*****

221 15 3
                                    

𝗟𝗲𝘁 𝗺𝗲 𝘁𝗮𝗸𝗲 𝘁𝗵𝗲 𝗵𝗮𝗿𝗱𝘀𝗵𝗶𝗽 𝗳𝗼𝗿 𝘆𝗼𝘂

**********************

"Ha? Umalis na ang mga mag i-install ng stage?" Gulat na tanong ko sa nag deliver ng portable stage. Kung gaano kaganda ang gabi ko kagabi, ganon rin kaaga ang sumalubong saamin na sisira ng umaga ko.

Napakamot sya.
"Yun po yung sabi saamin, sir. Kayo na daw po ang bahalang mag install basta i-deliver lang namin."

"Pero kasama ho yun sa binayaran namin. Wala naman kaming alam kung paano yan ilagay."

"What's the problem?" Lapit ni Mico. Kakarating lang nilang tatlo nina Yige at Rixon habang si Kiersten naman ay sinundo na ni Hey. Si Bryce naman ay pumunta sandali sa Dean's office para sabihin ang tungkol sa pagtulong ng mga kaibigan nya.

"Umalis na kasi ang mga mag aayos ng stage. Tayo nalang daw ang maglagay."  Sagot ko

"Sinong may sabi?" Tanong nya sa delivery man na agad binuklat ang hawak na log book.

"Hindi ko po sigurado, sir. Pero isa lang po dito sa nakalistang receiver ang pwedeng tumawag samin. Xavier Hererra at Heyden Valencia."

Nagkatinginan kami ni Mico. Kahit hindi magsalita ay alam na namin kung sino ang salarin.

"Iba rin talaga ang kaibigan mo na may pagnanasa sayo, Xavier." Natatawang akbay sakin ni Yige.

Siniko ko sya at muling bumaling sa delivery man. Matapos pumirma ay sabay sabay na kaming pumunta sa gitna ng field kung saan nakatambak ang mga parts ng gagawing stage.

Open field at napakainit na kahit maaga pa. Pero wala kaming choice kundi ang magtrababo sa ilalim ng mainit na araw.

Nang tingnan ko ang cellphone ko ay 34° C ang temperatura.

"That man is really something. Porket hindi ka namin pinasama sakanya, heto at pinapahirapan tayo." Ani Rixon

"What's wrong?" Tanong ng kakarating lang na si Bryce. Agad nyang inabot sakin ang payong na dala nya. "Nasaan ang mga magkakabit?"

Natawa si Yige.
"You mean, us?"

"What do you mean us?"

"Pinaalis na ni Hey, kaya tayo ang magkakabit nyan." Sagot ni Mico

Tinanguan ko sya nang lumingon sya sakin.
"That bastard."

Hinubad ni Mico ang jacket na suot nya at naglakad papunta sa pathway na may bubong.
"Wala na tayong magagawa. Let's start."

Sumunod kami sakanya.
"Kaya nyo ba? Okay lang naman kung kukuha tayo ng iba. May budget naman para dun."

Rixon, "No need, bro. Nandito na tayo. Tsaka baka nakakalimutan mo?" Tinapik nya ako sa balikat. "Mga lalaki parin kami."

Napangiti ako.
"Salamat."

"Wag kang masyadong ma-touch, Xavier. May bayad yan sabi ni Bryce." Makahulugang tumawa si Yige.

Napamaang ako.
"Anong bayad?"

"Mamayang gabi na natin yan pag usapan." Nakangising sagot ni Bryce. Kinurot ko sya sa tagiliran nang maintindihan ko ang ibig nyang sabihin.

Napataas ang mga kilay ko nang parang nasa isang photoshoot na sabay sabay silang naghubad ng damit pang itaas. Tumambad sa lahat ng nasa paligid ang mga katawan na kapag nakita ng mga lalaki ay siguradong maiinggit at kung mga babae naman ay siguradong mapapalunok.
Napasipol ako nang pati si Bryce ay naghubad rin.
May mga estudyante pang napatigil sa pagdaan at nagbulungan,

"Hala, bastos bat naghuhubad?"
"Bakit hindi pa sinali yung pantalon?"
"Kuya, pahawak."
"Mine na po si kuya!"
"Tabi! Ako na!"

Ngumisi si Yige at lumapit sa estudyanteng sumigaw ng 'Mine'.
"I'm yours now. Sama ka sakin mamaya."

Hinila sya ni Rixon pabalik.
"Mga bata yan."

"Pero pumapatol ako sa bata."

"Tangina mo."

Lumapit sakin si Bryce at binigay ang T-shirt nya,
"Just wait here. O baka may iba ka pang gagawin."

Umiling ako.
"Tutulungan ko na kayo. Magbibihis lang ako."

"No, dito ka lang. Ang init init."

"Pero-"

Ginulo nya ang buhok ko at ngumiti,
"Let me take the hardship for you."

Napapabuntong hiningang sinundan ko sila ng tingin. Lalo pang tumataas ang sikat ng araw dahil mag a-alas nuebe na.
Para sa mga tumitingin, mga lalaki lang sila na may magagandang katawan na hindi alintanang mabilad sa araw.
Pero hindi para sakin. Lalo na at kasama doon si Bryce.
Mabilis na pumihit ako paalis at nagdesisyong magbihis.

"Let me take the hardship for you? Stupid. Let's take the hardship together."

***************

Be Crazy With Me 2 : 6 Years Of Longing (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon