na blue ang kulay para lang biglang mabitawan nang mabasa ko ang nakasulat na pangalan.
Napakurap ako at napatitig sa boteng nasa sahig."Anong gagawin nya sa ganito karaming...."
"Xavier?" Katok nya sa pinto
Mabilis na dinampot ko ang nabitawan kong tube ng lubricant at ibinalik sa drawer.
Binuksan ko ang pinto at bumungad ang matalim nyang mga mata.
"Let's eat."Napapalunok na sumunod ako sakanya.
"Pwede bang sa labas nalang tayo ku--""NO." Matigas nyang sabi bago ako hinila paupo. "May binili na akong pagkain. Ayokong mapagod ka."
Wala sa sariling naubo ako at napainom.
Lumingon sya sakin at hinawakan ako sa pisngi.
"Why do you look so nervous? May nakita ka bang nakakatakot?"Tumikhim ako bago umiling,
"Wala." Sagot ko kahit hanggang ngayon ay nasa isip ko parin ang mga nakita ko sa drawer."Then, relax. Kakain lang tayo."
*******************
BINABASA MO ANG
Be Crazy With Me 2 : 6 Years Of Longing (COMPLETED)
RomanceThis is the continuation of Bryce and Xavier's story after 6 years of separation..