Chapter 5

268 16 1
                                    

"Sir, sabihin nyo na kasi ang ideal type nyo. Kami na ang mag aadjust." Nakangiting sabi ni Lian, isa sa mga estudyante ko.

Natawa ako.
Napaaga ako ng pasok kaya may oras pa sila para guluhin ako. May ilang minuto pa ako bago simulan ang klase.

Napahimas ako sa baba at nag isip. Lahat sila, lalo na ang mga babae, ay tumahimik at naghintay sa isasagot ko.

Ideal type?

Ngayon nalang ulit may nagtanong nang ganon sakin.

"Gusto ko yung magaling magluto." Tumango tango sila.

"Sir, may restaurant kami. Kahit araw araw pwedeng nyo akong kainin-I mean yung tinda namin." Humahagikgik na sabi ng isang boses lalaki na tinawanan ng marami.

Dahil natawa ako ay hinayaan ko nalang rin.

"Sir, nakailang girlfriend na po kayo?"

Napatingin ako sa nagtanong at natigilan.

Girlfriend?

"Wala akong naging girlfriend." Nakangiti kong sagot.

"Boyfriend po, sir?" Tanong nya ulit na halatang nagbibiro.
Hindi ako umimik at nilaro lang ang ballpen na hawak. "Di nga, sir? Boyfriend nga?"

Mahina akong natawa.
"That's enough. Let's start the class."

Nakarinig ako ng ilang reklamo pero hindi ko na iyon pinansin at pumunta na sa unahan ng klase.

"Excuse me, sir." Katok ng isang teacher na nakasalamin sa pintuan. Mabilis na lumapit ako sakanya.

"Yes, ma'am?"

"Hanap ka ng Dean."

"Bakit daw po?" Wala naman akong naaalalang appointment sakanya.

"Wala namang sinabi, basta puntahan mo nalang."

Hindi na ako nagtanong pa at tumingin sa klase, "I'll be back."

********************

"Mr. Hererra, I'm offering you a job. Marami ang nagrerequest na gawin ka nang regular teacher. Why are you refusing it?" Tanong ni Mrs. Gabriel. Ang Dean ng school.

Tipid na ngumiti ako.
"This is not actually my cup of tea, ma'am. Nagkataon lang po na wala akong trabaho one month ago kaya nag apply ako dito."

"Tell me, after your contract, anong plano mo?" Bigla ay naging seryoso ang mukha nya. Napalunok ako. Minsan ko lang makausap ang Dean kahit noong estudyante pa ako dahil lahat kami ay takot sakanya. Masyado syang donya tingnan at mukhang mananapak ng pera kapag nagustuhan mo ang anak nya.

"Titingnan ko pa po." Magalang kong sagot.
Kahit kasi ako ay hindi alam kung ano ang plano ko. Masyado kasing napako ang isip ko sa isang plano na hindi naman nangyari.

"You are a good teacher. Pag isipan mo ang sinasabi ko."

"Thank you, ma'am." Tumayo ako at kinamayan sya. Lumabas ako ng pinto na ang sinabi nya parin ang nasa isip. Siguro kung tinanong nya yan sakin noon, baka hindi ako nagdalawang isip na tanggapin.

"Why did you refused it?"

Bigla akong napatigil sa paglakad nang makita si Hey. Lumapit sya sakin at sumabay sa paglakad.

"Hindi ko naman tinanggihan. Pag iisipan ko pa."

Tumango tango sya at nakangiting umakbay sakin.
"Kape tayo mamaya." Aya nya na hindi ko tinanggihan.

*****************************

"Come to think of it, malapit sa bahay mo ang school. Mukha namang madali para sayo ang magturo, what's stopping you?"

Be Crazy With Me 2 : 6 Years Of Longing (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon