"Xavier." Napalingon ako kay Bryce pagkababa ko ng kotse. Itinaas nya ang kaha ng sigarilyo sa kamay nya. "Mamaya na tayo umakyat."
Napangiti ako nang umakyat sya sa hood at nahiga. Tinapik nya ang espasyo sa tabi nya.
"Come here please."Agad nyang hinawakan ang kamay ko pagkahiga ko sa tabi nya.
"Hindi ka ba nilalamig?" Tanong nyaUmiling ako.
Alas tres na ng madaling araw at kakauwi lang namin. Hindi na kami ganon kalasing dahil nang maubos kanina ang mga alak ay tumigil na rin kaming uminom.
"Isn't it nice? Just you and me again."
Nakangiting tumango ako.
Wala nang ibang tao maliban saamin.
Kahit mga sasakyan ay wala na kaming naririnig na dumadaan.Kumuha ako ng isang stick at inipit sa mga labi ko na agad nya namang sinindihan.
Matapos bumuga ng ilang ulit,
"It's always nice...being with you." Usal ko saka lumingon sakanya.Nakita kong kumislap ang mga mata nya.
"I know. Because I feel the same everytime I'm with you."Lumingon sya sakin at sabay kaming napangiti.
Lumapit ako sakanya, inangat ko ang braso nya at ginawang unan.
Tahimik kaming humiga habang dahan dahang inuubos ang sigarilyo.
Napakatahimik ng gabi at sapat nang nasa tabi ko sya para ang normal na gabing gaya nito, ay maging espesyal.Tumingin ako sa mangilan ngilan nalang na ilaw na nagmumula sa mga bintana ng mga condo unit.
"Bryce, tingin mo anong mangyayari satin after 10 years?"
Naghintay ako ng sagot pero hindi sya umimik.
Nang tumingala ako para tingnan sya ay nakita kong bahagyang nakakunot ang noo nya."10 years?" Sinilip nya ang mukha ko at tumingin sakin na parang hindi kumbinsido sa sinabi ko.
"Tingin mo ba, magkasama parin tayo?"
Muli syang natahimik at makailang beses na humithit sa sigarilyo.
Bumuntong hininga sya at hinapit ako payakap.
Napapangiting sumiksik ako sa leeg nya.
Mas maingay pa ang tibok ng puso nya kesa sa paligid.
Ang ganitong ingay, ang nag iisang ingay na hihilingin kong marinig araw-araw."Bryce Gabriel..." Usal ko bago ipinikit ang mga mata.
"Baby, I have a lifetime reserved to be with you."
Sa sinabi nya ay puso ko naman ang bumilis ang tibok.
"Say, after 10 years, naghiwalay tayo. Then what am I going to do with the remaining days of my life, huh? How am I going to spend it without you? Kung sa lahat ng plano ko nandun ka?" Bahagya syang natawa habang nilalaro ang buhok ko. "I don't have plan of restarting it with someone else. I knew, the first time I saw you at the canteen. Because when you punched me that day , it's not my face that was in pain."
Bigla ay napuno ng emosyon ang mukha nya na parang biglang inaalala ang nangyari ng araw na yun. "It was my heart. You punched it so hard that it started beating so fast.."
Hindi ako nakapagsalita.
Lagi naman. Kapag galing na sakanya, lagi akong natutulala.Mataman ko syang tinitigan bago masuyong natawa.
"Bryce Gabriel, anggaling mong mambola. Kaya siguro marami kang chix na nakuha nang bumalik ka dito."Natawa sya.
"Chix? Fuck, I can't even kiss them without thinking about you first.""Kaya pala nung maabutan kita sa bar hindi lang kayo naghahalikan."
Mahigpit nya akong sinakal gamit ang braso nya.
"Don't bring that old shit back. Hindi ko na nga maalala ang mukha nya.""Edi puntahan mo ulit. Diba sabi mo babayaran mo pa sya?"
Inalis ko ang braso nya at natatawang lumayo sakanya. "Are you going to get out using your fucking feet or you want me to fucking throw you outside?" Panggagaya ko sa sinabi nya sa babae nang gabing yun"You fucking.."
Natatawang bumaba ako sa kotse at inapakan ang upos ng sigarilyo at nakangiting inabot ang kamay sakanya.
"Umuwi na tayo."Tinitigan nya iyon bago tumango at tinanggap.
"Let's go home."Habang naglalakad papasok ay maingay kaming nagbibiruan. Kami nalang ang tao dito sa ground floor maliban sa dalawang receptionist.
"Sir Bryce!" Tawag sakanya ng isang lalaking receptionist.
Sabay kaming lumapit sakanya.
"Paul." Nakipag fist bump sya sa lalaki."Ito na yung pinabili nyo sakin."
Binigay nito sakanya ang isang pahabang kahon ng alak."Salamat." Pasimple syang nag ipit ng tip sa kamay ni Paul. "Akyat na kami." Tumango ang lalaki matapos akong sulyapan at tipid na nginitian.
Bumaling ako kay Bryce,
"Mag iinom pa ba tayo?"Ngumisi sya.
"Let's get drunk tonight, remember?" Lumapit sya at umakbay, "Unfortunately, we're not drunk anymore. So let's do it again."***********************
BINABASA MO ANG
Be Crazy With Me 2 : 6 Years Of Longing (COMPLETED)
RomanceThis is the continuation of Bryce and Xavier's story after 6 years of separation..