Chapter 23

191 14 0
                                    

"Masaya ka ba?" Tanong ko kay Bryce nang nasa kwarto na kami.

Pareho kaming nakatihaya sa kama habang nakatingin sa kisame.

"I am." Nakangiting sagot nya. "Pero tama ang mama mo. Kailangan parin nating kausapin si mommy. Hindi naman habang buhay, iiwasan natin sya. At hindi laging kapag nagkikita kayo, titingnan ka nya nang masama kasi alam ko na masasaktan ka kapag nangyari yun."

Tumagilid ako ng higa at humarap sakanya.
Walang ilaw sa kwarto ko at tanging ilaw lang na nanggagaling sa poste na nasa labas ang tumatanglaw sa amin.
Sa ganitong ayos ay kitang kita ko kung gaano kaganda ang hugis ng mukha nya.
Ang magandang mga mata, matangos na ilong at mga labi na kapag nakikita ko ay laging gusto kong halikan.

Alam kong wala sa tamang tiyempo pero napakagwapo pala talaga ni Bryce.

"Why are you smiling?" Untag nya sakin saka ako sinundot ng hintuturo sa pisngi.

Nakangiting umiling ako.
"Wala."

Pinaningkitan nya ako ng mga mata at akmang kikilitiin nang mabilis kong hawakan ang kamay nya.
"Wala nga." Natatawang sabi ko.

"Wag mo akong niloloko, Xavier Hererra." Seryosong sabi nya pero alam ko na isang kalabit ko lang ay tatawa na rin sya.

"Bryce Gabriel, gusto ko lang tumawa. Masama bang tumawa nang walang dahilan, ha?"

"Oo. Kasi kapag tumatawa ka nang ganyan, ako lagi ang dahilan."

Napapalakpak ako.
"Wow, ang kapal."

Kahit totoo naman.

Napahalakhak sya at umusog sakin.
"Fine. Hindi na ako magtatanong. Let's just sleep and rest."

"Tulog lang?" Tukso ko sakanya.

Idinantay nya sa binti ko ang binti nya at nilaro ang butones ng longsleeve ko.
"If you want your brother to hear you scream and moan, then we can sleep later."

Napawi ang ngisi ko at sinadyang sagiin ng kamay ang zipper nya.
"Kaya kong magpigil ng tawa." Bumaba ang tingin ko sa mga labi nya at dahan dahang inangat ang isang kamay para humawak sa balikat nya. "Bakit hindi mo tingnan kung kaya ko ring mag pigil ng sigaw?"

Tumaas ang dalawa nyang kilay.

"Bakit? Ayaw mo ba?" Nakangising tanong ko.

Gumalaw ang adam's apple nya at mabilis pa sa alas kwatrong inalis ang butones ng damit ko.
"Mukha namang hindi magsusumbong si Mikki."

Natatawang ikinawit ko ang mga braso ko sa leeg nya.

Bryce Gabriel, bukas haharapin natin ang mama mo. Pero hayaan mo munang makalimutan ko ang kaba ko, kahit ngayong gabi lang.

*************

( To Be Continued )

Be Crazy With Me 2 : 6 Years Of Longing (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon