𝗗𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗺𝗮𝗸𝗲𝘀 𝘁𝗵𝗲 𝗵𝗲𝗮𝗿𝘁 𝗴𝗿𝗼𝘄 𝗳𝗼𝗻𝗱𝗲𝗿...𝗼𝗿 𝗰𝗼𝗹𝗱𝗲𝗿?
**
"𝗫𝗮𝘃𝗶𝗲𝗿, 𝗱𝗶 𝗺𝗼 𝗮𝗹𝗮𝗺 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗮𝗻𝗼 𝗮𝗸𝗼 𝗻𝗮𝗵𝗶𝗿𝗮𝗽𝗮𝗻..𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗻𝗮𝗻𝗱𝗶𝘁𝗼 𝗸𝗮, 𝗺𝗮𝘀𝗮𝘆𝗮 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝘆 𝗯𝗼𝘆𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱?"
Mula sa mahimbing na tulog ay nagising ang diwa ko dahil sa paulit ulit na boses na naririnig ko.
Hindi agad ako nagmulat at pinakiramdaman ang paligid. Malamig at maluwag.
"Xavier..." Yugyog saakin ng isang pamilyar na boses. "Wake up.."
Tumikhim ako at nagmulat. Bumungad sakin ang mukha ng taong nakalimutan kong kasama ko kagabi.
"Hey." Sapo ang ulong bumangon ako at inilibot ang tingin. "Nasan tayo?""My house." Sagot nya. Inabutan nya ako ng isang puting tableta at tubig. "Inumin mo, para sa hangover."
"Salamat."
Matapos inumin ay nahiga ulit ako dahil sa kirot ng ulo ko. Pakiramdam ko ay umiikot pa ang bahay nya. "Pano tayo nakauwi? At panong tayo ang magkasama?""Kagabi naharang ako sa dancefloor, hindi ako nakaalis agad. Nung hinanap kita sa VIP room nakita ko na lasing na kayo ng mga kaibigan mo at tulog ka na sa sofa."
Natigilan ako at biglang napabangon.
"Hey, nang makita mo ba ako kagabi, sino pa ang mga kasama ko?"Kahit lasing na ako ng mga oras na yun, alam ko na dumating sya at kinausap ako. Malinaw pa ang isip ko kaya hindi ako pwedeng magkamali. Hindi titibok nang ganito kalakas ang puso ko kung hindi ko sya nakita.
"I don't remember their names. Pero yung mga kasama mo noon sa Baguio, yun ang naabutan ko." Tumabi sya sakin at sinalat ang ulo ko. "Masakit ba ang ulo mo?"
Agad akong umiling.
"Hey, nakita mo ba si.." Napatigil ako at sandaling nag alinlangan.
Kasi pano kung...lasing lang talaga ako kagabi? Sa tapang ng alak na ginawa ni Yige, hindi kaya hinaluan nya rin yun ng drugs kaya kung anu-ano ang nakita ko?"Sino?"
Bumuntong hininga ako.
"Si Bryce.""Your ex?" Nakataas ang kilay na tanong nya saka tumayo. "Hindi ko sya nakita."
Hinawakan ko ang laylayan ng damit nya nang akma syang aalis.
"Sigurado ka ba? Imposibleng wala sya dun.""Do you think I'm lying?" Sandaling tumigas ang ekspresyon ng mukha nya pero agad ring bumalik sa dati.
Binitawan ko sya.
"Hindi naman sa ganon. Gusto ko lang malaman kung nakita mo sya kagabi.""Hindi ko sya nakita." Sabi nya at dala ang basong ininuman ko ay lumabas na ng kwarto.
Sinundan ko sya ng tingin at bahagyang nagtaka sa kilos nya pero ikinibit balikat ko nalang dahil baka may hangover lang rin sya.
Kumunot ang noo ko at napaisip.
"Pero nasa harapan ko sya kagabi.."Para mawala ang pagkalito ay kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Yige. Number nya palang ang nasakin dahil nawala sa isip ko na kunin ang number ng iba kagabi.
"Bro..." Malat ang boses na sagot nya. Mukhang nagising ko pa yata sya. "Why are you calling so early?"
"Nagising ba kita?"
"Oo. Matutulog ulit ako pagkatapos mo." Inaantok na sabi nya kaya tinanong ko na agad ang pakay ko
"Nasa Oblivion ba kagabi si Bryce?"
Hindi sya sumagot at tanging paghinga nya lang ang naririnig ko.
"Yige?" Tawag ko pero hilik nya nalang ang sumagot sakin. Mukhang nakatulog ulit sya nang hindi man lang nasasagot ang tanong ko.Mabigat ang dibdib na napabuga ako ng hangin.
"May drugs ba yung pinainom mo sakin kaya nag hallucinate ako?"Akmang ibababa ko na ang tawag nang marinig ko ang mahina nyang boses,
"No drugs, no drugs." Tinatamad na sabi nya. "About your ex Bryce Gabriel.." Napalunok ako at biglang pinagpawisan, "That's for you to find out." At bigla ay naputol na ang linya.Sinipa ko ang unan na nasa paanan ko.
Ano bang problema nya? Bakit hindi nya nalang sagutin ang tanong ko at nang magkaroon ng katahimikan ang isip ko?Pabagsak na nahiga ako at galit na tumitig sa kisame.
Pero mas ano ba ang problema ko? Iniwan ako ng anim na taon, walang text, walang tawag. Bakit kung hanapin ko sya, parang may karapatan parin ako?Anim na taon, maraming pwedeng mangyari, pwedeng iniisip nya parin ako pero pwede ring hindi na..
Pwedeng ako pa rin, pero pwede ring hindi na..
BINABASA MO ANG
Be Crazy With Me 2 : 6 Years Of Longing (COMPLETED)
Lãng mạnThis is the continuation of Bryce and Xavier's story after 6 years of separation..