Chapter 25

179 12 0
                                    

"Show me the paper." Walang kangiti-ngiting sabi ni Bryce pagkatapos naming kumain.

"Tumigil ka na." Tinampal ko ang kamay nyang kanina pa hinihingi ang papel na binigay sa akin ni mama kanina.

"Bakit ba ayaw mong ipakita? Titingnan ko lang naman!"

Palihim akong natawa nang may inis na bumahid sa mukha nya.

"Bryce Gabriel, kumalma ka, wala akong kikitaing ibang lalake o babae."

Hinila nya ako paharap sakanya.
"Wala akong sinabing may kikitain kang iba, Xavier Hererra." May paghihinala sa boses nya

Hindi ko sya pinansin at inalis ang kamay nya sa braso ko.
"Magbibihis na ako. Kung may lakad ka, i-message mo nalang ako." Mabilis na hinalikan ko sya sa labi at tumalikod na.

"Xavier!"

Natawa ako pero hindi sya nilingon.
"See you later."

Napawi ang ngiti ko at napalitan ng kaba.
Ang totoo nyan, pagkakita ko sa address ay alam ko na agad kung sino ang gustong kumausap sakin. Ayoko lang sabihin kay Bryce dahil alam ko na hindi sya papayag na harapin kong mag isa ang mommy nya.

Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung paanong nakakausap nya si mama.

"Aalis ka na?" Tanong nya nang makasalubong ko sya sa hagdan.

"Magbibihis po muna ako, ma."

Tumango sya at akmang lalagpasan ako.
"Ma."

Lumingon sya na may pagtatanong sa mga mata.

"Si Mrs. Gabriel po ba ang kausap nyo kanina sa cellphone?"

Napakurap sya na parang hindi inaasahang itatanong ko iyon sakanya, bago ngumiti.
"Sino sa tingin mo?"

"Ma.." Reklamo ko.

Nangingiting naglakad sya palapit at tumigil isang baitang mula sakin.
"Xavier, iba iba ang pagiging ina ng isang ina. Maaaring hindi kayo nagkasundo noong una, pero natutuwa ako na hindi mo sya binastos dahil lang hindi ka nya nagustuhan."

Hinawakan nya ako sa balikat at marahang hinaplos.
"I think I raised you well. Now go, talk to her and don't forget to bring her some flowers."

Nginitian nya ako at bumaba na ng hagdan.
"By the way, Xavier." Tumigil sya at lumingon. "Sabi nya wag mo raw syang paghintayin."

Napalunok ako.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o lalong matatakot sa sinabi nya.

*************
( To Be Continued )

Be Crazy With Me 2 : 6 Years Of Longing (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon