FINAL CHAPTER

398 18 12
                                    

[ 2 𝗱𝗮𝘆𝘀 𝗹𝗮𝘁𝗲𝗿... ]

Parehong nakangiti na nakatingin kami sa isa't-isa. Kung dati ay hindi ko 'to nagawa 6 years ago, ngayon ay maihahatid ko sya at mayayakap bago sya umalis.

"See you after two months?" Puno ng emosyong tanong nya.

Tumango ako at pinisil ang pisngi nya, "Hihintayin kita."

Humakbang sya at masuyong hinalikan ang mga labi ko.
Pumikit ako at hinila sya palapit.

Dalawang buwan.
Dalawang buwan lang at makakasama ko na sya ulit. Nang mas matagal. Nang walang kumukontra.
Nakaya kong maghintay ng anim na taon, at kakayanin kong maghintay ng kahit ilan pa dahil alam ko na saakin sya babalik.

"Damn.." Bahagya akong natawa nang nalukot ang mukha nya at nanubig ang mga mata. "I miss you already.." Bulong nya habang magkadikit ang mga noo namin.

Nakangiting kinagat ko ang pang ibaba kong labi para pigilan ring maluha.

"Iyakin." Natatawang biro ko nang tuluyan syang maiyak at muling yumakap nang mahigpit.

"Just come with me!" Parang nagmamaktol na batang sabi nya sa gilid ng tenga ko.

Hinaplos ko ang likod nya at pilit syang inalo.
"Alam mong mangyayari din yun pero hindi pa ngayon.."

"Then wait for me.." Bulong nya.

Tumango ako. Mahigpit ko syang niyakap bago tuluyang bumitaw sakanya nang i-announce na ang flight nya.

Pinunasan ko ang basa sa pisngi nya.

"Pano kung..wag nalang kaya akong umalis?" Nakangusong tanong nya.

Pinitik ko sya sa noo, "Alam mong hindi pwede." Yun ang usapan namin ng mama nya. "Kayanin mo, para magkasama tayo nang mas matagal.."

"This is the reason why I left without telling you 6 years ago. Leaving you like this, is harder than leaving without saying goodbye.."

Ilang sandali nya akong tinitigan bago mabilis na hinalikan ang pisngi ko at tuluyan nang tumalikod.

Natawa ako.
"Bryce Gabriel!"

Tumigil sya pero hindi lumingon. Dama ko mula dito ang pagpipigil nyang huwag yun gawin.


"Bilisan mong bumalik.."


Napangiti ako nang tumango sya.
Nakita ko pa kung paano sya mabilis na nagpunas ng mga mata.


Mabigat ang dibdib na nag iwas ako ng tingin at hinintay na sa paglingon ko ulit sa direksyon nya ay wala na sya sa paningin ko.


At ganon nga ang nangyari.
Pero pinigilan kong malungkot.



Dahil alam ko na sa pagbalik ko dito..



Yakap nya ang sasalubong sakin.







- 𝗘𝗡𝗗

***********

Maraming salamat po sa lahat ng nagbasa ng 'BE CRAZY WITH ME 1 & 2'!!  Hanggang sa susunod na kwento! Post ko po mamaya ang EPILOGUE ❤

🎉 Tapos mo nang basahin ang Be Crazy With Me 2 : 6 Years Of Longing (COMPLETED) 🎉
Be Crazy With Me 2 : 6 Years Of Longing (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon