𝗙𝗢𝗥𝗕𝗘𝗦 𝗕𝗨𝗜𝗟𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗨𝗻𝗶𝘁 2112 ( 𝗕𝗿𝘆𝗰𝗲 𝗚𝗮𝗯𝗿𝗶𝗲𝗹'𝘀 𝗰𝗼𝗻𝗱𝗼 )
Three months after he left**
"Xavier, bakit hindi mo nalang puntahan si Bryce? You know where he is. Alam mo rin ang address nya sa Thailand."
Inikot ikot ko ang basong may laman na alak na hinalo ni Yige.
Mula nang umalis si Bryce, ang condo na laging nasa ayos, wala halos laman at tahimik ay naging animo extension ng Oblivion.
Ang counter na noon ay puno ng pagkain at gamit sa pagluto, ngayon ay puno na ng iba't-ibang uri ng bote ng alak. Mula sa pinaka-mahal hanggang sa pinaka-mura.
Nang umalis sya at nalaman ng mga kaibigan nya na alam ko na ang ginawa nilang pagtatago ng pag alis ni Bryce, sila na ang nagkusang pasayahin ako. Mula sa pagdala ng mga alak ni Yige, pag dala ng mga malalaking speaker ni Kiersten at pagdala ng kung sinu-sino ni Rixon at Mico kapag Sabado ng gabi kung kailan wala silang ginagawa.Hindi ako nagreklamo.
Baka kasi mabaliw lang ako kapag mag isa lang ako lagi.
Sa kakaisip sakanya.
Sa sobrang pagkamiss sakanya.
Sa kakapigil sa sarili ko na hablutin ang passport ko, mag book ng flight at puntahan sya.
Kaya kong mabuhay nang wala sya...pero hindi ko alam kung paano ulit magsisimula.
Sinanay nya ako sa maraming bagay at ngayong bigla syang nawala, pano ko ulit sasanayin ang sarili ko sa mga bagay na kinasanayan ko noong hindi ko pa sya kilala?"Umalis sya nang walang paalam, tingin mo pupunta ako dun nang ganon lang? He chose to leave, wag syang umasa na kahit tatlong oras lang ang pagitan namin, pupuntahan ko na sya na parang wala lang nangyari."
Nangingibabaw parin ang sama ng loob ko sakanya. Alam kong nahirapan rin syang umalis, pero sana alam nyang mas nahirapan ako kasi ako yung naiwan sa bahay nyang punong puno ng mukha nya sa isip ko. Sa sala, sa sofa, sa kwarto, sa kusina, sa CR, sa balcony..
Saan nga bang parte ng bahay na 'to ang hindi ko napuntahan kasama sya?
"Pride pa rin ba?" Tanong ni Yige matapos uminom. "You know what, kung nasasaktan ka na at meron ka namang choice to ease that pain, bakit hindi mo nalang gawin? Lunukin mo na ang pride na yan at maging masaya."
Hindi ako umimik at pumasok sa kwarto.
Paglabas ko ay dala ko na ang maletang may laman ng mga damit ko."Where are you going? Pupuntahan mo sya?" Tanong ni Yige.
Umiling ako.
"Uuwi na ako sa bahay." Inilibot ko ang paningin ko. Siguradong mamimiss ko ang lugar na 'to.
"Hindi nya naman sinabing dito lang ako habang hinihintay sya, diba?"Hindi ko na sya hinintay sumagot at mabibigat ang mga hakbang na lumabas na ng pinto.
BINABASA MO ANG
Be Crazy With Me 2 : 6 Years Of Longing (COMPLETED)
RomanceThis is the continuation of Bryce and Xavier's story after 6 years of separation..